NCMF May bagong OIC Secretary, Programang KUHA SA TINGI ng GREENPEACE at GAWAD PAMPUBLIKONG AKLATAN

NCMF MAY BAGONG OIC SECRETARY

Mayroon ng baagong talagang kalihim ng National Commission for Musslim Filipinos 9NCMF) na itinalaga kamakailan at nagdaos siya ng isang pulong balitaan sa kkanilang punong tanggapan at ang tinalaya ay tungkol sa nalalapit na Hajj 2024 pinalitan ni Atty Michael Mamukid si Yussoph Mando bilang Kalihim ng komisyon.

Ang Hajj ay isa salimang haligi ng pananampalatayang islam na tinutupad kahit isang beses lamang sa buong buhaay ng isaang Muslim kaya nga dahil tayo ay Pilipinong Muslim ay responsibilidad ng goberno sa pamamagitan ng NCMF na tiyakin na magiging maayos ang pagtupad natin sa mga obligassyon ng pananampalataya.

Sa kanyang press statement na ibinigay sa mga nagkober na mamamahayag ipina aalam niya sa madla na ang nalalapit na Hajj 2024 ay matutuloy sa kabila ng mga pagbabago na ipinarating ukol sa Mutawiff fee na binabayaran ng mga pilgrims ay na naka rehistro sa NCMF ay naging mahigpit sa proseso kaya maaring hindi ng bansa matugunan ang ipinatutupad na cut-off ng Saudi Arabiai’s Ministry of Hajj and Umrah na aipapadala sa Al-Rajhi Bank.

Ang Mutawiff fee na binabayaran ng mga pilgrims naa nagnanais na maag Hajj o Umrah ayon sa Commission on Audit ay public fund at inaasahang lalakad sa karaniwang proseso ng gobyerno kung kaya ang hamon dito ay kung paano aabot sa ipinatutupad na cut-off sapagkat tiyak na hindi ito aabot ng maadali sa Saudi Arabia at maaring mapag sarhan ang bansa ng Hajj Ministry kaya uma apela ang NCMF na maging maluwag ang mga kinaukulan para sa mabilis paglipat ng bayad papuntang Saudi Arabia Government, the Ministry.

Ang Hajj ay isang bahagi ng pananampalatayang Islam na napakahalaga at para sa Muslim kahit isang beses lamang itong magawa sa buong buhay niya kaya nga nag iipon sila para dito dahil minsan lamang itong gagawin. Ang press statement ni Atty Michael Mamukid ay nasa gawing itaas ng artikulong ito. ///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk

-30-

PROGRAMANG KUHA SA TINGI

Sa layuning gawing sustainable ang kultura ng Pinoy na mahilig sa tingin, inilunsad ngayon ng pulong balitaan sa pakikipagtulungan ng Quezon city local government unit at Greenpeace. Dalawang lungsod ang gumagawa ng mga polisiya ukol sa plastic pollution at ito ay QC at San Juan na flood prone din.

Isa sa nakikitang dahilan ng mga lGU sa mga pagbaha sa Kalakhang Maynila ay ang patuloy na paggamit ng mga tingi-tinging consumer products gaya ng mga naka sachet na shampoo, kape atbp., sa pamamagitan ng programang ” kuha sa tingi” ang mga entreprenyur ay tinuturuang bumili ng marami na titingi-tingiin na lang katulad anila nuong hindi pa masyadong sikat ang mga naka sachet na produkto, bagay na inayunan nitong dalawang lungsod (Quezon City at San Juan City).

Lubhang makakabawas ito sa mga itinatapong basura, magiging environment friendly pa ang lungsod o munisipyo at higit sa lahat magagamit sa ibang proyekto para sa tao ang mga pondong nagagamit lamang sa sanitation at flood mitigation. At dahil ang nag spearhead nito ay ang environmentalist group na Greenpeace katuwang ang pamahalaang lokal makatitiyak na makakalikasan ang nasabing programa. ///Michael Balaguer, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at 09262261791

-30-

GAWAD PAMPUBLIKONG AKLATAN

Ginanap nitong Ika 22 ng marso ang Ika 6 na gawad Pampublikong aklatan hatid ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas na ginawa sa kanilang punong tanggapan sa Maynila at dinaluhan ng mga pinuno ng mga kagawaran ng pamahalaan.

Sa pagtutulungan ng National Library of the Philippines, The Asia Foundation at ng Department of Interior and Local Government na ginanap sa 6th floor Epifanio Delos Santos Auditorium ng Pambansang Aklatan at nagbigay ng kanyang pangunang pananalita si Hon. Cesar Gilbert Q Adriano, Director IV ng NLP kasunod ang mensahe ng pagsuporta buhat kay Ho. Jose A Torres Jr na Directo General ng Philippine Information Agency.

Kasunod nito ang pagpapakilala sa kanilang panauhing pandangal at tagapagsalita na si Hon. Benjamin C Abalos Jr na Kalihim ng Department of Interior and Local Government at ang paggawad ng mga minor awards gaya ng Loyalty Awards Distinguished Service Awards at Career and Self-Development Awards.

Nagkaloob rin ng congratulatory video message ang mga miyembro ng mga Board of Judges at interpretasyon ng mga plakeng ipinamigay. Nilagdaan rin ang Ceremonial Memorandum of Understanding sa pagitan ng National Library of the Philippines at ng Philippine Information Agency.

Ang mga aklatan ay ang mga balon ng karunungan na hindi maaring ipagpalit sa ibang bagay na tanging maipamamana ng ating mga institusyon sa mga susunod na salin-lahi kaya naman sa kabila ng mga pagbabago sa edukasyon at teknolohiya nananatili pa ring mahalaga ang ating mga aklatan.

Ang mga iginawad na Major Awards ay ang 2023 Most Diligent Public Library in the Philippines, 2023 Top Performing Public Library in the Philippines (5th Sub Categories), Leadership Awards, Most Innovative Public Libraries (4 sub Categories), Best PREXC Activities (3 Sub Categories), Best Social inclusion Activities (6 Sub Categories), Best Public Library Association, Public Library Achievement Award, Gawad ng Direktor ng NLP Awards, Best (Local) Chief Executive for Library Establishment and Affiliation, Hall of Fame Award, 2023 Public Libraries of the Year Award (3 Sub categories).

Tinapos ang programa ng paghuling pananalita buhat sa representante ni Mr. Sam Chittick ng The Asia Foundation. Ang mga aklatan ay ang masasabing mga karugtong ng mga paaralan dahil sa mga lugar na masyado ng malayo sa sibilisasyon, may mga aklatan na aasahan ang mga bata na kanilang mapagkukunan ng aklat ng karunungan bago man sila makatungtong sa paaralan.

Ang agham ng Aklatan at mga nag aaral ng disiplinang ito ay mahalaga sa lipunan, ang edukasyon na naibabahagi nila hindi lamang sa kabataan kundi sa lahat ng mga bumibisita sa aklatan ay lubhang mahalaga para sa kinabukasan kahit pa naroon lamang sila para umagapay at magbigay ng tulong.///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk