

Noong ika-7 ng Marso, 2021, ipinagdiwang ng HWPL Philippines ang ika-5 Anibersaryo ng Declaration of Peace and Cessation of War (DPCW) sa pamamagitan ng isang online conference sa temang “Pagtatatag ng isang Mapayapang Daigdig Sa Pamamagitan ng DPCW” upang maiangat ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng DPCW. Ang DPCW ay magsisilbing batayan para sa isang ligal na balangkas upang makamit ang kapayapaan sa lipunan.

Ang DPCW ay isang dokumento sa anyo ng isang Preambulo na may 10 artikulo at 38 sugnay na nilalayong iapatupad bilang internasyunal na batas para sa pagtigil sa digmaan. Ito ay isinulat ng HWPL International Law Peace Committee na binubuo ng mga kilalang dalubhasa sa internasyunal na batas mula sa 15 na bansa.

Ang DPCW na binuo sa pundasyon ng mga pagpapahalagang nakapaloob sa UN Charter at Universal Declaration of Human Rights, ay naglalaman ng mga ideya upang palakasin ang kasalukuyang internasyonal na batas ayon sa mundong mabilis na nagbabagp at dalhin ang pangunahing diwa upang isalin sa susunod na henerasyon.

Ipinalabas ang mga mensahe ng pagbati mula sa gobyerno, sektor ng edukasyon at miyda kabilang ang Punong Ministro ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na si Ahod Ebrahim, Senator Risa Hontiveros, Senator Kiko Pangilinan, DILG Undersecretary Marjorie Jalosjos ng Mindanao Affairs and Special Concerns, Dr. Concepcion F. Balawag, Schools Division Superintendent sa Cotabato City, at Olive Tiu, Regional Director ng Philippine Information Agency.

Kasabay nito ay ipinagdiwang din ang International Women’s Day kasama ng International Peace Youth Group (IPYG) at International Women’s Peace Group (IWPG). Ang mga pinuno ng kababaihan mula sa Girl Scout of the Philippines Pila District, Women Lawyers Association of the Philippines, National Federation of Women Clubs, at Rotary Club Pearl of Orient Quezon City ay nagpahayag ng kanilang suporta para sa DPCW sa pamamagitan ng pagkilala sa papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pagtataguyod ng kapayapaan.

“Bilang isang tagapagtaguyod ng kapayapaan at bilang Local Chief Executive ng Munisipalidad ng Kapalong, nais kong palakasin ang mga tao at hikayatin ang lahat ng mga kababaihan na suportahan ang Declaration of Peace and Cessation of War (DPCW) at palaging panatilihin ang pinakamataas na mga mithiin ng kapatiran ng mga kalalakihan, at magtulungan upang makamit ang kapayapaan sa buong mundo,” sinabi ni Mayor Maria Theresa Timbol ng Kapalong, Davao Del Norte sa kanyang talumpati.

Si Danilo Mocsin, Tagapagtatag at Tagapangulo ng Kutawato Greenland Initiatives (KGI), ay nagsulong ng “Peace Tree Campaign” kung saan makikilahok ang KGI. Sa pamamagitan ng kampanyang ito, pinalalakas ng mga tao ang kanilang tinig sa pagsuporta sa DPCW, bilang pangako na magtatag ng peace monument hanggang sa 2022. Ang proyektong ito ay alinsunod sa proyektong Greening Planet na naglalayong magtanim ng 1 milyong puno sa 100 bansa sa loob ng taon 2021.

“Nagtatanim kami ng puno bilang isang pangako na magtatatag ng hardin ng kapayapaan at monumento ng kapayapaan. Bukod dito, ang simbolikong layunin nito ay upang ipaalala sa ating lahat na mga mamamayan na maaari din tayong maging mga buhay na puno ng kapayapaan na isasabuhay ang mga pagpapahalaga ng kapayapaan, at ikakalat ito sa mga tao sa paligid natin,” aniya.

Matapos ang pangunahing talumpati, itinampok ng isang opisyal ng HWPL ang mga resulta at plano organisasyon para sa taong 2021 kabilang ang progreso ng Peace Tree Campaign, mga City Resolution para sa DPCW, at pakikipag-ugnayan sa PAGEONE Media.

Ang Heavenly Culture, World Peace, and Restoration of Light (HWPL) ay isang internasyonal na NGO kaugnay ng UN ECOSOC at UN DGC, na nakatuon sa pagkamit ng kapayapaan at pagtigil ng digmaan sa buong mundo.
