Opisyal ng Pulisya Todas sa Bakbakan Kontra Kidnaper
ULO NG SINDIKATO NA DATING VICE MAYOR PINAGHAHANAP
City of Malolos, Bulacan-PINAGTATAKHAN kung bakit Homicide lamang ang naging kaso nang mga nakapatay sa isang opisyal ng pulisya na naka bakbakan ang isang grupo ng Kidnaper sa kabila ng ang kanyang nakabanggang mga kriminal ay isang organisadong sindikato.
Kinilala ang napatay na pulis na si Supt. Arthur Masungson, hepe nang isang unit ng Anti-Kidnapping Group sa Luzon samantala patay rin ang apat na di pa nakikilalang miyembro ng KFR group na naka barilan nang tropa ng napatay na pulis.
Ang insidente ay bahagi ng isang operasyon na nagdulot sa tuluyang maayos na pagkakaligtas sa isang biktima ng KFR.
Isa ring opisyal na kasamahan ng napatay ang nasugatan at isinugod sa ospital ayon sa PNP at kasalukuyang nasa maayos ng kalagayan. Ang nasugatang pulis ay kinilalang si Chief Inspector Reynaldo Lumactod na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan buhat sa mataas na kalibreng baril.
Nabatid na nagsimula ang insidente sa pagresponde ng napatay nan gang isang humihingi ng tulong na umano ay dinukot ang kanyang kapatid, ang nasabing humingi ng tulong ay kinila lang si Roniel Bungay habang ang kapatid na dinukot ay si Raziel Esguerra at ang insidente ay naganap sa kanilang bahay sa Binan Laguna December 22, 2017.
Sinasabing nasa loob ng kanyang bahay ang biktimang si Esguerra sa Binan Laguna nang pasukin ito ng mga suspek na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril. Tinutukan ng baril at sapilitang tinangay ang biktima at isinakay sa nag aabang na Mitsubishi na sasakyan.
Humingi sa pamilya ng biktimang ang mga kidnaper ng paunang 1 milyong piso na kalaunan ay naging 1 milyon na lamang. Ayon sa ulat ng pulisya, patungo ang mga element ng AKG sa pangunguna ni Masungsong upang I entrap ang mga suspek sa shell gasoline station sa Balagtas Bulacan dakong 1 ng hapon, ngunit sa di malamang dahilan ay binago ng mga suspek ang tagpuan sa Bgy Sta Lucia Angat Bulacan.
Habang binabagtas ang pangunahing daan patungong bgy Sta Lucia ay natyempuhan ng mga operatiba ng AKG ang sasakyan ng mga suspek na isang kulay puti na Mitsubishi Adventure na may plakang SHP 289 na siya ring sasakyang ginamit ng mga kidnaper sa pagdukot sa biktimang si Esguerra.
Tila natunugan ng mga suspek na binubuntutan sila ng mga taga AKG kaya nagpaputok ito una sa mga pulis kaya napilitang gumanti ng putok ang AKG hanggang tuluyan nang nagkabarilan.
Apat sa mga suspek ang natumba duon din habang sugatan sina Masungsong at Lumactod ngunit sa kasamaang palad ay namatay rin si Masungsong dahil sa malalang natamong mga tama ng bala.
Isa sa mga napatay na salarin ay nakilalang si Alebanza, kapatid ng isang Rolando Alebanza na kasama rin ng nasabing KFR group ngunit nakatakas sa kasagsagan ng putukan.
Nadakip at kasalukuyang naka piit sa AKG Camp Crame si Donato Jacob Y Cabantog ngunit patuloy pa ring nakalalaya ang itinuturong ulo ng sindikato na si Gilberto Santos Y Cruz, Vice Mayor ng Angat Bulacan at isang kinilala lamang sa pangalang Jhon Jhon o alyas Jerry.
Ginanap ang Arraignment at pre trial sa akusadong si Santos S.R OCD-5-18 Criminal Case 3378- M-2018, Kasong Himicide sa RTC Malolos Branch 22 sa ilalim ni Presiding Judge Grace Victoria Ruiz.
Ayon sa ilang mapagkakatiwalaang sources ng www.diaryongtagalog.net at www.dzmjonline.net sa Angat Bulacan, isang lider ng organisadong sindikato ng KFR o Kidnap For Ransom itong si Santos na may itinatagong “little kingdom” sa kanilang bayan ng Angat, partikular sa Bgy Binagbag. Sinasabing bago umano mapasok ang lugar na ito ng Bise Alkalde ay bubungad ang komunidad ng informal settlers na halos ay mga mangangalahig ng basura, ang iba ay mga nangangalahig sa basurahan ng Donya Remedios Trinidad.
Bago rin umano abutin ang lugar ni Bise ay dadaan sa isang quarrying operations at kabukiran pagkatapos ay tatawid sa pagitan ng kabundukan. Pag narrating na ang lugar na bise alkalde o ang kanyang farm na alam umano ng mga taga munisipyo ng Angat may bubungad na small water impounding area na tila isang maliit na pala isdaan ngunit pananakot ng mga bodyguard ng nasabing pulitiko ay may mga inaalagaan umano duon na Piranha.
Dagdag pa ng source, maaring galing sa mga kalalakihang informal settlers ang goons at miyembro ng KFR group ng BIse alkalde na kasali sa kanilang mga operasyon.
Ngayon ay may mga umiikot na pulyeto sa mga bayan ng Angat, Bustos at Baliwag na may nakalaang reward na 2 Milyong piso sa sinumang makadadakip kay Santos maaring buhay man o patay. Ayon din sa sources, sina Santos ay ilang bahagi ng break away groups ng New People’s Army na pinili ang pangingidnap kaysa idolohiya.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net
—————————————————————-
VICE MAYOR NG ANGAT, WANTED!!!
Nakabinbing Hustisya sa pamilya ng napaslang na si Supt. Arthur Masungsong, Hepe ng Anti-Kidnapping Group(AKG) sa Luzon.
Matatandaang nitong nakaraang taon isa sa malaking balita ang pagresponde ng kapulisan sa ikinasang operasyong pagsaklolo sa biktima na kinilalang si Raziel Bungay na nauwi sa madugong labanan.
Na ang di umanong mastermind ay ang Vice Mayor nang Bayan ng Angat, Bulacan na kinilalang si Gilberto Santos y Cruz a.k.a Reggie at kasalukuyang pinaghahanap ng awtoridad.
Kaugnay nito, nahaharap si Santos sa kasong Homicide sa sala ni Hukom Grace Victoria- Ruiz ng RTC Branch 22, Lungsod ng Malolos. Hustisya ang panaghoy ng biyuda ni Masungsong sa isinagawang Arraignment nitong nakaraang Oktubre 12, 2018.
Samantalang, sa mga nakakita o nakakaalam sa pinagpupugaran ni Santos ay isumbong sa malapit na awtoridad sa inyong nasasakupan. MJ Olvina- Balaguer, 639053611058, maryjaneolvina@gmail.com)