Pagkakaisa at Pasensya sa Isat-isa ang diwa ng UML Grand Assembly Party

United Muslim Leaders Grand Assembly Party met in Baliwag to Unite

Nagkita kita ang mga miyembro ng United Muslim Leaders of Luzon Federation Inc. sa Baliwag Bulacan nitong August 20, 2022 na ginanap sa Glorieta park at dinaluhan ng Mayor ng Baliwag, Ferdie Estrella kung saan nagbigay ito ng mensahe at naroon rin si former Senatorial candidate Bai Samira Gutoc na nagtalumpati.

Nagbukas ang programa sa National Anthem na pinangunahan ni Sahaniah Saripada na sinundan ng Invocation ni Mohamad Said Tagoranao, Director Abdl Haliqh Batara nagkaloob ng kanyang pagbubukas na pananalita samantalang si Mackin Macaayon naglahad ng talaan ng mga opisyales bago ang mensahe ni (UML) President Olo Racman.

Naimbitahan sina Secretary Atty. Guiling Mamondiong ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), Senator Robinhood Padilla, Bulacan Governor Daniel Fernando, Bangsamoro Transition Authority (BTA) Member Al Imonjaha Babao, Congresswoman Ditse Tina Pancho;

Kabilang sa mga personalidad na mga naimbitahan ay ang mga sumusunod Bulacan Provincial Board Member Lee Edward Dingdong Nicolas, National Commission on Muslim Filipinos North Luzon Director Atty. Raihana Macarimpas, dating Department of Migrant workers Secretary Abdullah Dabs Mamao, Bulacan Provincial Board Member Atty. Pechay dela Cruz;

City of Malolos Mayor Atty. Christian D. Natividad, Bob Datimbang na Sultan Amerol sa Pilipinas, 1Bangsa President Allan Balangi, Chairman Suri Langco, Director of UML at Chairman of the Islamic Council of the City of Malolos Hadji Yahya A. Gamor;

Imbitado rin sina Chairman Hadji Amen H. Omar, President Aliphame Amerol, President Nassif Malawani, Secretary Aiman Amanodden, Abu Jaren Taratingan, Mohamadi Jers Mauyag the UML Founding Chairman na naglahad ng highlights ng aktibidad habang si Hadji Amin T. Mangotara bid ang nagkaloob ng pangwakas na pananalita.

Kabilang sa intermisyon ay ang pagbasa ng Noble Qur’an at ilang Maranao Cultural Dance, inimbita rin ang UML Pampanga Vice President mula sa Apalit Ahmad Tumilang at UML Bulacan Vice President mula sa Baliwag Alcazar Mascara.

Dumalo rin ang Plaridel’s Al Falah Jammah President Hadji Halil Alauya at mga kasama. sa maikling mensahe ni President Olo Racman sabi niya” ang kailangan ay pagkakaisa at mahabang pasensya sa isat isa” ang nasabing pagsasama sama ng mga kapatirang Muslim ay hindi lamang masasabing pagkakaisa para sa isat isa kundi isang tinig na nakiki isa sa Baliwag cityhood na dapat anila ay matagal na.

Michael Balaguer, 09262261791, konekted@diaryongtagalog.net at michaelbalaguer@yahoo.co.uk