JUMONG, ANAK NG ANGAT ANG MAGPAPA ANGAT

JUMONG, THE SON THAT WILL RAISE ANGAT

ISANG lingkod bayan na karapat dapat tularan ang makikita sa katauhan ng tunay na anak ng Angat na naglingkod rin sa bayan ng Dona Remedios Trinidad kung saan tunay na minahal at iginalang siya ng mga mamamayan, maihahalintulad sa kanyang tinitingalang makasaysayang karakter sa isang teleseryeng koreano na batay sa tunay na buhay.

Mula sa pagiging Barangay Chairman ng Barangay Sapang Bulak na kalaunan ay naging Association of Barangay Chairman (ABC) ng nasabing bayan na katumbas ng isang konsehal ng bayan kinilala ang kanyang mga gawaing pang kawang gawa sa mga bayan ng Angat at Dona Remedies Trinidad.

Taal na taga Angat at nagsilbi sa Dona Remedios Trinidad ini unat ni Jumong ang kanyang kamay hindi lamang sa kanyang dalawang pinaka mamahal na mga munisipalidad kundi pati na rin sa buong lalawigan kung saan maraming nangangailangan ng tulong.

Malimit siyang makikita na tumutulong sa mga nabaha sa mga mabababang lugar ng lalawigan ng Bulacan o mga nabiktima ng pagguho ng lupa sa mga bayan na tabi ng kabundukan kasama siya ang mga rescuers at iba pang nagliligtas ng buhay.

Hindi alintana ang bagsik ng pandemya patuloy pa rin ang kanyang masigasig na paglilingkod bayan na naging dahilan ng pagkilalang iginawad sa kanya ng Brethren Evangelical School of Theology International sa kanyang pagkalinga sa mga katutubong Dumagat.

Ang higit isang dekada ng paglilingkod bayan ni Leobardo S. Piadozo o Jumong sa mga taong malapit at mga kaibigan ang nagbigay daan upang kilalanin siya ng nasabing paaralan bilang Doctor of Philosophy in Public Administration ( Honoris Causa) Major in Good Governance and Public Service.

Ang mga namumuno sa bayan ay marapat na tularan ang kanyang simula at maging magandang halimbawa gaya ng mga bayani na umukit sa kasaysayan ng lalawigan ang mga kagaya ni Jumong ang bayaning dapat tularan.///Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net and michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-