SHARK LOAN GINAMIT NG BANGKO SA BACOLOD SA ASAWA NG GERMAN NATIONAL


 

INILIT ng bangko ang bahay at lupa na may halagang 25 milyon piso sa utang nyang may 8 milyon piso lamang. Sobra naming bilis mailit ang kanyang lupa at bahay kaya ngayon ay nangungupahan na lamang sila ng kanyang anak sa isang apartment sa Bacolod City.

Kinilala ang biktimang si Tammy Braun y Lopez, may asawa at dalawang anak na lalaki, ang kanyang asawa ay isang German national na nasa Germany ngayon. Ayon sa salaysay ni Mrs. Braun sa kanyang sulat nang paghingi ngtulong na ipinaabot sa www.diaryongtagalog.net ang utang niya ay sa PS bank at umutang siyang muli upang bayaran ang pagkakautang niya sa BC Bank pawing mga bangkong nakabase sa Bacolod, tinatayang nasa 25 milyong piso ang halaga ng kanyang bahay at lupa na ginawa niyang collateral sa utang nya sa BC bank na 8 milyong piso ngunit di lang siya nakabayad ng ilang buwan ay inilit agad ng bangko ang kanyang property.

Unang humingi siya ng tulong sa mga abogadong buhat sa grupong Citizens Crime Watch na pinangungunahan ni Atty Jose Malvar Villegas sa katauhan ni Atty Del Mundo na tumatayo niyang legal counsel. Sa kabila ng inaasahang hustisyang makakamit ay halos nalalagasan pa siya ng pera sa tuwing magkikita sila ng kanyang abogado sa kabila ng umiiral na client-lawyer relationship, halos walang natatanggap na transmittal ng kung ano ang sitwasyon ng kanyang kaso at sa halip din na hingan ng tulong ang mga hukom at piskal sa korte ng Bacolod ay kinasuhan pa ng kanyang abogado ang hukom at piskal n asana ay magiging tagapagtanggol ni Mrs. Braun.

Sinasabing umabot na sa katas-taasang hukuman ang kaso ngunit dahil wala naming transmittal ay naisip ni Mrs. Braun na humingi ng tulong sa mga mamamahayag na ilapit ang kanyang kaso sa Bangko Sentral ng Pilipinas na siyang may hawak o umbrella organization ng lahat ng bangko sa bansa pati na rin sa German Embassy dahil ang kanyang asawa na si Ralf Braun ay isang aleman. Umaasa ang pamilyang Braun na makakamit nila ang hustisya dahil ayon sa pagsisiyasat ng pahayagang ito, ang modus ng bangkong sinapit ni Mrs. Braun ay tinatawag na shark loan, hinihintay pa ng biktima sa BSP ang pagbaba ng desisyon nito hanggang ngayon.///Michael balaguer,09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net