Sa nakaraang courtesy call sa pagitan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 3 Regional Director Aminoden Guro at Bulacan Governor Daniel Fernando nitong March 5 2024
para na rin maging magaan sa mga Bulakenyos operator ng public utility vehicle ang dahilan sa pagpunta ng regional director sa Governor’s Residence. kasama ni RD sina Transport Leader Orlando Marquez, Mary Jane Balaguer, Governor’s Consultant, and Journalist from Diaryong Tagalog Michael Balaguer, and LTRB staff sa nasabing pagpupulong
Sa ginawang pag uusap o consultative discussion may plano ang ahensya na magtayo ng kanilang extension office sa Bulacan at ito ay kaakibat ng isang Legislative resolutions , at may isasamang TNVS (tranport network vehicle service) on-line booking vehicle, Sedan Taxi’s, MC Taxi’s na meron na sa ilang bahagi ng Region 3 gaya ng Bataan at Pampanga.
Bilang kapalit ng mga tradisyunal na PUJs ay mamo-Modernize kasama sa programa ng gobyerno ukol sa Government public modernization, iminungkahi rin ni Governor Fernando na panatilihin ang ICONIC PUJs ngunit sumusunod sa DOTr-LTFRB policy guidelines bilang bahagi na rin ng kultura at ang makasaysayang jeepney ay itinuturing na Pambansang panglupang sasakyan ng Pilipinas.
ang inisyatibong ito ni LTFRB RD Guro na abutin ang mga LGUs at itulak sa pamamagitan ng mandato ng LTFRB at government modernization program ay isang magandang pagkilos at pagtutulungan sapagitan ng ibat-ibang Local Chief Executive at Transport Leaders.///Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk
-30-
BGY 647 SA MAYNILA HANDA NA SA RAMADHAN
Nakapanayam kamakailan ng DZMJ Online and Punong Barangay ng Bgy 647 sa Maynila na si Bgy Captain Suharto Buleg (Sultan ng Maynila) tungkol sa kanilang mga preparasyon sa banal na buwan ng Ramadhan dahil ang kanilang barangay ay may nakararaming populasyon na Muslim.
Naganap ang panayam pagkaraan ng pagpupulong ng mga tagasuporta ng pangulong Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos sa pangunguna ni Abdul Azis Cabilla at ang grupo ng BBM Pilipinas na may mga chapters sa Maynila at sa buong bansa at kasama din bilang opisyal si Bgy Capt. Buleg
Ang kabuuan ng panayam ay nasa www.dzmjonline.net kung saan personal na kinapanayam ni Mj Balaguer ang mga programa at proyekto ng kapitan patungkol sa nalalapit na banal na buwan ng Ramadhan na tentative ngayong March 11 2024 depende pa sa phase ng buwan para mag simula ang isang buwan ng pagtitika at pag aayuno mula pagsikat hanggang paglubog ng araw.
Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk
-30-
RAMADHAN EXECUTIVE CLEMENCY SA BUCOR
Kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day at ang nalalapit na banal na buwan ng Ramadhan bumisita si Presidential Adviser on Muslim Affairs Almerin Tillah Al Haj sa Bureau of Corrections-Correctional Institution for Women sa lungsod ng Mandaluyong kahapon March 8 2024 kung saan kanyang binisita ang mga kababaihang Muslim na nakapiit duon.
Inanyayahang makibahagi sa okasyon si Senator Robinhood Carino Padilla ngunit hindi siya nakadalo, kasama nakibahagi si Gen. Gregorio Pio Catapang Jr ang Director General ng Bureau of Corrections. Sa kanyang talumpati sa mga kababaihang nakapiit o Persons Deprived of Liberty (PDL) kanyang binanggit ang tatlong suhestiyon bilang tagapayo ng pangulo sa Muslim.
Ang isa aniya ay ang paglalagay ng mga Pilipinong Muslim bilang embahador sa mga bansang Muslim. Ang pangalawa ay ang pagkakaroon ng isang leadership institute para sa mga Muslim rebels na nagbalik loob sa pamahalaan at nais mailuklok sa gobyerno ngunit kulang sa kaalamang akademiko at ang pangatlo ay ang Ramadhan Executive Clemency para sa mga nakapiit na mga kapatiran sa koreksyonal at sa bilibid. Wika niya na kung ang mga kristiyano ay binibigyan ng clemency ng Pangulo tuwing pasko, ito ang katumbas nito.
Bukod sa kulturang Muslim ng ibat-ibang tribo na nai showcase duon ay ang mga crafts na gawa ng mga PDL na lubhang napaka ganda at masinsin ang pagkakalikha na maaring i-market sa labas ng piitan upang kumita naman ang mga PDL at ang kanilang pamilya habang sila ay nasa loob. Sa bahagi naman ng CIW ay naroon din ang OIC Chief of Correctional Institute for Women Supt Atty Daisy Castillote.
Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk