
MULI na namang maglilingkod sa kanyang ikalawang termino bilang Punong Lalawigan ng Lalawigan ng Bulacan si Governor Daniel R. Fernando at sa kanyang panunumpa ngayong Hunyo 27, 2022 ay kinakitaan ng mga tanda ng pagkakaisa sa pagdalo ni Dating Bulacan Governor Roberto Obet Pagdanganan.

Kasamang nanumpa si Vice Governor Alex Castro at mga bagong bubuo ng Sangguniang Panglalawigan, kasama rin ang mga bagong halal na Punong Bayan, Punong Lungsod, mga Pangalawang Punong Bayan at Pangalawang Punong Lungsod ng dalawampu’t isang bayan at tatlong lungsod ng Bulacan.
Mamamalas din ang ibat ibang sektor na dumalo sa nasabing aktibidad kabilang ang mga grupo ng pananampalataya.
Bilang ika 33 Gobernador ng lalawigan ng Bulacan si Daniel Fernando, kasama ring nanunumpa ang mga kongresista buhat sa pitong distrito ng lalawigan.///Abdul Malik Bin Ismail, 09333816694, abdulmalikbinismail6875@gmail.com
