Iginagawad ng Komisyon sa Wikang filipino ang Selyo ng Kahusayan, ngayon sa bahagi ng pagseserbisyo Publiko at maraming mga pamahalaang lokal at mga organisasyon ang nabigyang parangal at ang nagbigay ng bating pagtanggap ay si:
Samantala ang introduksyon sa magiging Tagapagsalita ay ibabahagi ng Komisyuner ng KWF sa Cubuano:
Isang mensahe naman ang ipinahatid ng pangalawang Pangulo Kgg. Sara Duterte-Carpio kung saan nabanggit ang mga katagang Makabayang serbisyo na gagamitin sa paglilingkod, ang wika ang kanyang tinutukoy at kasunod rin nito ang mensahe buhat sa Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Bahagi ng mga nabanggit ng Tagapangulong Casanova ” Sa puspusang paggamit ng Wikang Filipino sa mga transaksyon at korespondensya na magiging batayan at istandardisasyon ng makahulugan, makabuluhan at makasaysayan na tunay na magtataguyod ng pagpapalaganap ng Wikang filipino.”
Sa Antas 1 binigyang parangal ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya-Sanggunian ng Pilipinas para sa Pananaliksik at pagpapaunlad ng Industriya, Enerhiya at Bagong Teknolohiya (Department of Science and Technology-Philippine Council for Industry, energy and emerging Technology Research and development DOST-PCIEERD).
Na tinanggap ng kanilang Deputy Executive Director Engr. Nina Liza Escoliar, Ginoong Ivan Roblas at mga kasama. Nabigyan din ng gawad ang Lalawigan ng Bulacan at tinanggap ito ni Dr. Eliseo Dela cruz na siyang kinatawan ng Gobernador.
Kasama sa Antas 1 aya ng Kagawaran ng Agrikultura, kagawaran ng Edukasyon-Tanggapang pangsangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Ligao, Lupon ng Rebyu at Klasipikasyon ng Pelikula at Telebisyon (MTRCB), Sentrong Medikal Amang Rodriguez, pambansang Sanggunian Ukol sa Ugnayang may Kapansanan, pamahalaang lungsod ng Pasig, Pamahalaang Bayan ng Pililia Rizal, Barangay Hagdang bato Itaas Lungsod ng Mandaluyong at Barangay Lower Bicutan sa Lungsod ng Taguig.
Naghandog naman ng natatanging bilanga ng banda Kawayan
Samantala sa Antas 2 naman ay binigyang parangal ang Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal, Kagawaran ng Paggawa at Empleyo- kawanihan ng mga Manggagawang may Tanging Pangangailangan, pamahalaang Lungsod SAnta Rosa, Pamahalaang bayan ng Marilao Bulacan, Barangay san Isidro Lungsod ng Iriga.
Samantala sa Antas 3 ay ang kagawaran ng kapaligiran at Likas Yaman, Sentrong Medikal ng Rizal at Pamahalaang Lungsod ng Pasay habang sa Antas 4 ay ang kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V Bikol, Kagawaran ng Edukasyon-Tanggapang pangsanay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Iriga, Pangasiwaan ng Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila at Pang-alaalang Sentrong Medikal ng Quirino.
Kasunod ang Paglulunsad ng Selyo 2024 mula kay Dr. Shelee B. Vega, Puno sangay ng Leksikograpiya at Korpus ng Pilipinas at ang Pang Pinid na mendahe ni KWF Komisyuner Dr Jimmy B. Fong habang nagsilbing guro ng palatuntunan si roy Rene S Cagalingan, Senior Language Researcher at sina Bb. Kaziah Marie Miroy at Aimee Gabriella S Adiwang bilang mga FSL Interpreters.
At ito ang mga larawan ng mga binigyang parangal mula Antas 1 hanggang 4 kasama ang mga opisyales ng Komisyon sa Wikang Filipino.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net