ZUMBA para sa KABABAIHAN, CHILD SEAT para sa mga SASAKYAN at NORTH POLO CLUB sa PULILAN
Nakapanayam kamakailan ng www.diaryongtagalog.net ang Pulilan Mayor Maritz Ochoa Montejo ukol sa kanyang mga programa ngayong Marso, buwan ng kababaihan at napag usapan nga ay ang tungkol sa pagsu Zumba, Child Seat para sa mga sasakyan at ang pinakabagong ipinagmamalaki ng bayan nila ang North Polo Club.
Bukos sa Fire Prevention Month ang Marso dahil mainit at kadalasan maraming nasusunugan sa buwan na ito ayon sa datos ng Bureau of Fire Protection, hindi naman tungkol sa sunog ang topics ng interbyu kamakailan ng pahayagang ito sa Punong bayan ng Pulilan.
Dahil rin ng Kababaihan ang Marso, napag usapan ang ilan sa mga programa ng Alkalde para sa mga kababaihan, alam nating si Montejo ang kauna unahang Punong bayan na babae sa kanilang bayan kaya malapit ang puso niya sa kanyang mga mamamayang babae, upang aniya ay maging malusog ang pangangatawan ay magkakaroon sila ng regular na zumba sessions na tanging pang babae lamang.
Bagaman hindi niya sinasabing hindi kasali ang mga kalalakihan magkakaroon din ng ibang sessions na may kahalong mga lalaki samantala, kamakailan ay nagkaroon ng pulong balitaan ukol sa kahalagahan ng child seat sa mga sasakyan naitanong rin ng pahayagang ito sa Punong bayan kung ang ang masasabi niya sakaling maging batas na ito.
Ayon sa kanya, dahil para ito sa proteksyon ng mga sanggol at kabataan, buo ang suporta niya sa kaling maging batas na ito at maimplimenta lalo at ilan sa mga proponent nito sa kongreso ay mga taga Bulacan gaya nina 2nd District Congressman Gavini Apol Pancho at San Jose Del Monte City Lone District Congresswoman Rida Robes.
Kaugnay nito ay may pantapan na ang lalawigan ng Bulacan sa mga atraksyon ng ibang lalawigan, bagaman mayroon na ring golf course sa bayan ng San rafael, ipinagmamalaki ngayon ng Pulilan sa Bga tabon ang North Polo Club.
Ang Polo at isang high end na laro na hindi gaanong poular dahil may equestrian component ito at hindi lahat ay marunong sumakay ng kabayo. Isang laro na nagmula sa Europa, ayon sa Punong Bayan ng Pulilan ito ay pribado ngunit maituturin na atraksyon na rin ng bayan dahil sila lamang ang mayroon nito.///michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk
BAGONG PATALASTAS PANG TELEBISYON INILUNSAD NG ECC
Inilunsad kalmakalawa ng Employees Compensation Commission (ECC), isang attached agency ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may mandatong mangalaga sa mga kawani pampribado o gobyerno na naimbalido habang nasa trabaho.
Layunin nitong mabigyan ng tamang impormasyon ang publiko ukol sa mga benepisyong maaring matanggap ng isang kawani o manggagawa, sa gobyerno man o pribado sakaling sila ay maaksidente at maimbalido habang nagtatrabaho at pag minalas ay maging panghabambuhay ang disabilidad ng kawani o manggagawa.
Kabilang sa mga dumalo ay ang mga information officers buhat sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno na pinangungunahan ng Philippine Information Agency at ilang private media groups gaya ng www.diaryongtagalog.net bukod sa paglulunsad ng nasabing patalastas pang telebisyon ay tinalakay rin ang ukol sa responsableng paggamit ng Facebook.
Ipinaliwanag rin ang pagkakaiba ng benepisyong makukuha ng kawani o manggagawa sa ECC kumpara sa iba pang ahensya ng seguro gaya ng Government Service Insurance System sa gobyerno at Social Security System sa pribado.///Kasama si Mary Jane Olvina-Balaguer, Michael Balaguer para sa Phot at Video, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
Called for immediate passage of bills re: Child Restraint System ( CRS)


Exif_JPEG_420