
IKA-20 ng Setyembre ay isang napakahalagang araw para sa mga loyalista ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos o “Apo Lakay, Apo Macoy” sa mga tunay na taga suporta at nagmamahal sa itinuturing na Pinakamagaling na Pangulo sa kasaysayan ng Pilipinas sa araw na ito.
Dahil sa araw na ito ipinanganak ang itinuturing na “Ina” ng mga Marcos Loyalist sa lalawigan ng Bulacan na si Mommy Ilao. Sa mga tunay na taga suporta ng pamilya ng dating Pangulo, bantog ang pangalan niya kahit saan sa bansa nagkataon lamang na ang lalawigan ng Bulacan ang itinuring niyang tahanan.
Bilang nasa ikalawang salinlahi ng mga taga suporta ng pamilyang Marcos, hindi naming personal na naabutan ng buo ang kanilang rehimen liban sa mga kwento ng aming mga magulang na siyang unang henerasyon ng mga kaibigan, tagasuporta, natulungan at naging bahagi sa loob ng 20 taon ng kanilang pamumuno sa bansa.
Si Mommy Ilao ay 80 taong gulang na, isa siya sa unang salinlahi gaya ng aming mga magulang na kapwa mga seniors na, sila ang mga naka abot sa panahon ni Apo Macoy at ang mga buhay na saksi ng tinatawag na “Golden Age” ng lipunang Pilipino, “Bagong Lipunan” kaya ang partidong nilikha ni FM ay KBL, Kilusang Bagong Lipunan.
Isinusulong nina Mommy Ilao ang kandidatura ng nakababatang Marcos, si Senator Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr. o BBM na i-indorso ng KBL bilang kanilang standard bearer sa pagka Pangulo ng bansa. Si BBM rin ang inindorso ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP bilang kanilang Pangulo.
Naging masaya ang pagdiriwang ng kaarawan ni Mommy Ilao na dinaluhan ng piling mga tao lamang bagaman may mga nagpapa abot ng mga pagbati gaya ni Bulacan Governor Daniel Fernando nanatiling pampamilya sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng Kaarawan ng Ina ng mga Loyalista ni “Apo” sa Bulacan.
Kasama rin sa naging bisita sa nasabing okasyon ay si KBL VP for Luzon Mr. Chris Garrido at sina Cynthia Gabinay at Rowena Banihit ng Maharlika News///Michael Balaguer, +639262261791, konekted@diaryongtagalog.net and michaelbalaguer@yahoo.co.uk
Natal Day of the Matriarch of Bulacan’s Marcos Loyalist
-30-