R3CLMABC dumalo sa anibersaryo ng KMDCI, seminar sa photojourn at ATR 2028 SA BALER;   

R3CLMABC DUMALO SA ANIBERSARYO NG KMDCI, SEMINARS ON PHOTOJOURN AT ATR 2028 SA BALER

 BALER, AURORA-NAGING bahagi nang pagdiriwang ng unang anibersaryo nang Kaugnay Media Defense Corps Inc. ang Region 3 Central Luzon Media Association Bulacan Chapter kabalikat rin ang 7th Infantry Division ng Philippine Army at ang Region 3 Central Luzon Media Association na ginanap nitong Ika-30 ng Nobyembre hanggang Ika-1 ng Disyembre 2015 sa Ermita Hill ng bayan na ito sa lalawigang ito.

Binubuo ng tatlong aktibidad ang naganap sa nasabing dalawang araw at pangunahin nito ay ang photo journalism seminars na inorganisa ng Kaugnay Media Defense Corps Inc., kasunod sa ikalawang araw ang kanilang unang anibersaryo habang sa nasabing dalawang araw din y venue ng seminar ukol sa Army Transformation Roadmap 2028.

Mga miyembro ng media, estudyante, photography aficionado, mga pulis at military ang nakibahagi sa unang seminar ukol sa mga epektibong photojournalism. Tinuruan ang mga nagseminar ng basic photo journalism at ang kaibahan nito sa karaniwang photography may ikalawang bahagi pa ang nasabing seminar kung saan nakalaan umano para sa mga working media practitioners na kanilang itinakda sa mga susunod na buwan, pinngunahan ni Joy Franklin Gonzales ang nasabing photojournalism seminar.

Samantala ay ginanap rin ang unang anibersaryo ng kanilang grupo, ang Kaugnay Media Defense Corps Inc. na kung saan nanumpa ang mga bago nilang pamunuan sa pangunguna naman ni Jason De Asis kasunod ay ang dalawang bahaging seminar ukol sa Army Transformation Roadmap 2028, layunin nitong maging propesyunal at world class ang army sa taong 2028 at kanila nang sinisimulan ang roadmap sa ginagawang seminars sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Layunin ng roadmap na ibahin ang mukha nang hukbong katihan ng bansa sa pamamagitan ng mga programa at proyektong dikit sa masa na may kaugnyan sa sining, eduksyon, kalusugan, agham, teknolohiya, agrikultura, kapaligiran, musika, kabuhayan bukod sa trabaho nila ayon sa batas na tumulong sa mga pagawain bayan o iprastruktura at sa depensa ng bansa laban sa dayuhang puwersa.

Bahagi nang keynote speech ni LTC. Joey A. Escanillas “the vital role of the army is to serve the people and secure the land” kaya nga sa pamamagitan ng media ay kanilang inuugnay o ini engage an kanilang mga stakeholders para maisakatuparan ang positive change sa kanilang institusyon.  

Kabilang sa mga proyektong may kaunayan ang army y mga pa establish ng fish hatcheries, eco-tourism destinations, iba’t-ibang environment programs and social civic actions, rescue and relief tuwing sasapit ng kalamidad, iba’t-ibang environmental conservation efforts, teaching job sa mga malayong lugar at ang usual na engineering works sa paggawa ng tulay, daan at gusali.

Kabilang sa mga participants ay sina R3CLMA President Jesus “Jess” Malvar, R3CLMA Sec. Gen Abel Pablo, R3CLMABC President Mary Jane Olvina-Balaguer, 1LT. Reynaldo C. Aragones, Capt. Rosel Ticar, Baler Mayor Pilot Bihasa, Baler Vice Mayor Karen Angara, Maria Aurora Mayor Amado Geneta. ///Michael Balaguer