MEDICAL MISSION AT MINOR OPERATION IPINAGKALOOB NG LIONS CLUB

MEDICAL MISSION & MINOR OPERATION CONDUCTED BY THE LIONS CLUB

ISA sa pangunahing pangangailangan ng mamamayan lalo na sa mga kanayunan ay ang serbisyong medikal at dahil nga ang kakulangan nito ay hindi mapunuan ng pamahalaan ito ay tinutugunan ng pribadong sektor.

Dito pumasok ang adbokasiya ng grupong Lions Club Mindanao nitong nakaraang sabado Ika-13 ng Agosto 2022 na ginanap sa barangay hall ng Barangay Libertad, Butuan City, Agusan Del Norte.

Pinangunahan ni Butuan Golden Hearts Lions President Lordgette Neis kasama sina Regional Chair Jojo Yee at Governor William Toh Albano, CabSec Amado Angeles, GST Johnny Te Unified Global Service Project District 301E kaagapay ang kanilang Honorary Member na si H.E. Ambassador Gion Gounet.

Nakibahagi rin si Bgy. Capt Menchie Rosario at Pres. Rosily Bernat. Bukod sa karaniwang tulong medikal gaya ng check up at pamamahagi ng mga bitamina sa mga bata ay nagkaroon rin ng minor operation gaya ng circumcision at iba pang mga serbisyong medikal na kadalasan ay ipinagkakaloob ng gobyerno.

Mula sa mga detalyeng ipinagkaloob ni H.E Ambassador Gion Gounet///Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-