BAGONG ACTION MAN NG BULACAN PARATING NA

http://www.dzmjonline.net/kln/bul/bulacans-newest-actionman/

PINATUNAYAN muli na ang lalawigan ng Bulacan ay ang tunay na “Province of the Stars” at katunayan nito ay isa na namang  kilalang  actor sa telebisyon at pinilakang tabing ang papaimbulog sa pulitika at gaya ng mga nauna sa kanya, sa provincial board niya nais maglingkod..

Movie and Television Actor Dan Alvaro (o Rolando Galura) ay nag file ng kanyang Certificate of Candidacy para Bulacan Provincial Board Member 5th District at sa kabila ng kanyang maraming natamo sa kanyang pag arte bilang action star ay nanatili pa rin siyang naka tapak sa lupa at may kababaang loob at kasalukuyan nga siyang kabalikat ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando na isa ring kapwa aktor.

Kamakailan ay nagtungo siya sa punong tanggapan ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL) upang kumuha ng Certificate Of Nomination and Acceptance (CONA) aat maging miyembro nito dahilan sa kanyang lubos na pagsuporta  sa kandidatura ni Senator Ferdinand Bongbong R. Marcos Jr. (BBM) bilang Pangulo.

Alvaro ay magtutungo sa BBM headquarters ngayong araw Oct 12, 2021 kasama ang ilang mga BBM at mga Marcos Loyalist mula Bulacan. Sa isang aksidenteng panayam sa isang simpleng bulakenyo sa daan, aming tinanong at ito ang sagot “Kung tatakbo syang Board Member, may pag asa syang manalo” tunay na minsan sa isang pagkakataon kung saan si Alvaro ay kasama ni Governor Fernando,  mas maraming bulakenyo ang nagnanais magpalitrato kasama niya kasama o hindi si Governor Daniel Fernado o Bokal Alex Castro na kapwa niya aktor.

Si Incumbent Bulacan Governor Daniel Fernando ay tatakbong muli bilang Gobernador at ang incumbent Board Member Alex Castro naman ang kanyang Bise ngayong 2022 sa ilalim ng National Unity Party (NUP). ///Michael Balaguer, +639262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-