MALOLOS ISLAMIC COUNCIL NAKIPAGTULUNGAN SA NIGERIA EMBASSY PARA SA MGA BIKTIMA NI BAGYONG PAENG

MALOLOS ISLAMIC COUNCIL TIES UP WITH NIGERIA EMBASSY FOR TYPHOON PAENG VICTIMS

NAKIPAGKITA ang mga opisyales ng Islamic Council of the City of Malolos (ICCM) sa pangunguna ng kanilang Co-Chairman Michael Balaguer, Secretary General Mary Jane Balaguer, PRO Nassif Gamor at Businesswoman Nida Barsolaso sa mga pangunahing opisyales ng Embassy of the Federal Republic of Nigeria sa Pilipinas upang makipagtulungan patungkol kung paano makakatulong sa mga nabiktima ng Bagyong Paeng.

Humalili kay Her Excellency Ambassador Folakemi I. Akinleye, na Ambassador sa Pilipnas ng Federal Republic of Nigeria ay si Mrs. Chioma Aisha Okorie-Haidara, Senior Counsellor Head of Chancery at Counselor Mrs. Charity Ekeada-Davidson..

Sa kabila ng may mga kababayan din naman sa kanilang bansa na marapat rin nilang pagkalooban ng tulong ay nagawa pa nilang tulungan naman ang mga kababayan natin na nasalanta ng bagyo.

Ang Nigeria ay isang bansang multi cultural at multi religious kung saan may malaking bilanga ng mga kapatirang Muslim kaya nga sila ay nakikiramay sa kalagayan ng mga kapatiran dito sa bansa.

///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, konekted@diaryongtagalog.net at abdulmalikbinismail6875@gmail.com