Biotech sa Kalabaw ng PCC at Bigas ng PHILRICE ipinaliwanag sa CLMA 32nd Annual Convention

DSC00699DSC00698DSC00697

Science City of Munoz, Nueva Ecija- Interbensyon ng bioteknolohiya ang maaring masabing dahilan sa tagumpay ng pagpaparami sa bilang ng ating mga kalabaw sa Philippine Carabao Center at bagong uri ng ating bigas sa Philippine Rice Research Institute na ipinaliwanag ng ating mga dalubhasa kasabay ng pulong balitaan kasama ang mga mamamahayag ng Central Luzon Media Association sa pagdiriwang ng kanilang 32nd Annual Convention na ginanap sa lungsod na ito nitong Ika-10 at 11 ng Enero ng taong 2014.

DSC00696DSC00695DSC00694

Maraming interbensyon ang bioteknolohiya di lang sa agrikultura kundi pati sa medisina, pharmaceutical, paghahayupan atbp ngunit ang gamit na bioteknolohiya sa Philippine Carabao Center ay ang sinaunang Artificial Insemination, isang matagumpay na paraan upang bumuo ng bagong lahi ng hayop sa pamamagitan ng pagsasama ng mga katangian ng dalawang magkaibang lahi ng hayop, partikular ay ng kalabaw.

 

 

Bilang representante ng PHILRICE Executive Director Dr. Eufemio T. Rasco Jr. ay si Dr. Eduardo Jimmy Quilang ang Deputy Executive Director for Development. Matatandaang naibalita nitong nakaraang taon na ni-raid ng ilang militanteng kumokontra sa mga Genetically Modified Organism ang experimental Garden ng Philrice sa kabikulan kung saan itinatanim rito ang Golden Rice. Ang likha ng mga dalubhasa ng Institusyon na isang GMO, bigas na may halong beta carotene kaya sa halip na kulay puti ay madilaw dilaw o kahel ang kulay nito kaya tinaguriang golden rice.

DSC00693DSC00690DSC00689

Nasa experimental stage pa ang bigas na ito na magtataglay ng vitamin a, isang bitaminang pampalinaw ng mata. Naghalal ng bagong mga opisyales ang Central Luzon Media Association regional Officers at pati ang mga Chapters ay ibinigay rin sa pamunuan ang kanilang mga bagong inihalal na opisyal. mula sa mga lalawigang Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueve Ecija at Zambales ang mga miyembro ng grupo na galing sa mga community papers at community radio, national newspapers and tabloids, national radio at news websites gaya ng www.diaryongtagalog.net na miyembro ng Bulacan Chapter.

Batay sa tema nilang kung ano ang maaring gawin ng industriya sa lumalakas na impluwensya ng social media partikular ang facebook sa peryodismo sa rehiyon, tugon ng Bulacan chapter bagaman di na ventilate ay dapat na mag adapt na lang ang industriya at maging creative para manatili pa ring mabuhay sapagkat sa halip na maging kaaway at mas maigi pang maging katuwang na lamang nila ang social media para sa pagpapakalat ng impormasyon.

Lubos na pinasasalamatan ng www.diaryongtagalog.net sina Bulacan Senior Board Member Michael Fermin, Bulacan governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado at si Bulacan Vice Governor Daniel R. Fernando para sa kanilang buong suporta sa apat na kawani ng pahayagan na dumalo sa 32nd Annual Convention ng CLMA. (mike balaguer)

DSC00662alvaradodaniel