Pandaigdigang Kalagayan ng mga Pananim na Biotek/GM nitong 2014 Inilahad; KOMISYON SA SIGURO MAY NANIGURADO at GREENPEACE -SARILAYA para sa ECOAGRI

Mais, soya, bulak, talong at patatas ayon sa mensahe nang dating Philippine Rice Research Institute Executive Director, dati ring Director ng Institute of Plant Breeding ng University of the Philippines Los Banos at Academician buhat sa National Academy of Science and Technology dr. Eufemio T. Rasco.

Katugunan sa suliraning kailangang may makain ang lumalaking bilang ng tao sa mundo ang layunin sa paglikha ng mga pananim na ginagamitan ng Plant Genetic Engineering o mga nabanggit na pananim na biotek. Bukod sa nasabing layunin ay kabilang rin ang pagpapamura ng halaga ng mga produktong kailangang maging abot kaya at de kalidad.

Kabilang rin sa pinag ibayong mga layunin sa likod ng paglikha ng mga produktong ito ay upang I angat ang kalagayan ng sector nang panakahan at iangat lang ng bahagya ang kalagayan ng mga magsasaka.

Sa mensahe ni Dr. Gil Saguiguit, Executive Director ng South East Asian Center for Graduate Studies and Research in Agriculture o SEARCA, binanggit niyang tumataas ngayon ang datos ng pagtanggap ng mga naiko commercialized na produktong biotek. Ang karugtong ay nasa Biotek Page.///michael balaguer

-30-

Tila may naninigurado sa komisyon nang siguro sa natanggap na impormasyon nang www.diaryongtagalog.net kamakalawa. May isang bumberong naglo loan upang mabayaran ang kanyang bayarin sa ospital. Batid natin na napakahirap nang magkasakit at kung may trabaho ka naman ay maari kang makapag loan at mabayaran ito sa pamamagitan ng pagbawas na lamang sa sinasahod nang aplikante.

Ito nga ang ginawa ni F01 Jamalul Aking ng Autonomous Region in Muslim Mindanao at dahil nga may saysay naman ang kanyang dahilan na gagamitin sa pambayad sa kanyang pagkakasakit ang salaping uutangin ay kinatigan naman ito nang inutangan niyang Fire Service Mutual Benefit Association at bunsod nito ay dali-dali naman na nag isyu ng tseke ang mga opisyales nitong sina Supt. Virgilio B. dela Paz at dalawa pang tao na kapwa nakaka alam ng kalagayan ng aplikante.

Batay sa salaysay sa www.diaryongtagalog.net  ng pinsan nang aplikante na si Datu Ameer Jhularab Sampang inisyuhan na ng tseke na nagkakahalagang 97, 000 pesos ang kanyang pinsan at nakatakda na nilang I-encash ito sa bangko na itinakda, ang United Coconut Planters Bank ngunit dismayado sila nang di ma encash ang sana ay pambayad sa ospital dahil kailangan pa ang Tila may naninigurado sa komisyon nang siguro sa natanggap na impormasyon nang www.diaryongtagalog.net kamakalawa.

May isang bumberong naglo loan upang mabayaran ang kanyang bayarin sa ospital. Batid natin na napakahirap nang magkasakit at kung may trabaho ka naman ay maari kang makapag loan at mabayaran ito sa pamamagitan ng pagbawas na lamang sa sinasahod nang aplikante.

Ito nga ang ginawa ni F01 Jamalul Aking ng Autonomous Region in Muslim Mindanao at dahil nga may saysay naman ang kanyang dahilan na gagamitin sa pambayad sa kanyang pagkakasakit ang salaping uutangin ay kinatigan naman ito nang inutangan niyang Fire Service Mutual Benefit Association lagda ng isang Atty. John Apatan buhat sa Insurance Commission sa Maynila.

Nagkaroon ng pagkakataon na makapunta ang www.diaryongtagalog.net sa Insurance Commission sa kanilang tanggapan sa United Nations Manila upang personal na idulog nga ang suliraning ito kay Insurance Commissioner Emmanuel F. Dooc ngunit di naming nakaharap ang butihing komisyuner, sa halip ay ang humarap sa amin ay itong si Atty. Kristine Nolasco na Chief of Staff ni Dooc ang nakipag usap at sinabi niyang kinabukasan ay tatawag itong si Atty Apatan upang malinawan ang isyu ngunit kinaumagahan, sa sinabi niyang oras na alas 9 ng umaga tatawag, walang dumating na tawag.

Sa hapon dakong alas 3 ng hapon hanggang alas 4 ay halos mapudpod ang mga daliri nang aming mga technician upang tawagan sila at makuha ang kanilang sagot o reaksyon sa nasabing alegasyo. Kinagabihan nuon ay panay ang tawag nitong st Atty Kristine, di na naming sinagot dahil lagpas na sa office hours, kinaumagahan habang bumibiyahe kami patungo at nang nasa isang pulong balitaan kami sa Makati tawag nang tawag si Atty Kristine at dahil hindi naman kami call center na kahit gabi pwede kinaumagahan na lang naming hinintay ang tawag nila at nang tumawag nga ay ibang tao naman ang nakipag usap.ang karugtong ay nasa Opinyon Page.///mike balaguer

-30-

Ang kapaligiran at ang agrikultura ay maaring magsama, ito ang pinatunayan ng ilang mga kababaihan na nagsusulong ng ecological agriculture o organic farming na kontra sa paggamit ng mga genetically modified organism kabalikat ang environmental organization na Greenpeace na nagkaloob ng isang pulong balitaan upang ipaliwanang ang kahalagahan ng nasabing paraan ng pagtatanim.

Sabi ng mga science journalist at mga agriculturist, malalaman ang kaibahan ng orgainc at synthetic batay sa hitsurang pisikal ng produkto gaya ng talong halimbawa, ang makinis at walang butas ay synthetic at ang may butas ay organic.

Ngunit ayon kay Monina Geaga ng Kasarian Kalayaan Inc o SARILAYA, mas maiging kumain ng organikong tanim kaysa yaong mga kinakain ngayon nna panay synthetic at may mga GMO pa dahil sa mga ito nakukuha ang mga sakit ng tao.

Nananawagan rin sila na isulong na ang organic farming law na isa nang batas at tuluyan ang itigil ang pagsulong ng gobyerno sa pagpayag na i commercialized ang mga GM products. samantala bukod sapagsulong nang nasabing mga kababaihan ng ecological agriculture practices ay kabalikat nila ang greenpeace sa mga environmental advocacy nito.

Samantala, kabilang rin sa adbokasiyang isinusulong ng sarilaya ay ang pagkain ng gulay at tatlong taon nang nakararaan ay may nilkhang food product buhat sa pinaghalong mongo, bigas atbp ang Food and Nutrition Research Institute ng DOST (FNRI) upang magamit sa mga disaster areas at it ay inadapt ng Negrense Volunteers for change foundation na kanilang ipinamamahagi na nngayon sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda. ang iba pang storya ay nasa Kapaligiran Page.///mike balaguer