KAUNA UNAHANG MADRASA ITATAYO SA LABAS NG MINDANAO BINANGGIT SA UNANG SESYON NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG MALOLOS

GINANAP nitong ika 4 ng Hulyo 2022 ang Pasinayang Pagpupulong ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos na pinangunahan ni Pangalawang Punong Lungsod KGG. Miguel Alberto T. Bautista kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod na kinabibilangan nina:

Kgg. Francisco Castro, Kgg. Vincent Vitug III, Kgg. Nino Carlo Bautista, Kgg. Michael M. Aquino, kgg. Miguel Carlos B. Soto, Kgg. Edgardo D. Domingo, kgg. Therese Cheryll Ople.  Kgg. Victorino Aldaba III, Kgg. Emanuel B. Sacay, kgg. Dennis D. San Diego, kgg. Dionisio Mendoza at Kgg. Patricia dela Cruz.

Bukod sa mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod ay naroon rin si Mayor Christian D. Natividad. Dinaluhan ng ibat ibang sektor ang nasabing pagpupulong kabilang ang sektor relihiyon particular na ang mga Muslim sa pamamagitan ng Islamic Council of the City of Malolos na inirepresenta ng tatlo sa mga opisyales nito kabilang sina Hadji Yayah Gamor ang kanilang Chairman, Abdul Malik Bin Ismail na kanilang Vice Chairman at Maryam Jannah Binti Ismail na kanilang Kalihim Pangkalahatan.

Naging mabunganaman ang nasabing unang pagpupulong at nalaman ng bayan ang komposisyon ng bagong sanggunian kung saan ang ilan ay mga kaalyado ng dating Punong Lungsod Bebong Gatchalian sa kabila nito nangako ng suporta ang mga kaalyado ni Gatchalian sa bagong pamunuan ni Natividad.

Ayon sa presentasyon ni Mayor Natividad ilan sa pangunahin niyang plano pang imprastruktura ay sa bahagi ng edukasyon at nabanggit niya na may orihinal silang plano na magtayo ng Madrasa o Islamic School sa lungsod na ilalagay sa barangay San Vicente.

Wika pa ng Alkalde, ang nasabing paaralan ay magiging huwaran sa buong Luzon dahil ito ang tanging paaralan pang Islam na itatayo sa labas ng Mindanao. Umaasa naman ang kamusliman sa Malolos na matutupad ang nasabing pangako na ayon sa source ng pahayagang ito ay nai plano pa lang nuong nanungkulan si Natividad bilang Mayor at inaasahan nilang itutuloy ng pamunuan ni Gatchalian.

Malaki naman ang tiwala ng mga Muslim sa Malolos na ito ay matutuloy dahil sa kanilang tiwala kay Natividad at sa Sangguniang panglunsod sa pangunguna ni Batutista.///Abdul malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com at konekted@diaryongtagalog.net.

1st Malolos City Council Session after proclamation