Media Workshop ukols sa Ecological Agriculture pinangunahan ng Greenpeace; Science Legislative Foum ukol sa tubig ginawa ng NAST sa kongreso at Science Informatin Forum ukol sa bigas, presyo at importasyon isinagawa ng NAST

gp big

 

Media Workshop ukol sa Ecological Agriculture pinangunahan ng Greenpeace

 Agrikltura na naka angkla sa pangangalaga sa kalikasan. Ito humigit kumulang ang layunin ng pagpapatawag at paglkha ng isang Media Workshop nitong November 28-28, 2014 sa Subic Holiday Villas, Olongapo City lalawigan ng Zambales na pinangunahan ng organsasyong Greenpeace.

Kilala ang grupo na aktibista ukol sa mgaisyung pang kalikasan at mga adbokasiyang nagtatanggol sa kapaligiran.

Sa workshop na dinaluhan ng mga mamamahayag kabilang ang www.diaryongtagalog.net napansin na ang kanilang isinusulong ay ukol sa agrikultura, organiko o naturally grown na paraan ng pagtatanm at paghahayupan.

Mula sa Kamaynilaan isinama ng Greenpeace Media Coordinator Ms. Vigie Llorin ang mga mamamahayag na nagko kober ng kalusugan, agham at agriultura sa mga tinutulungan nilang organic farmers sa Bgy. Calayaan bahagi ng Gerona sa Tarlac kung saan nakapanayam ng mga kasamang mamamahayag ang Sarilaya (Kasarian kalayaan) Inc. isang organisasyon ng mga kababaihanng magtatanim ng gulay at nag pa praktis ng organikong agrikultura.

Sinasabing number 3 ang Pilipias sa mga bansang mayaman ang Biodiversity kaya naisipan ng nasabing mga kababaihan na magsilbing solusyon upang makatugon sa mga suliraning kinakaharap kaugnay ng pagbabago ng klima at ukol sa mga isyu kontra Genetically Modified Organism na siyang pangunahing ina adbokasia ng Greenpeace sa mundo.

Nagpaliwanang ng kanilang mga programa at proyekto sa Sarilaya si Pangging Santos kasunod ang panayam ng www.diaryongtagalog.net sa kapitan ng Calayaan na si Bgy. Captain Arnold Panzo na kapwa nakapanayam ng mga nagsidalong mamamahayag buhat sa kamaynilaan. Ang iba ang mga istorya ay matatagpuan sa KAPALIGIRAN page.///MJ Balaguer

 

 Science Legislative Foum ukol sa tubig ginawa ng NAST sa kongreso

 Ginanap nitong November 27, 2014 sa House of Representatives ang isang Science Legislative Forum ukol sa Water Scarcity amidst plenty: transboundary issues. Ito ang tema ng forum kung saan pinangunahan ng National Academy of Science and Technology imbitado ang ilang piling mambabatas na miyembro ng kimite ukol sa agham at teknolohiya.

Nagbigay ng pambungad na pananalita ang pambansang siyentista Mercedes B. Concepcion, ang Vice President nad Chair ng Social Sciences Division ng NAST kasunod si Academician Agnes C. Rola SLF focal Person at miyembro ng social sciences division ng NAST patungkol sa mga layunin ng nasabing SLF habang tinakalay naman nang sumunod na si Prof. Roalie Hall propesr ng political science ng University of the Philippines Visayas ang tungkol sa Addressing water trans boundary ang the need for a law.

Sa kanyang presentasyon ay inilahad ang mga suliraning napapaloob sa tubig at ang mga soluson na naayon sa batas. Bilang mga discussant naman ay naroon at nakibahagi sina Mr. Ramon B. Alikpala Jr., adviser B secure project ng USAIDE Philippines, Dr. Sevillo D. David Jr., Executive Director ng National Water Resources Board at Engr. Virgilio I. Bombeta, division manager ng water resourcesv development division ng Local Water Utilities Administration at ang nagbasa ng synthesis sa dakong hulihan ng programa ay si Academician Guillermo Q. Tabios III Engineering Sciences and Technology Division ng NAST at nagsilbing guro ng palatuntunan si Engr. Glenn S. Banaguas, OYS 2014.

Bukod sa mga dalubhasa sa akademya at mga siyentista at batikang aghamistang nakibahagi sa nasabing SLF ay naroon rin si Zamboanga Congressman Victor YU ang Chairman ng Committee on Science and Technology sa mababang kapulungan ng kongreso kasama ang mga mambabatas buhat sa COOP-Natco Partylist at iba pang kongresista na sumusuporta sa agham at teknolohiya. Ang iba pang istorya ay matatagpuan sa AGHAM page.///Michael n balaguer

 

Science Information Forum ukol sa bigas, presyo at importasyon isinagawa ng NAST

Napakahalaga ng bigas sa buhay ng mga Filipino kaya nga ang iba ay di nabubusog kapag kumakain kung walang kasamang kanin ang ulan kahit gaano ito kasarap. Sa kabila nang ganitong kahalagahan ng bigas, palay at kanin sa Pinoy ay patuloy pa rin na napakaraming nasasayang na butyl ng bigas sa mg fastfood restaurants, ang tila walang habas na pagsasayang at pagtatapon ng mga mayayama, middle class at yung mga taong nagpapanggap na mayaman  na pakiwari nila ay isang “status symbol” ang pagtitira ng kanin sa plato ang siyang nagpapatunay na alinmang pagsisikap ng mga kinaukulan na maging self-sufficient ang bigas ng Pinas ay bale wala dahil palpak.

Ito ang dahilan kung bakit nagsagawa ng isang Science Information Forum on Rice Sufficiency: Price Rise and Importation Issues ang National Academy of Science and Technology nitong November 26, 2014 sa La Breza Hotel Lungsod Quezon upang tuluyan nang masagot ang mga agam-agam ukol kung tunay ngang natutupad ang mga programa ng pamahalaan upang tiyaking may bigas ang karaniwang Pinoy sa kanyang hapag-kainan.

Nagbigay ng kanyang pambungad na pananalit ang Executive Director ng NAST na si Ms. Luningning Samarita-Domingo kasunod ang pagpapakilala sa mga tagapagsalita ni Academician Agnes C. Rola, ang focal person at member ng Social Sciences Division ng NAST. Unang nagbigay ng kanyang presentasyon ay si Dr. Isabelita M. Pabuayon, Dean ng Colleg of Economics and Management ng University of the Philippines Los Banos sa kanyang presentasyong may titulong Analysis of Rice Price Trends: Where are the Spikes Coming From?

Sinasagot nitong ang mga katanungan ukol sa halaga ng bigas sa presprektiba ng isang economist. Kasama niyang nag present ay si Dr. Agham C. Cuevas, Associate Professor ng Department of Economics, University of the Philippines, Los Banos.

Kabilang sa mga discussant ay sina Dr. Flordeliza H. Bordey Senior Science Research Specialist ng Philippine Rice Research Institute at Joseph Y. Dela Cruz, Assistant Administrator sa Marketing Operations ng National Food Authority. Sa dakong huli ay nagbigay ng nakyang synthesis si Dr. Eufemio T. Rasco, Executive Director ng Philippine Rice Research Institute at nagsilbing guro ng palatuntunan si Academician Agnes C. Rola.

Sa nasabing fora aminado ang mga naroon na ang sinasabi ng Gobyerno na rice self-sufficiency ngayong papasok na 2015 ay isang pangarap lamang at maaring maiba naman kng maiiba ang administrasyon. Inalis na sa NFA ang karapatang magbigay ng importation permit sa mga nagnanais na makapag import ng bigas sa halip ay ipinasa ito sa Bureau of Internal Revenue kaya kahit kumpleto ang papeles ng mga kooperatiba sa Central Luzon na nagrereklamo sa isyung ito ay Malabo silang makakuha ng permit dahil sa higpit na ipinatutupad ng nasabing ahensya. Ang karagdagang mga istorya ay matatagpuan sa PAGSASAKA page.///Mary Jane Olvina-Balaguer