Bulacan 3rd District Congressman hindi pabor sa pagmimina; proyektong pang call center training magkabalikat sa Guiguinto at Flood Control and Healthcare pangunahin sa Panginay

jonjon4

“There is no such thing as sustainable mining”, ito ang binanggit ni Bulacan 3rd District Congressman Joselito “Jonjon” Mendoza nang makapanayam ng www.diaryongtagalog.net   ang mambabatas kamakailan sa kanyang District Office sa bayan ng San Rafael.

Dagdag ng mambabatas, na makikita rin sa video na kuha ng www.diaryongtagalog.net na ang pagmimina lalo ang mga large scale ay lubhang nakapamiminsala sa kapaligiran at nakakasira sa kalikasan. Pareho lang naman umano ang epekto ng small scale kaya lang mas mabagal ang epekto kung ikukumpara pag malakihan na ang operasyon ng pagmimina.

 

 

Pangunahing tinumbok ni Congressman Mendoza ang bayan ng Donya Remedios Trinidad, 1/3 ang laki sa kabuuan ng Bulacan na siyang napakaraming mining concessions bagaman ilan lang ang large scale nito ay ang malaking bahagi ay mga small scale miners. Matatandaang isa ang mining sa mga income generators ng bayan ng Donya Remedios Trinidad at suportado ng Local Government Unit na kalyado ng Bulacan Governor ang mga operasyon ng pagmmina sa nasabing lugar.

Concern lang ng mambabatas ay ang kalagayan ng mga mamamayan lalo yaong maa apektuhan ng mga disaster na may kaugnayan sa pagmimina gaya ng landslides at pagguho ng lupa kapag may mga malalakas na bagyo. Aktibo rin ang mambabatas sa mga adbokasiya ukol sa kalikasan, kalusugan, edukasyon at trabaho di lamang sa kanyag distrito kundi pati sa kabuuan ng Bulacan kung saan dati niyang pinaglingkuran bilang Gobernador.///Michael balaguer

boy2

Nakatakdang magkaroon ng Call Center Training Program ang Pamahalaang Bayan ng Guiguinto at nakatakdang ring ganapin ito sa Bgy. Malis sa pangunguna ni Bgy. Captain Cesar Mendoza, ABC President ng bayan ng Guiguinto at kasama sa programa ni Mayor Ambrosio “Boy” Cruz na Proyektong 7K.

Matatandaang nabanggit ng Department of Science and Technology sa talaan ng mga tinatawag na Next wave Cities ang Bulacan na kanilang tinaguriang “Metro Bulacan” at kasama rito ang bayan ng Guiguinto kaya bahagi ng industriyang naiha highlight nito ay ang Business Process Management na bahagi ng Information Technology kaya malaking bahagi ang pagte train ng mga call center agents sa voice at non voice BPO.///Michael Balaguer

————————————————————————————————————————————-

Healthcare at Flood Control, iyan ang pangunahing programang inaatupag ng pamunuan ng Bgy. Panginay sa bayan ng Guiguinto at dahil malimit lumubog sa baha tuwing sasapit ang malakas na ulan pinangunahan ni Panginay Guiguinto Bgy. Captain Ogie Santiago.

Sa naging panayam ng www.diaryongtagalog.net kamakailan sa Punong Barangay, napag alaman naming sa kabila ng kilala ang lalawigan bilang may kahandaan sa Disaster Risk Reduction and Management ngunit magkaganoon man ay may iilan pa ring tila may mga problemang di matugunan ng panlalawigang pamahalaan kaya sila-sila na lamang ang gumagawa ng malikhaing pamamaraan upang makaligtas sa natural na kalamidad.

Malapit ang Bgy. Panginay, Guiguinto sa mga bayan ng Bulakan at Balagtas, nasa gitna sila, kapwa pinalulubog ng tubig baha ang naturang dalawang bayan o mga barangay sa naturang bayan na katabi nila kaya kasabay sa paglubog ng mga ito tuwing sasapit ang malakas na ulan o bagyo ay kasiguruhan ring pagpasok ng tubig sa mga kabahayan ng kanilang barangay.

Nakatakdang magkaroon ng komprehensibong pakikipanayam ang nasabing Punong Barangay sa www.diaryongtagalog.net sa mga susunod na araw at inaabangan na ito sa pahayagang ito.///Michael balaguer