CELEBRITY HOUR NITONG NOVEMBER 8 GUEST SI YUL SERVO; Tamang Sukat nang Biak-Na-Bato National Park sa Bulacan titiyakin sa panukalang batas ni Cong. Jonjon Mendoza at ASEAN Center for Biodiversity Award sinambot ng De La Salle Araneta University

celebrity hour with yul servo

ISA sa maituturing na pinakamagaling na actor sa ating panahon ngayon ay itong si John Marvin C. Nieto o mas kilala ng bayan sa kanyang screen name na Yul Servo. Natuklasan ni Direk Maryo J. Delos Reyes itong ating batikang actor at hinubog upang maging isa sa pinakamagaling umarte sa entablado, telebisyon at pelikula ngayon.

Marami nang nagawang pelikula itong si Marvin ngunit bukod sa kanyang pinagkaka abalahan na gumawa ng mga magagandang pelikula gaya ng “Naglalayag” kasama ang kapwa magagaling rin na artista ay umaarte pa siya sa entablado, kamakailan nga ay kabilang siya sa senior cast ng stage play na Pahimakas ng isang ahente kung saan ito ay kanyang pinagbibidahan kasama sina Ka Nanding Josef at Ms. Gina Pareno sa CCP.

Sa kanyang paglilingkod bilang konsehal sa ikatlong distrito ng Maynila, nakakaharap niya ang ibat ibang uri ng tao at kanyang napakikisamahan lahat. Kabilang sa kanyang nasasakupan ay ang Quiapo, Binondo at Sta. Cruz na kabilang sa mga lugar sa Maynila na napakaraming tao at abala sa samut saring aktibidad pang negosyo.

Makasaysayan rin ang kanyang distrito dahil paglipas ng panahon ay naitayo rito ang ilang mahalagang istruktura na maistuturing na nagging simbulo ng masiglang industriya ng tanghalan, naryan ang Manila Grand Opera House sa Doroteo Jose na ngayon ay Manila Grand Opera Hotel na at ang Clover theatre sa may Carriedo na ngayon ay kinatatayuan ng Feati University.///Mj Luzi Balaguer

 

 Tamang Sukat nang Biak-Na-Bato National Park sa Bulacan titiyakin sa panukalang batas ni Cong. Jonjon Mendoza

 Tamang sukat ng lupaing nasasakupan ng makasaysayang Biak-Na-Bato National Park sa lalawigan ng Bulacan ang humigit kumulang ang laman ng panukalang batas na inakda ni Bulacan 3rd District Congressional Representative Joselito Jonjon Mendoza.

Layunin ng panukalang maibalik ang 2,117 ektaryang depinido ng batas, mga hangganan ng pambansang parke na ngayon ay naisali sa sukat ng ibang bayan. Kapwa isang historical na shrine at tourist attraction ang parke na unang deklarado sa Proclamation no. 223 nuong November 6, 1937 na nilagdaan ng dating Pangulo Manuel L. Quezon.

Dahil nga di alam ang tunay at depinidong sukat ng parke ay naa abuso ito ng ilang ma negosyante sa pagmimina kaya ang malaking bahagi nito ay namina na at layunin pa ng batas ay I conserve at pangalagaan ang nananatiling forest cover ng parke na pinaninirahan ng ilang mga indigenous people “mga Dumagat”.

Ang house bill no. 2713 o “An Act Reinstating the original area of the biak-na-bato national park in the municipality of san Miguel, province of Bulacan repealing for the purpose Presidential Proclamatio nos. 401 and 2204 and for other purposes.”

Sa nasabing panukala na isinusulong ni Congressman Mendoza kung ito ay maging ganap na batas ay ipagbabawal ang pag e explore at pag e extract ng mineral resources o ang pagmimina, pagpuputol ng mga punongkahoy at pagkuha ng mga produktong mula rito na walang kaukulang permiso, pangangaso at pagkuha ng mga flora and fauna, pagtatayo ng mga permanenteng istruktura sa loob, pagka kaingin at bandalismo sa loob ng parke.

Sa mga nakapanayam ng www.diaryongtagalog.net na mga taga San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Norzagaray at Angat (mga bayan na pinagkunan ng munisipyo ng Donya Remedios Trinidad upang ito ay maging ganap na bayan) nagalak sila ngunit may mga agam-agam na maaring hindi maipatupad ng maayos ang nasabing batas dahil nayon lang ay talamak na ang large scale mining at di legal na pagto torso. Ang iba pang istorya ay matatagpuan sa KAPALIGIRAN page. Mary Jane Olvina-Balaguer

 dela salle

ASEAN Center for Biodiversity Award sinambot ng De La Salle Araneta University

Nakamit ng mga Junior Research Scientists ng Environmental and Climate Change Research Institute ng Dela Salle Araneta University ang ikalawang Prize sa nakaraang ASEAN Champions of Biodiversity na ginanap sa The Legend Villas, Mandaluyong City, Philippines nitong November 26, 2014.

Sa pagkilalang ito nakita ang kahalagahan ng kanilang ambag sa conservation of biodiversity, climate change mitigation and adaptation schemes, at disaster risk reduction and management research projects. Ang nasabin mga Junior Research Scientists ay pinangunahan ni Engr. Glenn Banaguas, isa sa ipinagmamalaking 2014 awardees ng Outstanding Young Scientists nang National Academy of Science and Technology, Philippines.

Ang nasabing kompitisyon ay inorganisa ng ASEAN Centre for Biodiversity (ACB) at the Deutsche Gesellschaft für Internationale Zusammenarbeit GmbH (GIZ) ng Germany sa pamamagitan ng Biodiversity and Climate Change Project (BCCP).

ang ASEAN Champions of Biodiversity ay isang programang pagkilala sa mga natatanging inisyatibo ukol sa conserving and advocating biodiversity sa Southeast Asia. Ang nasabing mga nagwagiay mga nanalo sa iba’t-ibang kategorya:

sa YOUTH CATEGORY First Prize: Indonesia – Sahabat Alam and Bekantan Twin Project; habang sa ikalawang Prize: Philippines – Environmental and Climate Change Research Institute – De La Salle Araneta University; at ikatlong Prize: Architectural Students’ Association of the Philippines (ASAPHIL) – University of the Philippines-Diliman, habang sa MEDIA CATEGORY First Prize: Philippines – Business Mirror.///ang karagdagang mga balita ay matatagpuan sa KAPALIGIRAN page.///buhat sa detalyeng ipinagkaloob ni Rodel Cadion at iniliwat sa Filipino ni Mary Jane Olvina-Balaguer