DROGA sa Malolos, sa Plaridel galing; LRT1 box-office pugon at Lending istitutions pinagsasamantalahan ang mga pensyonado.

 

Tahasang ikinanta ng mga opisyales ng barangay buhat sa lungsod ng Malolos kaharap ang kanilang Punong Lungsod na si Atty. Christian Natividad at Konsehal Rico Capule ang bayan ng Plaridel na sinasabing pinanggagalingan ng di maubos ubos na shabu sa kanilang lungsod.

Dakpin man ng pulis sa Malolos ang mga durugista at tulak na nagkakalat ng droga sa kanilang lungsod ay agad naman umanong nakakakuha ang mga ito ng supply na ibebenta dahil sa kabilang bayan ng Plaridel lamang nanggagaling ang droga at sa likod lang mismo ng munisipyo ang sinasabing kuta ng mga tulak sa lugar.

Ala Pasig shabu tiangge nga raw ang istilo nito na “imposible namang di alam ng Mayor ng bayan” kasi kung di niya alam ay siya na lamang ang walang alam at buong bayan niya ay alam na ito. Ayon sa mga Barangay Captain ng Malolos na dumalo sa nakaraang anti-drug summit.

Bukod sa mga hinaing ng barangay na pangunahing stakeholder sa nasabing summit gayundin ang mga Pulis, Bumbero, Rescue Workers at Disaster Managers ng Lungsod pangunahin talagang iginit ng mga Punong Barangay sa mga Barangay na malapit sa Plaridel na ang dahilan kung bakit hindi mawala-wala ang droga sa kanilang mga Barangay ay dahil ang lugar na hinahanguan ng mga tulak ay kapit-bayan lang.

Masusing nakikipagtulungan ang nasabing mga Punong Barangay sa Bulacan Police Provincial Office ng Philippine National Police gayundin ang Malolos City Police Office at maari nilang i-tap ang Philippine Drug Enforcement Agency sa pagsisyasat upang mapatunayan kung may katotohanan ang ibinulalas ng mga Kapitan kay Mayor Natividad sa kasagsagan ng nasabing Summit.

Sinubukan ng www.diaryongtagalog.net  na makapanayam ang Plaridel Local Government Unit kaugnay sa nasabing isyu ngunit hindi sila nagpa unlak sa kabila nang mga sinasabi ng mga Malolos Barangay Captain’s na mga nagbubulag-bulagan umano at nagbibingi-bingihan lamang ang mga ito at halos nasa ilalim lamang ng kanilang mga ilong ang mga ebidensya at  sigurado silang alam ng mga “matataas at may katungkulan” ang isyung ito gayunman bukas pa rin naman ang pahayagan para sa kanilang panig sa ikalilinaw ng kuwentong ito.///Michael Balaguer

 

Samantala, malimit “box-Office Hit” ang pila sa Light Rail Transit Line 1 mula Roosevelt Hanggang Baclaran hindi lang pag mga tinatawag na “rush Hours” kung saan dagsa ang mga mananakay.

Sa malimit na pagsakay sa apat na linya ng tren sa bansa, tanging masasabing ang Metro Rail Transit 3 o MRT3 at Light Rail Transit 1 ang lagi na lang masikip at halos animo’y mga sardinas na nanagsisiksikan ang mga mananakay, dahilan marahil upang madalas na mag bug down ang MRT3 bunsod ng Overloading.

Ikinakatwiran naman ng pamunuan ng dalawang mass transport system ng bansa ang kakulangan ng mga bagon na napag alamang kailangang i-customized pa at kadalasan ay hindi ginagawa ng maramihan.

Kung lagi namang maluwag ang Light Rail Transit Line 2 at Philippine National Railways minsan nang nasubukan ng www.diaryongtagalog.net na maipit sa rush hour sa loob nang nasabing mga tren at akita naming kagaya ng Light Rail Transit Line 1 at Metro rail Transit 3 ay halos parang sardinas din pala ang sitwasyon at sabi nga ng ibang mananakay ay naka libre a raw sa “spa” dahil sa bukod na hindi gumagana ang mga air conditioners ay mas mainit pa sa pugon.

Dahil iba’t-ibang tao ang sumasakay ng tren, buhat sa iba’t-ibang lugar din, mga nanggaling sa trabaho, paaralan, opisina at kung saan saan, iba’t-ibang simoy ng hangin rin ang nananatiling nakakulong sa loob ng mga saradong bagon na kung medyo mahina ang katawan ay talagang hihimatayin o madidismaya.

Ginagawa naman yata ng Department of Transportation and Communication ang suliraning ito ng mga mananakay ng apat na existing train system sa bansa ngunit para sa mga mananakay ay kulang na kulang ang kanilang mgaefforts at tila hindi sapat ang serbisyong kapantay ng buwis na binabayaran ng tao.

Nitong mga nakaraang taon ay maymga teknolohiyang ipinakilala ang Department of Science and Technology na naglalayong maibsan ang pangangailangan ng tao sa mass transport gaya ng Automated Guideway Transit na panag tren din at elevated at gumagamit ng kuryente na ngayon ay nasa stage pa lang ng paghahanap ng kung sino ang nagnanais mag adapt, sakaling may adaptor na ito ay napakalaki ang maitutulong nito para maibsan ang kakulangan sa mass transport.

Kamakailan din sa National Science and Technology Week 2015 ng DOST ay ipinakilala ang Hybrid Electric Road Train, isang Mass Transport concept na parang Bus ngunit tila isang tren o limang bus na magkabit-kabit at tatakbo sa isang particular na linya sa kalsada.

Maimplimenta ang dalawang nasabing mga inobasyon kasabay ng sinasabing mga ginagawang ekstensyon ng MRT at LRT, pagkatapos ay ala sardinas pa rin ang sitwasyon sa nasabing mga mass transport system, hindi na dapat buntunan ng sisi ang gobyerno dahil sapat na ang kanilang mga pagpapagal.///Michael balaguer

 

Kaugnay nito, Hindi tunay na nakakatulong ang mga tinatawag na “lending Institutions” sa mga pensyonado, bagkus ay perwisyo pa sila at halatang ginigisa sa sariling mantika ang mga kaawa awing mga matatanda na nais makahiram ng medyo malaking salapi.

Ayon sa impormasyong nakalap ng www.diaryongtagalog.net ang mga biktima nang nasabing mga lending companies na karamihan ay narito sa Metro Manila ay mga pensyonado ng Social Security System, Government Service Insurance System Philippine Vetrans Affairs Office atbpa na mga nakatatanda na kumukubra ng kanilang pension maging sarili man nila o sa kanilang mga nagretirong kabiyak o mga namatay na asawang kawani.

Ayon sa panayam ay nakautang umano ang isang biyuda ng isang sales representative kung saan isinangla niya ang kanyang pension sa SSS. Sa halagang apat na libong pagkakautang ay halos dose mil o 12,000 pesos ang kailangan niyang bunuin upang mabayaran ito na kakaltasin kada buwan at dahil nasa kumpanya ang kanayng ATM ay hindi si lola makapagwi withraw ng kanyang pension at kung ano langa ng amount na ibigay sa kanya ng kahera ng balasubas na lending company ay yaon lamang ang kanyang tatanggapin.

Tila nasa gray area nga ang batas sa mga lending companies na ito dahil kung titingnan ng maigi ang pisikal na istruktura ng kanilang mga tanggapan ay parang mga iisa ang kanilang modus operandi.

Walang mga signages at walang mga nakalantad na mga lisensya gaya ng karaniwang mga tanggapan, opisina o negosyo. Sabihin nang nagbabayad rin sila ng buwis kagaya ng ibang negosyo ngunit lantad ang pagpapanggap sa kanilang mga trabaho at ipinakikita sa tao.

Ano kaya ang masasabi ng Philippine Deposit and Insurance Corporation sa bagay na ito? Hindi ba at sila ang may responsibilidad sa mga ganitong negosyo? O ang insurance commission? Pagdating sa jurisdiction, sino kaya ang nkakasakop sa mga ito o napapailalim ba sila saan? Upang malaman ng tao kung kanino magsusumbong sa kanilang mga panlalamang.

Katwiran ng ilang mga may ari ng ganitong mga kumpanya at kauri nila “e Hindi naman namin sila pinipilit, word of mouth lang naman ang paraan namin sa pagkalap ng kliyente at kaya sila lumapit dahil may pangangailangan sila na natugunan namin” tama o mali ang katwirang ito ay sa bunganga na mismo nila lumabas ang kanilang ginagawang panlalamang ay karaniwan na aat bahagi nan g kalakaran ng kanilang negosyo   sa mga susunod na araw ay may mga kaugnay pang kuwentong gaya nito at sa mga reaksyon, mag email lamang sa konek@diaryongtagalog.net ///Michael balaguer