Lungsod ng Malolos Top 5 Contender sa National Literacy Awards 2022 ng Dep Ed

City of Malolos, DepEd’s National Literacy Awards Top 5 Contender

Pinili ng Kagawaran ng Edukasyon ang Lungsod ng Malolos mula sa siyam na mga lungsod sa kategorya ng component city at it ay nabilang sa Top 5 sa parangal na igagawad na National Literacy Awards (NLA), Ilan sa mga opisyales ng kagawaran mula sa nasyunal hanggang sa rehiyon ay nagtungo sa city hall at sila ay sinalubong nina City Mayor Atty. Christian D. Natividad at Vice Mayor Miguel Alberto T. Bautista.

Sa kanyang talumpati sinabi ni Natividad na kung ang tanging nakikitang istruktura mula sa kalawakan ng mga satellites ay ang Great Wall of China nais niyang ang makita naman sa hinaharap sa lungsod ng malolos buhat sa kalawakan ay ang Great Wall of mangrove sa baybayin dagat ng lungsod bilang patunay ng kanyang climate change resilience.

“Food for hungry mind” iyan ang sinabi ni Alkalde na nababago ng edukasyon ang pag iisip ng mga bata kung nuon ay iniidulo nila ang mga istambay, ngayon ay ang kanila ng iniidulo ay ang mga pumapasok sa paaralan “Why we are here dahil takot kami na kainin ang Malolos ng kamangmangan at mapag iwanan. We are doing it out of fear and we are doing it out of dream. We share a Dream. We share opportunities to go on and dream. Giving justice sa pangarap natin. Pangarapin natin lahat ng Bata ay matalino sa lungsod ng Malolos”

Sa buong 9 cna kategorya sa component cities sa buong bansa pumasok ang Malolos sa Top 5 contender ayon sa isa sa mga huradong si Ms. Christina Gonzales, Education Consultant.

Unang beses pa lamang sasali ang lungsod sa kaparehong mga patimpalak ayon sa isa sa mga board of judges na si Ms Josephine Bacaran. at una pa lang rin na kasali ang Malolos Literacy coordinating Council sa Department of Education na NATIONAL LITERACY AWARD 2022. ///michael balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk