

PILIPINAS, Ika-13 ng Marso, 2021- “Ang kapayapaan ay para ring digmaan, ito ay ipinaglalaban” -George Clooney, Aktor, at ito ay ginagawa sa paraang hindi marahas at walang kikitling buhay, walang naa api at walang natatapakan.
Sa kabila ng marami na nga ang nagbuwis ng buhay sa ngalan ng kapayapaan, hindi naman imposible itong makamit. Sa kabila ng napakaraming pulo-pulong digmaan sa mundo mas marami pa ring lugar ang mapayapa at may mga organisasyon na nais itong manatiling ganoon.
Ayon nga kay HWPL Chairman Man Hee Lee “Achieving Peace is never a one – person job, but requires people in all walks of life to work together” ito ay isang kolektibong pagsisikap na walang kinikilalang relihiyon, lahi,kultura at wika..
Bukas (lingo)Ika- 14 ng Marso, 2021, dakong alas 7:00 ng gabi oras sa Pilipinas ( Philippines Standard Time), ang Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL) ay mangunguna sa pag gunita sa Ika 5 taon ng Declaration of Peace and Cessation of War (DPCW)
Iinog sa temang “Marching on Toward Sustainable Peace in Pandemic Era “kalahating dekada na bukas ang inisyatibo ng HWPL na nagsimula nuong Ika-14 ng Marso, 2016 sa pangunguna ni Chairman Man Hee Lee which kabalikat ang mga pamahalaang lokal at kagaya nilang mga Unit, Non- Government Organization,layunin ay maka hikayat at malinawan ang pag iisip ng mga sektor ng lipunan sa 10 articles at 38 clauses ng mahalagang dokumentong .
Ang nararanasang pandemya ng mundo ay hindi katwiran upang mapaigtingin ang alab ng pagsulong sa pangmatagalang kapayapaan sa daigdig at kasama ang United Nations bilang pangunahing taga suporta, ang Declaration of Peace and Cessation of War o DPCW ay nagsilbing inspirasyon at positibong tugon ng mga bansa kaagapay ang kani-kanilang mga batas katulong ang sektor ng edukasyon at akademya.
Sa wikang Filipino ang tugon ng ilang mamamahayag ” Bilang mamahayag ng Filipina sisikapin ko maging halimbawa sa kapwa mamayahagna makapagbahagi ng Makabuluhang Jornalismo na tumatalakay sa kapayapaanat pagkakaisa. Para sa akin ang DPCW ay samahan g taong nagsusulong ng deklarasyon pangkapayapaan at kumukundena sa mara has na digmaan upang tuluyan na mawala ang karajasan at magkaroon ng habang buhay na kapayapaan” ayon kay Maryam Jannah Binti Ismail ng www.dzmjonline.net
Samantala ” Bilang Pilipino isusulong ko ang Kapayapaan sa pamamagitan ng Diaryong Tagalog. Para sa akin, ang DPCW ay kaparaanan upang pahalagahan ang kapayapaan at iwaksi ang digmaan”pahaya naman ni Abdul Malik Bin Ismail ng www.diaryongtagalog.net
Sa dulo ng misang Katoliko binabanggit ng Pari ang mga katagang “Ang kapayapaan ay sumasainyo, ang aking (Jesus Christ) ay iniiwan ko sa inyo habang bahagi nan g bhay ng mga Muslim ang mga katagang “Ang kapayapaan at habag ng Allah ay suma atin lahat nawa” (asalamalaikm) isang makatao at maka diyos na layunin ang pangmatagalang kapayapaan na isinsulong ng HWPL.
///Michael Balaguer, +639262261791, konekted@diaryongtagalog.net
