PASIG NAGWAGI SA WWF ONE PLANET CITY CHALLENGE; NUCLEAR BURGER TUGON SA FOOD SECURITY at Carrageenan Plant Growth Promoter gamit-na-gamit din sa Munggo

NUCLEAR BURGER TUGON SA FOOD SECURITY

HINDI naman gaano katagal ang shelf life ng isang burger pattie. alam ito ng mga nagnenegosyo ng hamburger at gaya ng isang responsableng negosyante nais nilang haba-habaan ang shelf life ng kanilang itinitinda para mas marami silang benta.

Ito ang tinugon ng pagsasaliksik at paglikha ng Philippine Nuclear Research Institute na irradiated burger pattie. ipinamalas ang nasabing produkto at ipinakilala nitong kasagsagan ng National Science and Technology Week at mismong si Secretary Fortunato T. dela Pena pa ang sumaksi sa pagbabago sa halos isa sa maituturing nang paboritong pagkain ng pinoy.

Di alam ng marami na laganap na sa bansa ang aplikasyon ng nuclear science sa maraming bahagi ng ating buhay at lipunan gaya ng sa medisina, kapaligiran at agrikultura kung saan kabilang ang food processing.

Layunin ng agham na i extend ang buhay ng produkto upang na hindi naisasakripisyo ang kalidad at sustansya nito upang magkaroon ng malaking benta ang negosyante at maging bahagi ng sumusulong na ekonomiya, ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon na ng kasunduan ang Kagawaran ng Edukasyon at ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya na ituro na ang nuclear science sa elementarya at haiskul dahil maraming kabataan ang hindi pa ito gaanong nauunawaan at nagiging batayan lamang nila ang hungkag na pananaw buhat sa mga wala namang alam sa nasabing disiplina.///Michael Balaguer, 09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net

PASIG NAGWAGI SA WWF ONE PLANET CITY CHALLENGE

BIKE LANES, mga solar powered street lights at walkable communities pati na rin ang responsible garbage collection, iyan ang mga nagpanalo sa Pasig City sa  nakaraang One Planet City Challenge na pinangunahan ng World Wildlife Fund.

Layunin ng programang ito na maibsan ang suliranin sa pagbabago ng klima at makalikha ng mga pamayanang makakapag adapt sa nasabing mga pagbabago. Ang nasabing programa ay ginagawa tuwing makalawang taon at kinukuha ang mga nagwawagi sa pamamagitan ng kanilang mga makalikasang programang pang gobyerno sa bahagi ng munisipalidad o lungsod.

Bukod sa Pasig na nagwagi ikalawa lamang sa Jakarta Indonesia, ay ang mga lungsod ng San Carlos, Catbalogan, Makati, Zamboanga.///Michael Balaguer, michaelbalaguer@yahoo.co.uk 09333816694.

May 8 2018 SAN MATEO, Isabela- Gaya ng ginamit nuon sa palay na ginawa sa isang demo farm sa Pulilan, Bulacan gamit na gamit din sa bayan na ito ang carrageenan plant growth promoter upang mapaigting ang magandang ani ng munggo gaya ng sa palay ipinakita kasabay ng pistang bayan ng san mateo kasabay din ng CVAARRD munggo FIESTA o farms and industry encounters through science and technology agenda.

May temang boosting the mungbean industry through s&t based innovation in tegion 2 sa pagtutulungan ng PCAARRD DOST ar LGU. Dahil isang halamang mayaman sa protina ay ginagawang meat replacement ito ng ilang vegan at vegetarian cultures sa mundo pagdating sa kani kanilang native cuisine.

Bilang produkto ng kinatatakutan at di maintindihang agham nukleyar. Ang teknolphiyang iyo ay inimbento ng siyentistang si Dr. Lucile Abad na unang nakapanayam din nuong 2016 ni ms. Mj Balaguer sa programang Yesterday Today and Tomorrow sa DZRJ 810 AM.

Sa nasabing programa at guesting una niyang masinsing ipinaliwanag ang kabutihan at favorability nito di lang sa magtatanim kundi pati din sa lupa upang hindi ma kontamina.

May mga plant disease resistant compounds na natural ang carrageenan.  Samahan pa ng lakas nukleyar buhat sa Philippine Nuclear Research Institute ng DOST

Tyak ang kita ngmagsasaka kaya gamit na gamit din ito sa Bulacan sa panunguna ni Mayor Maritz Ochoa Montejo ng Pulilan dahil sa kanyang nakitang kabutihan nito sa palay nupng panahon ng dating DOST Sec Mario Montejo na kanuang asawa. Buhat sa panulat at larawan

Hindi nakarating si DOST Sec Fortunato T dela Pena sa kabila nang nauna ng nai post sa official website ng San Mateo Isabela na dadalo siya sa halip ay ang nagrepresrnta sa lalihim ay si DOST Region 2 Rehional Director Sancho Maborang. Kabilang sa dumalo ay si Dr Marita Carlos ng ACD PCAARRD//michael balaguer,  09333816694, michaelbalaguer@diaryongtagalog.net