Peace Advocates push January 24 as “Truce Day”
1st National Peace Convention, Isusulong ang Pambansang Pagkakaisa tungo sa Kapayapaan sa Pilipinas PASAY CITY—Nakatakdang idaos ang kauna-unanang National Peace Convention sa ika-25 ng Enero, 2023 (Miyerkules) sa Philippine International Convention Center (PICC). Mahigit 1,000 katao ang inaasahang dadalo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang ang mga mambabatas, presidente at tagapagturo ng mga unibersidad, mga lider ng kabataan at kababaihan, mga mamamahayag, mga pinuno ng relihiyon, at mga civil society organizations.
Sa temang “Peace Builds One Nation, One Future – Peace is Here”, nilalayong magtatag ng isang balangkas tungo sa pagkamit ng pambansang pagkakaisa sa pamamagitan ng kapayapaan na naaayon sa agenda ng kasakuluyang administrasyon. Sa pamamagitan nito, isang resolusyon ang ihaharap kay Pangulong Bongbong Marcos para sa posibleng deklarasyon ng National Peace Day – isang special working holiday.
Ito ay inorganisa at pinangunahan ng Volunteer Individuals for Peace (VIP), isang lokal na organisasyong pangkapayapaan na pinamumunuan ni Dr. Ronald Adamat, Komisyoner ng Commission on Higher Education (CHED). Dadalo rin ang isang internasyonal na organisasyon, Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), na pinamumunuan ni Lee Man-hee na isang peace advocate at war veteran mula sa South Korea.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng VIP at CHED sa HWPL, patuloy na isinasagawa ang pagpapakilala ng edukasyong pangkapayapaan sa pambansang antas at pagdaraos ng mga aktibidad na kapayapaan sa internasyonal na antas. Ang 92 taong gulang na HWPL Chairman ay darating sa Pilipinas bilang paggunita sa ika-9 na Anibersaryo ng HWPL Peace Day. Ito ay ipinagdiriwang taon-taon upang gunitain ang isang kasunduang pangkapayapaan na pinamumunuan ng mga sibilyan na nilagdaan sa General Santos City noong ika-24 ng Enero, 2014 upang pagtibayin ang samahan sa pagitan ng mga etniko at relihiyosong komunidad.
Sa unang araw ng kanyang pagbisita, ika-24 ng Enero, siya rin ay dadalo at magbibigay ng mensahe sa unveiling ceremony sa ika-labing-isang peace monument na naitayo sa Plaza Asuncion, Malate, Manila. Ang dalawang tagapangulo ay magbibigay ng mga talumpati sa unang sesyon ng plenaryo upang ibahagi ang mga nakamit ng kanilang pagtutulungan para sa pagtatatag ng kapayapaan sa pambansa at internasyonal na antas, pati na rin ang kanilang mga plano.
Inaanyayahan din si Bise Presidente Sara Duterte na magsalita sa sesyon na ito. Sa hapon, gaganapin ang mga parallel session para sa limang grupo: akademya at kabataan, mga pinuno ng relihiyon, mga mambabatas at non-government organizations, midya, at mga kababaihan. Sa bawat sesyon, magkakaroon ng mga talumpati na susundan ng open forum upang bumuo ng resolusyon mula sa bawat sektor.
Ang mga resolusyong ito ay pagsasama-samahin at ihaharap sa Pangulo sa ikalawang sesyon ng plenaryo. Sa pamamagitan nito, lilikhain ang isang pambansang balangkas ng kapayapaan na may holistikong pamamaraan upang itatag ang kapayapaan at iwasan ang mga hidwaan. Inaasahang palalakasin nito ang pagtindig ng ating bansa na makamit ang pambansang pagkakaisa at napapanatiling pag-unlad. (HWPL)