
MATAGAL nang naghihintay ng pagbabago sa pamamahala ang mga mamamayan ng Morong, Bataan. Kailangan nila ang taong may pagnanais, may kakayahan at karapat-dapat upang ang kanilang bayan ay sumulong sa pag asenso na matagal na ipinagkait sa kanila ng kanilang mga naging lider.
Bunsod nito, ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL), ang partido pulitikal na itinatag ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay nag indorso nang hanay ng mga opisyal nilang kandidato sa nasabing bayan na lalahok sa pagka Alkalde, Bise Alkalde at mga konsehal na kamakailan ay nagsumite nan g kani-kanilang mga Certificates Of Candidacy.
Nagkaroon ng pagkakataon ang DZMJ online na makapanayam ang mga manok ng KBL sa bayan ng Morong mismo sa punong tanggapan ng KBL sa Quezon City. Kabilang sa mga itinanong ng DZMJ Online ay ang mga gagawin ng mga kandidato sakaling palarin silang manalo at maihalal.
Sa tungalian ng pagka Alkalde ay kandidato si Mary Jane Manalo-Garcia sakaling magwagi kanyang palalakasin ang sektor pangisdaan at ang kaugnay na mga industriya nito sapagkat ang kanilang bayan ay tabing dagat.
Bantog ang Morong sa kanilang mga beach resorts. Isa pang nais niyang pagtuunan ng pansin ay ang pagtatanim ng gulay o mga gulayan lalo at higit ngayong pandemya sapagkat aniya, kailangan ngayong pandemya ang katiyakan sa pagkain ng mamamayan ay hindi maisa walam bahala.
Ang kandidato bilang Municipal Councilor na si Perlita Estacio ay nagbabalak na maglagay ng mas maraming street lights sa buong bayan upang magdalawang isip ang mga nagbabalak gumawa ng masama at para sa mga kriminal na nagbabalak gumawa ng kanilang krimen
Nais din niyang makipagtulungan sa sektor relihiyon at magbigay ng suhestiyon sa mga programang layunin ay ilayo ang mga kabataan sa droga at pang huli ay pagtatayo rin ng mga gulayan gaya ng nais ng kanilang Mayor.
Si Leonides Abarda, na kandidato bilang konsehal ng bayan ay may plano na lumikha ng Social Profiling na naglalayon na makatulong sa contact tracing at pagbilang ng tiyak na populasyon.may plano rin siya ukol sa reforestation sa mga kabundukan, maari din kasi itong maging paraan para makakuha ng trabaho ang mga mamamayan
Isa pang kandidato sa pagka konsehal ay si Joselito Labandilo na nagsabi na sakaling siya ay magwawagi nais niya sa Morong ay magkaroon ng sarili nilang ospitral at kolehiyo.
Si Jarold Jay Pasilan Duran, isa pa sa kandidato para konsehal ay magsusulong ng mga panukala ukol sa mental health bilang isa sa mga mahalagang sangkap ng holistic health at wellness ng mga tao ng Morong.
Isa pang panukala ay ang mga ampunan para sa mga pets na gumagala at walang tahanan at ang paglikha ng mga emergency response units para pang rescue at kagnay na mga aktibidad kaakibat ang pagdaragdag ng maraming mga ambulansya.
Si Ernesto Manalo, na tumatakbo bilang Bise-Alkalde ng kanyang kapatid na si Mayoralty Bet Mary Jane Manalo-Gacia ay nagsabi sa DZMJ Online na kaya sila tumakbo ay upang baguhin ang nakagawiang sistema at lumikha ng bagong Morong, nakita nilang mga problema at handa silang bigyan ito ng katugunan, ang nasabing mga suliranin ay alam nang mga nakaraang liderato ngunit wala silang ginagawa upang bigyan ito ng solusyon.
Pagpapatatag sa sektor ng agrikltura lalo sa pananakahan ang tututukan ng kandidato sa pagka konsehal na si Elizalde San Juan layon niyang iangat ang kalidad ng kabuhayan ng mga mambubukid nais niyang tulungan ang kanyang mga kapwa magsasaka sa pamamagitan ng mga abono at Farm to Market roads upang maayos na madala sa pamilihan ang mga produktong inani ng mga magsasaka.
Huli man daw at magaling ay naihahabol rin, ito si Arvin John Morales, kandidato sa pagka konsehal na binabalak ibalik ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagbababa ng mga serbisyo ng munisipyo sa mga barangay. Gaya ng karamihan sa kanyang mga kasama, nagkakaisa silang magpapatayo ng ospital o medical center at pangangalaga sa kapaligiran.
Sa malawakang perspektiba o pambansa, lubhang napakarami ng natamong mga kabiguan ng lipunan pagbaba ng dating Ferdinand Marcos’ bawat adminsitrasyon na sumunod sa kanya ay pasakit ang dulot sa mamamayan kung kaya kailangan ang isang matinding pagbabago na maganap.
Sa lokal, lalo at sa bayan ng Morong punong-puno na rin ang mga tao at naiinis na kung kaya nais nilang pagtulungan na bumuo ng bagong liderato sakaling palarin silang maihalal.
Ang grupo ng Bangon Bagong Morong na pinangungunahan ni Mary Jane Manalo-Garcia ay nagsusulong kay Senator Ferdinand Bongbong R. Marcos Jr. (BBM) para sa pagka Pangulo at kabilang sa mga nakasama sa punong tanggapan ng KBL ay sina KBL Party President Atty. Efren Rafanan, KBL Secretary General Pia Gandol at KBL Vice President for Luzon Chris Garrido.
Isang magandang quote ang panghuling talata na buhat sa kandidatong si Leodides Abarda sa kanyang mensahe sa panayam ng DZMJ Online “pakiusap po naming na huwag sanang mabahiran ng karahasan ang darating na halalan dahil ang hangad lamang naming ay ang makapag lingkod sa bayan”.Bawat Boto Mahalaga (BBM) ngayong 2022///Michael Balaguer, +639262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk
http://www.dzmjonline.net/kln/bul/building-better-morong-bbm-this-2022/
-30-