ALARILLA Sina Lolo at Lola ang nililigawan; MEYCAUAYAN LGU Handa sa sakuna at NGO balak buhayin ang patay na Meycauayan River tributary.

 

meycauayan alarilla photo story 4

HANDA sa mga napipintong sakuna ang pangunahing lungsod sa lalawigan ng Bulacan, ang Meycauayan batay sa panayam ng www.diaryongtagalog.net sa Punong Lungsod nitong si Mayor Joan Alarilla kamakailan.

Kilalang jewelry capital ng bansa ang lungsod at bantog din ito sa mga pagawaan ng leather nuon ngunit natural na mababa ang lugar at binabaha ang malaking bahagi nito lalo at itinuturing na biologically dead na ang kailugan na dumadaan sa kanilang lungsod.

Pinaghandaan ng local government unit ang mga rescue at relief trainings para sa kanilang mga frontliners at sa mga seminars ukol sa disaster risk reduction and management maging ito ay spearhead ng office of civil defense o ng Department of Science and Technology kamakailan ay present ang kanilang grupo.

Dahil may mga island barangay ang lungsod ay doble ingat sila na magkaroon ng mga casualty pag may kalamidad kahit pa karaniwang tanawin na sa mga mamamayan ang palagiang paglubog tuwing binabaha pagkalinga pa rin ng ina ng lungsod ang programa nitong makapagliligtas ng buhay tuwing may kalamidad.///Michael balaguer

Samantala, saginawang regular na pagbisita ni Meycauayan City Mayor Joan Alarilla sa mga barangay ng lungsod bukod sa mga natutulungan niyang mga mamamayan na nagtutungo sa kanyang tanggapan sa City hall o sa kanyang bahay ay mismong pinupuntahan pa niya ang bara-barangay ng kanyang lungsod.

Sa huling pakikipag ugnayan ng Punong Lungsod sa kanyang mga kababayan ay tinungo niya ang Barangay ng Longos kung saan ang kanyang mga nakadaupampalad ay mga nakatatanda sa lugar o ang mga Senior Citizen.

Bukod sa karaniwang paghatag ng kanyang mga serbisyo at pagkalinga sa mga ito ay kanya ring ipinakiusap na muling maipagpatuloy nawa sa tulong nila ang mga programa at proyekto niya na sinimulan pa rin ng kayang nasirang asawa na si Dating Meycauayan Mayor Eddie Alarilla sa katauhan naman ng kanilang anak na si ABC Manny Alarilla na nais maglingkod bilang alkalde kapalit ng kanyang ina sa susunod na halalan.

Saying naman umano ang mga programa at proyektong nasimulan nila kung maiiba naman ito sakaling iba ang maupo na humalili sa kanya dahil huling termino na niya ngayon at nakapaglingkod na rin siya sa Lungsod ng Meycauayan.

Kabilang rin sa maikling programa ay ang raffle at kaalinsabay ng animbersaryo ng Samahan ng mga Kababaihan sa Meycauayan kung saan ipinakilala rin ng Punong Lungsod ang mga maaring makasama nila sa Team Alarilla sa susunod na halalan sa pangunguna ni ABC Manny Alarilla, Dr. Phoebe Laxamana, Vice Mayor Mario Aguirre, Abe Aban, Paolo Lopez, Mario Berboso, Tikboy San Pablo at Boy Picasio atbp.

Ika 17 taong anibersaryo ng Samahan ng mga Kababaihan sa Meycauayan kasabay ng Longos Senior Citizen General Assemby na ginanap sa Bgy Longos Elementary School Covered Court na pinangunahan ni Mayor Joan Velasco-Alarilla at ni ABC Manny Alarilla.///Michael Balaguer

Binabalak ng isang Non-Government Organization na kinabibilangan ng mga propesyunal, environmentalist, Media, at mga scientist na nakabase sa Maynila at Bulacan na buhayin ang patay nan a Meycauayan River Tributary hindi lang sa nakikita nilang potensyal nito sa pag unlad kundi dahil sa kasaysayan at turismo na maari nitong maibahagi sa lungsod at sa lalawigan ng Bulacan.

Sa eksklusibong panayam ng www.diaryongtagalog.net sa isang Balik-Scientist ng Department of Science and Technology (DOST) na kabilang sa NGO na ito, akma sa kasagsagan ng National Science and Technology Week nakausap siya ng pahayagan ukol sa mga suliraning pangkapaligiran at kanya ngang nabanggit ang tungkol sa “biologically Dead” na Meycauayan-Marilao-Obando Rver system kung saan kasama sa kanilang long term road map ang bahagi nang tributary ng Meycauayan.

Hindi pa raw sila nakikipag coordinate sa LGU pero kampante silang susuportahan sila ni Meycauayan Mayor Joan Alarilla na malimit pumapabor sa mga programang pag asenso at pag conserve sa kapaligiran. Dagdag pa nito ay marami na rin ang nagkaroon ng kani-kanilang programa ukol sa rehabilitasyon ng nasabing ilog lalo sa pribadong sector at ang kanilang nakikitang pagkakaiba ng kanilang samahan ay ang prosesong siyentipiko at pang matagalang solusyon.///Michael balaguer