ISLAMIC COUNCIL NG MALOLOS NAGPAMIGAY NG 240 FOOD PACKS PARA SA NASALANTA NG BAGYONG PAENG

mga larawan buhat kay Bulacan Vice Governor Alex Castro

MALOLOS ISLAMIC COUNCIL DISTRIBUTED 240 FOOD PACKS FOR TYPHOON PAENG VICTIMS

ANG ISLAMIC Council of the City of Malolos (ICCM) ang kauna unahang Muslim Civil Society Organization (CSO) na duly accredited ng sangguning panglungsod ng City of Malolos at kauna unahan rin sa buong Bulacan na binigyan ng Executive Order (EO) ni Mayor Christian Natividad bilang City of Malolos Muslim Consultative Council (CMMCC) ay nagsagawa ng pamimigay ng relief goods para sa mga nasalanta ng bagyong Paeng sa Bgy San Vicente, Caingin and Caniogan nitong nakaraang October 31, 2022 na isinagawa sa gusali ng lumang city hall.

Mga kapatiran sa Islam na nakatira sa tatlong apektadong barangay ang nagtungo sa itinakdang lugar ng Islamic Council of the City of Malolos kung saan naroon na at naghihintay ang mga opisyales sa pangunguna ni chair Hadji Yahya Gamor, Co-Chair Michael Balaguer, Secretary Mj Balaguer at PRO Mohammad Naseef Gamor tangan ang mga tulong buhat sa Bulacan Provincial Social Welfare and Development na mga food packs sa pangunguna ni PSWDO Rowena Tiongson.

Bukod sa mga opisyales ng ICCM ay naroon si Bulacan Vice Governor Alex Castro, sa bahagi naman ng tanggapan ni Governor Daniel Fernando ay malaki ang naitulong ni
Damayang Filipino Chair Athenie Bautista habang sa bahagi naman ng City Hall ng
Malolos bilang representante ng Mayor Christian Natividad ay si City Administrator Joel Eugenio, ang Hepe ng Traffic na si Adelio Boyet Asuncion at Malolos Chief of Police PCol Ferdinand Germino.

Para sa kaalaman ng Kamuslimang Bulakenyo, ang City of Malolos Muslim Consultative Council (CMMCC) ay nilikha ni Mayor Christian Natividad mula sa Civil Society
Organization (CSO) na Islamic Council of the City of Malolos (ICCM) upang pag
isahin ang lahat ng grupong Muslim sa Malolos upang maihatid sa kanilang lahat
ang tulong kagaya ng aktibidad na ito patunay na sa Malolos ang pagkakaisa ay
pangkalahatan at nagtutulungan lahat ng mamamayan.///Abdul Malik Bin Ismail, 09262261791, abdlmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net