Ang “ORIG” ang nagwagi sa “BAGO NAMAN”

 

 

Ang “ORIG” ang nagwagi sa “BAGO NAMAN”

City of Malolos, Bulacan-ILANG oras mula ngayon ay ipo proklama na ng Commission on Elections and incumbent Vice Governor ng Bulacan na si Daniel Fernando na tumakbo sa pagka Gobernador ng lalawigan katunggali ang kasalukuyang Alkalde ng Malolos na si Christian Natividad.

 

 

Sa kabila ng naging battle ground ng kani kanilang mga taga suporta ang facebook kung saan pinagbabato ng mga samut saring panlalait at paninira si Fernando buhat sa kampo ni Natividad, umiral pa rin ang boses ng mamamayan, ito ay ang ginawa nilang pagpili kay Fernando kumpara kay Natividad.

 

 

 

Pareho silang maraming pangako ngunit ilan naman kaya sa mga ito ang matutupad? At least sa bahagi ng nanalong kandidato. Mawala na kaya ang mga namamalimos na Bulakenyo sa kapitolyo dahil walang trabaho o puhunan? Mawala na rin kaya ang mga nakahandusay na pasyente sa Bulacan Medical Center grounds dahil hindi ini intindi sapagkat walang perang pambayad? Mawala na rin kaya ang mga kawani ng gobyerno o mga staff na grabeng makiharap sa tao na umaabot pa sa panduduro at pakikipag away sa mga nilalang na dapat ay maayos nilang pinaglilingkuran dahil ito ang nagbigay ng mandato sa amo nila? Tingin nila sa mga tao ay alila nila at ang tingin nila sa sarili nila ay dios.

 

 

Sa pagka panalo ng mga bagong mamumuno sa Bulacan dapat sana ay isa puso at isa isip nila at isa gawa ang tunay na paglilingkod sa tao, ang esensya ng demokrasya “for the People, By the People, of the People” dahil kung hindi ito magaganap ay parang walang pagkakaiba ang pelikula at tunay na buhay, lahat arte lang.///Michae balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk

An Orderly Peaceful 2019 Polls