suportado ng grupong greenpace ang move para sa alternatibong enerhiya gaya ng solar energy. ito ay kanilang sinabi sa pulong balitaan na naganap kamakailan sa lungsod quezon.
kabilang sa mga dumalo ay mga advocate ng alternatibong enerhiya, mga kumpanya ng solar energy na nagdala ng kani kanilang mga produkto gaya ng Solar at Solaric at ang mga opixsyales ng greenpeace.
Isa sa pinaka mahal na halaga ng kuryente ang Pilipinas kaya maraming sinusubukang mga alternatibong paraan ang mga tao upang masulusyunan ang nasabing suliranin.
Ang mga solar panels na nasa mga bubungan ang magsisilbing off grid power di lang sa mga kanayunan sa mga lugar na off grid kundi pati sa mga bayan na may existing nang linya upang lalong lumakas ang supply ng mga ito.
Tunay na ang mga bagong teknolohiya na pagkukunan ng enerhiya ay may kamahalan pa ang halaga ngunit kung marami na ang gagamit nito ay bababa ang halaga nito lalo kung magkakaroon ng kompetisyon.. Michael Balaguer
Malolos City-Napakahalagang papel ang ginagampanan ng ating mga lolo at lola sa paghubog ng mga bagong pamilyang bubuuhin ng mga nakababatang henerasyon ngayon.
Ang nasabing katotohanan ay piunatunayan ng mga kawani ng Population Commission na nagsagawa ng programa tungkol sa pagpa plano ng pamilya na ginanap sa lungsod na ito particular sa Hiyas Convention Center sa compound ng kapitolyo kung saan kanilang inanyayahan ang mga population officers at stakeholders upang turuan ang mga mamamayan ng responsableng pagmamagulang.
Matatandaang ang reproductive health at ang responsible parenthood ay ang mga adbokasiyang pinananaligan at sinusuportahan ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil paniwala niya na kailangang maliit lamang ang pamilya upang maayos na mabuhay ng padre de pamilya ang kanyang mga anak.
Sa programang ito ng POPCOM sa region 3 ay tinumbok nila ang kahalagahan ng mga sinaunang kinagawian ng ating mga lolo at lola at kung paano ang sinaunang karunungang nabanggit ang magsisilbing gabay sa mga bagong henerasyon upang ayusin sa tuwid na landas ang kanilang buhay at magkaroon ng malusog, masaya at matatag na pamilya kung matututunan nilang pagplanuhan ito.
Mga representante sa ibat ibang bahagi ng lalawigan ang nakibahagi sa kabila ng hindi pinansin ng mga mamamahayag ang kanilang napakahalagang aktibidad liban sa ilang science journalist na matyagang nagkober nito upang maipaabot sa mas nakararami ang kahalagahan ng isang planado at matalinong populasyon.///michael balaguer
Quezon City-sa lungsod na ito ginanap ang isa sa masasabi nating tagumpay sa bahagi ng paggawa, migrasyon at diplomasya sa kabila ng malinaw pa ring kulay pulitika.
Isinagawa ang global mayoral forum kung saan ibat ibang mga punong bayan at lungsod sa buong mundo ang nagkita kita upang talakayin ang samut saring isyu na bumabagabag sa kani kanilang mga lungsod at bayan na dama rin naman sa maraming bayan at lungsod dito sa ating bansa.
Mga mayor buhat sa north at south America o ang mga tinatawag na latin American countries ang nagpasiklaban sa pagtalakay sa ibat ibang isyu gaya ng migrasyon at paggawa. Kaagapay ng pamahalaang lungsod ng Quezon sa pamumuno ni Mayor Herbert Bautista ang International Organization for migration na nakapanayam ng pahayagang ito duon rin sa nasabing aktibidad na napag alaman na katuwang ng mapahalaang lungsod ang IOM upang magkaroon ng klatotohanan ang nasabing aktibidad na may layuning mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga punong bayan at lungsod sa mundo ng mga tama at maling gawi ukol sa mga nandarayuhan o mga pagkakaroon ng migrasyon.///michael balaguer