Paradizoo at MFI nagkatulungan sa Kalikasan at Makabagong Agriturismo.

DSC01003

Mendez, Cavite-Nagkatulungan ang Paradizoo, isang theme park na pagmamay ari ni Robert Yupangco at ang MFI Foundation ni Col. Alex Escano upang turuan ang mga kabataan na magtanim ng gulay di lang para sa nutrisyon kundi maari ring maging isang uri ng kumukitang kabuhayan.

DSC00975

Isang theme park na farm kung saan makikita ang mga farm animals, vegetable farms at flower garden. umiikot sa tinatawag nilang 4E’s ang kanilang layunin kaya nila itinayo ang nasabing theme park at ang mga ito ay: Education, para matuto ang mga kabataan at turista, lokal man o dayuhan sa mga ituturo nilang mga aral ukol sa agrikultura.

DSC00996

Entertainment, dahil habang sila ay bumibisita sa lugar bukod sa natututo ay nalilibang pa ang buong pamilya, maging mga mag aaral at mga magkakaibigan, isang makabuluhang paraan ng paglilibang dahil marami silang aral na maaring matutunan. Exhibits dahil maraming mga showcase na mga ipinakikita nila sa nasabing theme park gaya halimbawa ng buhay sa farmĀ at environmental Conservation dahil itinuturo nila rito ang pag aalaga sa kalikasan,

DSC01015

Ang paradizoo ay isang 10 hectare farm na nahahati sa tatlong bahagi kabilang ang floral o taniman ng mga bulaklak, ang vegie o ang malaking taniman nila ng mga gulay, ang livestock o ang kulungan ng kanilang mga alagaing hayop gaya ng baka, kambing, kalabaw, tupa at baboy. Bahagi ng kurikulum ng MFI foundation sa kanilang schools ang ukol sa agrikultura kaya nuong nagtungo ang www.diaryongtagalog.net sa Paradizoo, Resident Inn ay namataan namin si Col. Alex Escano at kanyang mga mag aaral na naglalakbay aral sa nasabing theme park. (mike balaguer)

DSC00979