islam

Philippine Halal Assembly International Conference pinangunahan ng DOST

Nagbigay ng kanyang mensahe si Undersecretary Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa Halal situation ng bansa kasunod si Secretary Yasmin Busran-Lao, ang Chief Executive Officer ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) kaugnay ng kanilang counterpart hinggil sa Halal program.

Sa pagpapakilala ng Guest of Honor at Speaker ay ang Undersecretary for Regional Operations ng Department of Science and Technology na si Dr. Carol M. Yorobe. Nagbigay ng kanyang Keynote Speech si Secretary Mario G. Montejo ng DOST, bahagi ng kanyang talumpati ay ukol sa pagpapalakas ng industriya ng Halal,  pagsuporta sa agham ng Halal at  suporta sa laboratoryong itinayo sa Cotabato.

Pagkatapos ng pagkakakaloob ng mga memento, paghahatag ng OIC-SMIIC ng mga pamantayan sa DOST sa pamamagitan ng DOST 12, paglulunsad ng Halal logo at isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Science and Technology at ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).

Nagbigay rin ng kani-kanilang mga talumpati ang mga bisitang Muslim Leaders buhat sa ibat-ibang banagi ng daigdig kung saan nauna ang Chairman ng Center For Islamic Economic sa Pakistan, Chairman ng International Shariah Standards Council ng Bahrain at Member ng Islamic Fiqh Academy ng Saudi Arabia na si His Eminence Mufti Mohammad Taqi Usmani kasunod si His Eminence Mufti Mustafa Ceric President of the Senate, Bosniak Academy of Science and Arts sa Bansang Bosnia Herzegovina.

Nagsalita rin si His Excellency Lotfi Ben Said, Assistant Secretary General ng SMIIC-Turkey na nagsalita in behalf kay His Excellency Ihsan Ovut, Secretary General ng Standards and Metrology Institute of Islamic Countries sa Turkey.///Abdulmalik bin ismail

50 YEARS AND BEYOND WITH IRAN AND PHILIPPINE DIPLOMATIC RELATIONS

The Philippines and Iran’s place in the global community is as vibrant as any other in the region and around the globe. Two distinguished intellectuals presented interesting topics to highlight such relations and these where Rolando Tamaplas, Associate Professor at the ASEAN Center of the University of the Philippines in Diliman and Javad F. Heydarian, an Assistant Professor of Political Science at the Dela Salle University.

Mr. Talampas’ presentation is entitled position of Iran and the Philippines in the United Nations from 1946 to 2014 while Heydarian’s presentations is about the Philippines and Iran’s relations forging a stronger partnership in the ASEAN century. After the two presentations where a short open forum which continues to the topic of Cultural Connectivity where Dr. Bahman Samadi of the Iran Cultural Office at the Iran Embassy in Manila talked about his presentation entitled a comparative study of cultural traditions of Iran and the Philippines followed by Emmerviene Suelto, journalist and MA West Asian Studies at the ASEAN center which talked about the perceptions on Iranians through Filipino English writings in only two broadsheets and at basketball topics only.

Dr. Joefe B. Santarita, Associate Professor at the University of the Philippine ASEAN center talked about the development of inter-asia cultural studies summer school in the Philippines and Dr. Mahmood Sadeghi Tajar an Iranian Independent Writer talked about the Historical Background of the Philippine-Iran Cultural Relations.

In the concluding session Mr. Julio S. Amador III, Deputy Director General of the Foreign Service Institute delivered the synthesis and observation on the conference while University of the Philippines Chancellor Michael Tan, Iran Ambassador to the Philippines H. E. Ali Ashgar Mohammadi, FSI Deputy Director General Mr. Julio S. Amador III and AC Dean Dr. Eduardo Gonzales distributes the plaques and certificates. The Iranian Band Navaye Kohan went to the studios of DZRJ 810 Khz AM at the program of Mr. Ramon Jacinto at RJ100 FM. The Cultural Section of the Islamic Republic or Iran, Cultural Councilor Dr. Kiyomars Amiri and Dr. Bahman Samadi with Communications Manager Ashkan Mombeini once gusted at the radio show Yesterday, Today and Tomorrow hosted by www.diaryongtagalog.net publisher Mary jane Olvina –Balaguer at DZRJ 810 Khz AM aired Monday to Friday 3:00-400 in the afternoon.///abdulmalik mn balaguer

IKA-4 NA ANIBERSARYO NG BMACC IPINAGDIWANG SA MALOLOS;

 Kabilang sa mga kasama ni Commissioner Elias Yusoph ay sina Atty. Saga Mabaning, Chief Judicial Division ng Commission on Elections Central Office at Dr. Lumna G. Zaman, Commission on Elections Executive Secretary kabilang rin sa mga dumalo ay si PSupt. Ganaba Ali ng San Miguel Bulacan.

Bagaman di nakarating ay kabilang sa mga naimbitahang dumalo ay si Manila Muslim Affairs Coordinating Council Chairman Prof. Jupakar Arabani na makakasama nina Valenzuela Muslim Affairs Consultative Council Chairman Gamal Bato at Bulacan Muslim Affairs Consultative Council Chairman Hadji Yahya gamor sa sentro ng nasabing aktibidad, ang Brotherhood Agreement sa pagitan ng Manila-Bulacan-Valenzuela.

Sa kasaysayan a maituturing na magkakaugnay ang mga lugar na ito, pulitikal, kultural at kahit pang relihiyon una dahil  ang Valenzuel ay dati na bahagi ng lalawigan ng Bulacan nuong bago pa ibinigay ni dating Bulacan Governor Ignacio Nacing Santiago ang bayan ng Polo (Valenzuela City) sa nuon ay binubuong Metro Manila Commission (ngayon ay Metro Manila Development Authority) kung san pinamumunuan nuon ni Dating First Lady at Minister ng Human Settlements Imelda Romualdez Marcos.

Sa pamamagitan ng nasabing aksunduan, sa bahagi ng Islam ay muling magkakapisan ang Bulacan at Valenzuela bilang magkapatid kasama ang kanilang nuon pa man ay kaalyadong bayan ng Maynila para sa kaunlaran at ikasusulong ng mga programa ukol sa Kamusliman.

Nagsilbing representante ng Bulacan Provincial Local Government Unit sina Mr. and Mrs. Said at Princess Taguranao habang kabilang rin sa mga nagbigay ng kani-kanilang mga talumpati ay ang iba pang mga kumite ng BMACC kabilang sina Social Services Chair Basarodin Diapar at Cultural Affairs Chair Palawan Solaiman at naging punong abala si Alfarouk Socor at mga kasama niya kabilang ang pamunuan ng www.diaryongtagalog.net na si Abdulmalik MN Balaguer (administrator) bilang kaisa isang online press na nagcover nang nasabing mahalagang aktibidad pang Muslim. Sa bahagi naman ng Valenzuela Muslim Affairs Consultative Council ay kasamang nakibahagi ang Chief Of Staff ni Hon. Gamal M. Bato na si Ginoong Abdulwatan Mohammad.///Abdulmalik MN Balaguer

 

FASTING, MICRO-SATELITES AT SMALL SCALE MINING TECHNOLOGY MGA BAGO SA DOST

ISANG dahilan raw kaya dumarami ang sakit ng tao ay napakaraming bawal na pagkain ang kanyang kinakain. Ito ang katwiran kung bakit ang mga Muslim ay nag aayuno tuwing banal na buwan ng Ramahdan na nagsimula na kahapon.

Maka agham na kaparaanan sa Islam ang pag aayuno, kabilang ito sa limang haligi na istriktong sinusunod di lang sa kahalagahang pang relihiyon kundi pati rin sa pang kalusugang aspeto nito.

Kamakailan ay pinasinayaan ng Department of Science and Technology-Autonomous Region in Muslim Mindanao (DOST-ARMM) ang kanilang Halal Facilities, ang Halal ay kaugnay ng Ramahdan sapagkat pangunahing aspeto ng pag aayuno ay ang hindi kakain sa loob ng isang buwan kaakibat rin ang mga pagkaing dapat kainin.

Mahalaga ang pag ayuno dahil sa tuwing hindi kumakain ang tao ay binibigyan natin ng pagkakataon ang ating katawan na linisin at gamutin ang kanyang sarili laban sa mga toxins at impurities. Kaugnay rin ng pagpasok ng Ramahdan ay ang mga pre Ramahdan activities ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council (BMACC) at www.diaryongtagalog.net kung saan 160 lider Muslim sa Bulacan ang nakikibahagi kasama si Bulacan Vice Governor Daniel R. Fernando at National Commission on Muslim Filipino –Northern Luzon Regional Director Sinab Dimaampao.

Kilalang aklat na maka-agham ang Qur’an, banal na aklat ng mga Muslim at malaki ang kontribusyon ng Islam sa agham at matematika sa daigdig at kinikilala ito ng mga academies of science sa buong mundo.

Kaugnay nito, nakatakdang maglunsad ang isang Micro- Satelite ang bansa dalawang taon mula ngayon na pangungunahan ng Department of Science and Technology (DOST) nabanggit ni bago matapos ang termino ni Pangulong Benigno S. Aquino III.

Sa kasagsagan naman ng Ika-4 na anibersaryo ng Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD-DOST) SA PANGUNGUNA NI Dr. Rowena Cristina Guevara ay ipinamalas ang isang teknolohiya pang mina kung saan di na kailangang gumamit ng mga mapaminsalang paraan upang I extract ang ginto sa bato, ayon sa proponent nito sa DOST, ang nasabing teknolohiya ay para sa mga small scale miners at hindi maaring ibahagi sa mga large scale mining firms na mga dayuhan at multi national.(Maryam Jannah Balaguer)

 

diaryongtagalog with bmacc sa sta maria islamic seminar one

 

Pinakikinggan ang kababaihan sa Islam ukol sa Pag aasawa

NAKAPANAYAM ng www.diaryongtagalog.net ang ilang kababaihan kasabay ng visitation, consultation ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council at Islamic Seminar sa Sta Maria at dahil mas maraming bilang ng kababaihan ang dumalo, napag usapan ang ukol sa pagaa asawa ng apat ng isang lalaki.

Nakausap namin si Hadjia Acmida Daud, 45taong gulang, purong Maranao at nagtitinda ng blouse, first wife siya ng kanyang asawa, may 10 silang anak at wika niya hindi raw siya pumayag na magkaroon ng pangalawang asawa ang kanyang mister kaya naghiwalay sila.” Ayoko makisama, hindi ako sawsawan”. Pahayag niya sa amin.

Makikita na magkahiwalay ang upuan ng babae at lalaki sa mga seminar at mga aktibidad sa relihiyon. Samantala sa patloy na pakikipag panayam ng pahayagan sa iba pang babaeng muslim na dumalo sa seminar, nakilala naming si Samina Abdulmalic, 36 anyos, maranaw at 11 taon nang naninirahan  sa Bulacan mula sa Marawi City, Lanao Del Sur, nagtitinda siya ng mga silver mga accessories.

Samantala si Michelle Amerol, 36 taong gulang, balik islam ,mula sa Pampanga, 2 ang anak nagtitinda ng mga herbal sa quiapo,.pangalawang asawa ni adbulbasil amerol na nilibing kahapon. Si Sandori Amerol, 47 taong gulang, 5 ang anak at unang asawa ni abdulbasil amerol na nakatira sa iisang bahay, omi ang tawag ng mga anak at kay michelle ay mama.

Sa pag aasawa at negosyo makikitang may malaking karapatan pa rin sa islam ang kababaihan. Kung nais mag asawa pa ng isang lalaking may asawa na, kailangan niya itong isangguni sa kanyang unang asawa dahil kung hindi ay maari siyang makasuhan o hiwalayan. Sa negosyo ng mga kalalakihan, kababaihan o ng muslim sa pangkalahatan, mas pabor sila mag negosyo dahil wika nga nila Kahit konti ang kinikita minsan “ayaw naming may amo, ayaw naming inuutusan gusto naming kami ang boss”pahayag nila. Bilang entreprenyur, isang tumpak at matalinong katwiran.(maryam jannah balaguer)

 

 

Unang kasalan sa  BMACC, Pinay at Malaysian Pinagtaling puso at mga hinaing ng mga entreprenyur na muslim sa San Miguel ipinahatid sa munisipyo

Pinag isang dibdib ang isang taga Balagtas Bulacan at isang dayuhang Malaysian sa isang payak bagaman masasabing sagradong seremonya ng pagtataling puso na kauna unahang ginanap sa tanggapan ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council sa Malolos City.

Bahagi ng kanilang mandato ang tulungan ang mga kapatid na muslim na mamuhay sa Bulacan at ang civil wedding bagaman nasa Islamic Rites ay bahagi ng kanilang trabaho, ang pagsulong sa kultura, pag aalaga sa kalikasan, pagbibigay ng social services at housing pati ang peace and order ay kabilang dito.

Sa pangunguna ni Hadji Yahyah Gamor at kanyang mga kasama, naisakatuparan nila ang isa sa sagradong bagay sa pamumuhay ng mag asawang muslim, ang kasal. Kaugnay nito, patuloy pa rin ang kanilang pagbisita sa mga masjid sa ibat ibang bahagi ng Bulacan.

Nagtungo sila sa bayan ng San Miguel particular sa Bgy. San Jose sa masjid al Sulaiman upang malaman ang saloobin at hinaing ng mga kapatiran duon ukol sa mga isyu, nabatid na may mga insidente ng pagnanakaw sa mga tindahan ng ilan na kanila naman nang inilapit sa Municipal Administrator ng baying iyon. Kabilang ang www.diaryongtagalog.net sa mga sumasama sa kanilang pagbisita. (abdulmalik Balaguer)

DSC00835

PCCAI ipinagdiwang ang 137th Anniversary kasama ang MMCC at si Mayor Erap

IPINAGDIWANG ng Philippine Chinese Charitable Association Inca ng kanilang ika 137th Anibersaryo at naimbitahan ang Manila Muslim Consultative Council (MMCC) at ang kanilang panauhing pandangal ay si former President at kasalukuyang Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada na ginanap sa San Juan City, Metro Manila.

Kasabay ng nasabing aktibidad ay ang assumption rin sa office ng mga bagong opisyales, ang 124th Batch ng Board of Directors ng samahan. Nagbigay ng kanyang pambungad na pananalita si Chairman dr. benito Goyokpin habang ipinakilala ang mga panauhin ng kanilang bagong Corporate Secretary na si Dr. William Lee.

Nagbigay naman ng kanyang inspirational Message si Dr. James G. Dy, ng Chinese General Hospital at kasunod nito ang Valedictory Address ng kanilang honorary Chairman na si Mr. Florante Dy. Nagbigay rin ng kaunting pananalita o talumpati ng pagbati ang kasalukuyang embahador ng People’s republic of China na kabilang sa mga panauhing naimbitahan.

Bukod sa mga tsino at tsinoy na naroon ay naimbitahan ang Manila Muslim Consultative Council na pinangungunahan ni Chairman Jupakar P. Arabani, ng kanyang Chief of Staff na si Abdulwatan M. Mohammad, Rezmin Ampuan, ang Director para sa kababaihan at si Ustadz Abdulazis Salem na isa rin sa mga Director ng MMCC.

Unang nagkita sina Dr. James Dy at ang MMCC sa Tea Gathering na pinangunahan kamakailan rin ng Buddhist Tzu Chi Foundation Philippines kung saan sila ay naimbitahang dumalo kasama ng www.diaryongtagalog.net Proprietor at Publisher, ayon sa dalawang kampo malaki ang maitutulong nila sa isa’t isa, bagay na kinalugdan ng mga ito at inaasahang sa muli nilang pagkikita ay mga programa na ng pagtulong sa kapwa ang kanilang parehong isusulong (jane olvina-balaguer)

DOST ARMM inilahad ang mga programa tungkol sa Halal Foods

Nakapanayam nitong nakaraang taon ang kalihim ng kagawaran ng agham sa Autonomous Region in Muslim Mindanao na si Ms. Myra Ali. kabilang sa mga programa ng Department of Science and Technology sa rehiyon ay ang pagpapalakas ng mga Small and Medium Enterprises at ang tungkol sa Halal Foods. (abdulmalik balaguer)

 

DSC00737

Bulacan Muslim Affairs Consultative Council (BMACC) binisita ang mga muslim brothers and sisters sa Norzagaray at ang seminteryo para sa mga muslim

Binisita ng grupo ni Hadji Yahya Gamor,OIC Co- Chairman Hadji Yahya Gamor ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council siya rin ang Pangulo ng Federation of Islamic communities of Bulacan kasama ang Proprietor, Head of Operation at Administrator gayundin ang Publisher at Marketing Head ng news website na www.diaryongtagalog.net ang seminteryo para sa muslim at  sa masjid al ikhlas sa bayan ng Norzagaray bilang tagubilin ng provincial capitol bahagi ng trabaho ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council na kanyang pinamumunuan.

 

Unang nagbigay ng kanyang pangunang pananalita sa mga kapatiran pagkatapos ng friday prayers ay si Chairman Alipahme Cali Amerol, Committee ng peace and order.

 

 

Ikalawang nagbigay ng kanyang pagbati si Sulaiman Bagul Marohombsar kung saan kanyang inihayag ang kanyang mga hinaing tungkol sa seminteryo na bahagi ng kanilang lupa, ang mga problemang nais nilang idulog kay Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado na inirerepresenta ni Co-Chairman Hadji Yahya Gamor na kasama nila sa aktibidad.

 

 

Nabaggit ni Marohombsar na sana matulungan sila ng Provincial government lalo ang mga mahihirap na nagpapalibing sa nasabing seminteryo, wika niya kapag mayamang muslim ang namamatay ay di nag aatubili ang mga kaanak nitong ipa eroplano patungong Mindanao ang bangkay ngunit ang mahirap na muslim ay sa kanila inililibing sa kabila ng kakulangan ng maayos na pasilidad para dito.

 

 

Nagbigay rin ng kanyang pagbati si Chairman Basadorin K. Diapar, Committee ng Social Services and Settlement at kanyang ibinalita sa kapatiran ang mga maari nilang maitulong sa mga ito.

 

 

Isang kapatiran din na taga Sta Maria ang nagdulog ng kanilang hinaing ukol sa pangangailangan ng ambulansya lalo kapag may dadalhing patay sa libingan sa bahaging iyon ng Norzagaray, pahirapan wika nila ang kanilang dinaranas lalo ang mga mahihirap na walang sasakyan.

 

 

Nasa mga larawan ang mga miyembro ng Bulacan Muslim Affairs Consultative Council kasama ang mga kababaihan at kalalakihan na nagsa salah sa masjid al ikhlas kabilang ang www.diaryongtagalog.net (abdul malik balaguer)

mga kuwento ng kaugnayan ng kultura sa islam at sa agham

Leave a Reply

Your email address will not be published.