turismo

Alahas, balat at adobe, kontribusyon ng Meycauayan sa agham at kulturang Pilipino

KAALINSABAY ng kapistahang ipinagdiriwang nang maraming bayan sa bansa na may patron ng San Juan Bautista isa sa mga matandang bayan sa lalawigan ng Bulacan ang nakatatak sa isipan  nang sambayanan ng agham kung ang pagbabatayan ay teknolohiya, kalakaran at paggawa.

Matatandaang maka ilang ulit na natulungan ng Department of Science and Technology (DOST) ang industriya ng pag aa alahas sa ngayo’y Lungsod ng Meycauayan sa pamamagitan ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP).

Sa programang ito nang kagawaran ng agham tinutulungan ang mga maliliit na naghahanapbuhay upang mai angat ang kalidad ng kanilang mga produkto upang maging competitive ito sa pandaigdigang pamilihan.

Sa bahaging ito tinagurian nga ang lungsod at nakilala ito sa Hub of Jewelry making in Asia, wika ng mga jewelry traders buhat sa ibat-ibang bahagi ng Asya, dinadala sa lungsod ang mga raw and precious gems upang i-proseso at ang final product ay naglalanding sa mga tinadahan ng alahas sa New York, London, Hongkong atbp. Kamakailan rin ay makikita ang mga likha ng jewelry makers ng lungsod na nakasabit sa mga leeg, braso at daliri ng mga kilalang artista sa U.S. Film Academy Awards (Oscars). Sa pagpasok ng bagong pamunuan ni Mayor Joan Alarilla ay lalong pinag ibayo ang promosyon at pagpapakilala sa mga taal na industriya ng lungsod liban sa mga bagong itinatayong factories na paunti-unting bumabago sa economic landscape ng lungsod. (MJ Balaguer)

Nakilala ang Marikina bilang Shoe Capital ng bansa ngunit di alam ng marami na ang katad na ginagamit ng mga Marikenyo sa kanilang sapatos, bag, sinturon at pitaka ay gawa ng mga artisan ng Meycauayan at ang industriyang ito ay kanilang ikinakalat sa buong bansa.

Ang teknolohiyang ito rin ng paglikha ng balat o leather ay nabigyan na rin ng samut-saring pagkilala at pagtulong sa kagawaran ng agham samantalang kahit mangilan ilan na lamang ang mga pabrika at pagawaang lumilikha ng de kalidad na balat at nagdidistribute nito sa Marikina, kasabay ng muling pagbuhay ng industriyang nagpakilala sa bansa nuong panahon ng martial law, sabay na binubuhay naman ito sa kakaiba at creative na paraan.

Bagaman di bantog ay kabilang rin ang lungsod ng Meycauayan sa ating mayamang kultura. Ang mga tinatawag na Meycauayan Adobe ang ginamit upang buuin ang kahabaan ng tinatawag na Walled City o ang Intramuros na tinagurian ring Old Manila. Sa masigasig na pamumuno ni Mayor Joan Alarilla ay patuloy na nakikilala at umuunlad ang lungsod na ito.

Isa sa pinakamatandang bayan sa Bulacan ang Meycauayan. Kinuha rito ang ngayon ay mga bayan ng Marilao, Bocaue, Sta. Maria at San Jose del Monte. Maituturing na isang matagumpay at maunlad na bayan nuon at lungsod ngayon ang lugar na ito bago ang pagpasok ng mga malls na dati ay sa Metro Manila lamang pinupuntahan. Isa sa pinakamalaking populasyon ng Muslim ang matatagpuan sa bayan na ito katunayan ay lumabas pa sa lungsod ng Valenzuela ang bahagi ng isang council na ang mga miyembro ay buhat sa bayan na ito. Ang Valenzuela Muslim Consultative Council ay maituturing na anak ng Bulacan Muslim Consultative Council na ang mga lider ay taga Meycauayan. (mike balaguer)

 

Libreng Eskwelahan ngayon pasukan 2014-2015

“Dito sa Lungsod ng Malolos ayaw natin maging tradisyunal wala tayong pinipiling sektor, ito pangkalahatan kaya naman sa 51 barangay kada tatlong barangay ay may haiskul tayo naitayo at ilan nalang ang kukumpletuhin natin” ang tinuran ni Abogado Christian Natividad ang Punong Lungsod ng Malolos.

Hindi ang payak at nakasanayan programang tuwing sasapit ang pasukan na libre bag at school supply kundi edukasyon ang ginawa ng pamahalaan lungsod ng bayan na ito upang mapaglingkuran ganap ang kanilang mga constituents.

Gayundin na kung ang ilan mga bayan o lungsod ay ayaw humawak ng technical vocation 0 tech-voc na programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Malolos City sila ang namamaha kahit medyo malaki ang gastos upang matugunan ang pangangailangan ng mga Malolenyos na gusto kumuha ng mga vocational courses.

Tuwag tuwa rin ang humigit sa 300 mga titser ang nagkaroon ng permanent na posisyon sa pagtuturo sa mga pambublikong paaralan sa inisiatibo ng LGUs. (jane olvina)

 

 

INSIDENTE NG HEAT STOKE SINUSULUSYUNAN NG MALOLOS LGU

Binibigyang solusyon ng City Health office nang Malolos City Local Government Unit ang mga insidente ng heat stroke sa kanilang lungsod na ayon mismo kay Mayor Christian Natividad ay nasa alarming rate na rin.

Bagaman hindi gaya ng sa bahagi ng Plaridel area na halos sampung indibidwal na ang binabawian ng buhay bunsod ng grabeng init ng panahon ay tila tolerable pa rin umano sa kanilang lungsod sapagkat may iilan pa lamang na namamatay.

binibigyan naman ng solusyon ng city health nila ang problema sa pamamagitan ng patuloy na information disemination ukol sa tamang mga dapat gawin upang di gaanong maapektuhan ng init kahit pa ang trabaho ay kailangang sumuong sa tagaktak na init ng araw gaya ng mga magsasaka.

di rin nagkukulang ang LGU sa pagpapa alala sa mga mamamayan ukol sa mga pag iingat lalo at malapit na rin ang tag ulan at may mangilan ilan na ring insidente ng pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod. (mike balaguer)

MALOLOS CITY SA BULACAN KABILANG SA MGA NEXT WAVE CITIES NG DOST ICTO

NAPABILANG sa tinatawag na mga makabago at naa ayong lagyan ng mga imprastrukturang akma para sa Information Technology Business Process Management (ITBPM) ang Capitol town ng lalawigan ng Bulacan marahil sa mga inisyatiba at makabagong pag iisip na rin ng mga namumuno nito na tumanggap ng mga bagong ideya at pagbabago patungo sa ika uunlad ng kanilang lungsod.

Batay sa naging panayam ng Pinoy Parazzi Kay DOST USec. Casambre ng Information and Communication Technology Office (DOST-ICTO) sa nakaraang anibersaryo ang pamamayagpag ng internet sa bansa, kabilang ang Malolos City sa mga lungsod sa Bulacan na kanilang isinama sa mga “Next Wave Cities” kung saan maaring suitable o conducive mag invest para sa ITBPM.

Pinangalawahan naman ni Malolos City Mayor Christian Natividad ang tanong ng pahayagan kung totoo nga ang nasabing impormasyon batay sa aming eksklusibong panayam, sabi ni Natividad ay may mga Business Process Outsourcing Companies na umanong nakatalagang maglagay  ng kani-kanilang mga tanggapan at punong himpilan sa Malolos bukod pa sa ibang imbestor na iba naman ang linya ng negosyo.

Malimit maka daupampalad ng alkalde ang ibat-ibang mga dayuhang nais mamuhunan sa lungsod dahil na rin sa paging bukas ng isip ng pamamahala ani Natividad sa mga pagbabago ng lipunan. “Pinahahalagahan pa rin natin ang Kultura, pagiging makasaysayan ng ating lungsod ngunit kailangan rin nating harapin ang pagbabago” ayon sa Punong Lungsod.

Bukod sa Malolos City, kabilang rin sa mga naibilang ay ang mga bayan ng Marilao, Baliwag, Pulilan at mga lungsod ng San Jose Del Monte at Meycauayan sa talaan ng Next Wave Cities na tinaguriang “Metro Bulacan”. (Jane Olvina)

BULACAN GOVERNOR, REGIONAL DEVELOPMENT COUNCIL HEAD

Itinalaga ni Pangulong Benigno S. Aquino III bilang Chairman ng Regional Development Council ng Region 3 si Bulacan Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado sa layuning pangunahan niya ang paglatag ng direksyon ng socio economic development ng Gitnang Luzon.

Matatandaang sa pamumuno ni Alvarado sa Bulacan bilang Punong Lalawigan ay nakitaan ng malaking pagbabago sa kalagayang socio ekonomiko lalo sa bahagi ng sektor agrikultura kung saan inulat nitong kabilang sa nangunguna ang lalawigan.

Ang mga Regional Development Councils sa ibat ibang rehiyon sa bansa ay nasa ilalim ng National Economic and Development Authority at nilikha sa bias ng Executive Order 325. Binubuo ang council ng mga Governors, City and Municipal Mayors, mga Regional Heads ng National Agencies at Departments atbp.

Pitong lalawigan ang bumubuo sa Gitnang Luzon o Region 3 kabilang ang Aurora, Bataan, BULACAN, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija at Zambales kaya bilang bagong talagang Chair ng RDC ng Region 3, hindi lamang Bulacan ang responsibilidad ni Alvarado kundi pati ang tumulong paunlarin ang buong rehiyon. (mike balaguer)

EDS handog ng DTI at OWWA sa mga OFW;

Malolos City, Bulacan- Inihahandog ng Department of Trade and Industry sa  pakikipagtulungan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang  Entrepreneurship Development Seminar para sa mga kaanak ng kaanak ng OFW at miyembro ng OWWA.

Ang nasabing seminar ay iSinasagawa tuwing una at ika tatlong biyernes ng buwan. Tinuturuan ng preparasyon at karampatang kaalaman upang magsimula ng sariling negosyong kanilang naisin.

Gayundin sa pag aaral ng mga reglamento at pasikut-sikot sa pagnenegosyo kaakibat nang mga livelihood grants para sa mga pamilyang OFW na survivor na aktibong miyembro ng OWWA.

Ngayon buwan din ipinagdiriwang ang “DTI Month” sa buong bansa na may layuning makaagapay sa mga nagbabalak magsimula ng sariling negosyo at nang magabayan sa tamang pamamaraan sa papasukin nilang hanapbuhay. (Chona Ventus)

Disenyong Pandi na sikat sa baro’t saya wala pang interbensyon ng DOST-PTRI

WALA pa umanong interbensyon ng Department of Science and Technology-
Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) ang sikat na
Disenyong Pandi na makikita sa ilang mga malalaking malls sa
Kamaynilaan, ayon mismo sa Local Governmnet Unit ng Pandi sa Bulacan,
pinagmulan ng naturang famous indigenous clothing line kamakalawa.

Sa panayam ng Pinoy Parazzi kay Dr. Noel S.Esteban DMA, executive
Secretary for External Affairs ni Pandi Mayor Enrico Roque, sa
kanilang pagkaka alam, pinatatakbo ng isang kooperatiba lamang ang
lahat ng weavers, sewers at dress makers ng tinatawag na “disenyong
pandi” sa Bgy. Bagong Barrio at ang mga tela na ginagamit nila duon ay
dumarating na lamang at hindi sila ang mismong gumagawa o sa kanilang
pagka alam ay walng gumagawa ng tela sa kanilang bayan mula lamang ito
sa labas o outsourced.

Isinusulong ng DOST sa pamamagitan ng PTRI ang paglikha o pagbuo ng
mga damit gamit ang sinasabing mga indigenous textiles, liban sa gusi,
pinya, abaca ay ginagamit na ngayon ang saluyot, at water hyacinth
kasama ng cotton, silk, linen at plastic.

Sa mga pag aaral ng kagawaran ng agham may mga inaral silang pagmi mix
ng mga tela nan a ang resulta ay damit na umaayon sa temperature ng
katawan, damit na iinit kung malamig at lalamig kung iinit, ayon sa
mga nakarang directors ng PTRI gaya ng naging panayam kay Philippine
council for Industry, Energy and emerging Technology Research and
Development (PCIEERD) Executive Director Dr. Rowena Cristina Guevara
na naging dating OIC ng PTRI, ayon sa kanilang mga pag aaral, itoy
mangyayari sa paghahalo ng ibat-ibang tela at interbensyon ng agham at
teknologiya sa textile production and research. (Jane Olvina-Balaguer)

torres torres3

Bayaning Malolenyo Exhibit 2014 at kulaysaysayan, binuksan na!

LUNGSOD NG MALOLOS — Bilang bahagi ng pagbubukas ng Fiesta Republica, dinagsa ng mga mag-aaral ang pagbubukas ng Bayaning Malolenyo Exhibit 2014 na nagtatanghal ng buhay at kabayanihan ni Hen. Isidoro Torres.

Ang nabanggit na exhibit ay matatagpuan at masisilayan sa makasaysayang Case Real. Si Heneral Torres ay ipinanganak noong  Apri 10, 1866. Noong 1898, siya ang namuno sa pakikipaglaban sa mga Espanyol sa tulay ng Catmon, kung saan naging mahigpit ang kanilang paglalaban.

Siya ay naging kinatawan ni Andres Bonifacio upang maging tagapagtatag ng mga Balangay ng Katipunan sa lalawigan ng Bulakan at naging pangulo ng Lupong Lalawigan ng Katipunan sa Bulakan na pinamagatang Sangguniang Apuy.

Noong 1896 at 1897, Si Hen. Isidoro Torres ay naging Hepe ng hukbo ng mga manghihimagsik sa Masukol,Binakod at Biak na Bato.Naging Heneral rin siya at Brigada ng Hukbo ng mga maghihimagsik, Direktor De Armas, Naging Sub-sekretaryo De Guerra o Pangalawang Kalihim sa Digma.

Makikita sa exhibit ang hindi matatawarang ambag ni Torres sa ating mayamang kasaysayan at sa tinatamasa nating kalayaan. Layunin ng exhibit na maibahagi at maimulat sa bagong henerasyon ang kabayanihan ng ating mga ninuno.

Mayroon ding kulaysaysayan : On the Spot painting Contest kung saan tampok ang ilang mga pintang likha ng mga mag-aaral mula sa Bulacan State University. Makikita sa mga ginuhit na mag-aaral ng BulSu ang galing at angking talino ng mga Bulakenyo. City Information Office

kalutong malolos2

Fiesta Republica wraps up for 4th year

MALOLOS City –The  Fiesta Republica – a tourism-cultural event that promotes, commemorate and to pay tribute to the heroism and wisdom of our ancestors is anticipates to be bolder and more extravagant this year.

Spearheaded by city Mayor Christian D. Natividad together with the City Tourism Arts and Culture Office head Armand Sta. Ana, Fiesta Rebulica 2014, the will be celebrated which start on January 17 and ends of Ja. 23. The week-long celebration  features socio-historico cultural events culminating in a commemorative rite of the Anniversary of the First Philippine Republic  also known as Malolos Republic.

The founding of the First Philippine Republic at the Barasoain Church on the 23rd of January 1899 is the first democratic constitution in the whole continent of Asia and Africa that proclaimed the “PRIDE” of the so-called “Indios” as the “FREEDOM-LOVING” Filipino Citizen of the Philippines.

This year Fiesta Republica also offers Lakbay-Kasaysayan, it is a historical tour for the local students from the Malolos Cathedral which served as the “Palacio Presidential” of Gen. Emilio Aguinaldo to Pariancillo where old houses were used as a government office during the First Republic and Barasoain Church.

As a series of tributes to Malolos heroes and artist, there will be an exhibit in Casa Real featuring Hen. Isidoro Torres. The Festival will also launch the “Cine Republica,” the first film festival in the Province of Bulacan. From January 17-19, there will be a performance arts contest among the youth that showcase their talents in singing, dancing and rap.

 

One of the most awaited events of the Fiesta Republica is the “Kalutong Malolos” where in different schools and universities show their talents in reinventing the heritage cuisine of Filipino dishes.

To acknowledge the modern day heroes of Malolos, there will be a Gawad Bayani at Bituin ng Malolos 2014 –  Initiated in 2011, the award is given to outstanding Maloleños who excel in their fields of expertise – arts, public service, broadcast media, health, business, agriculture and labor – and are being recognized in the national and international community, thus becoming the pride of the city.

And to make the past more alive, there will be a Dulansangan, a local and national competition in dance drama that shows the theatrical interpretation of the Historical Highlights of Malolos and different provinces of the Philippines.

Also part of FR 2014 is the most awaited Cine Republika 2014 – a short film festival with a theme of “Buhay at Kasaysayan.” Six short films will be shown in Robinson’s Place Malolos from January 16-22, from 8 a.m. to 10:30 a.m.  City Information Office

 

 

Industriya ng paputok at pailaw sa bansa dapat proteksyunan

Provincial Capitol, Bulacan- Nais proteksyunan sa halip na i-abolis ang industriya ng paputok at pailaw sa bansa partikular sa lalawigang ito, panawagan ng isang miyembro ng Sangguniang panlalawigan sa kanyang malayang talumpati kamakailan bilang hayagang pagsuporta sa industriyang niya ay nagsalba sa lalawigan sa bingit ng kahirapan.

Ayon sa talumpati ni Senior Board Member Michael Fermin hindi dapat patayin ang industriya na may libu-libong tao na natutulungang magka trabaho, mga entreprenyur na binibigyan ng pagkakataong umunlad sa negosyo at industriyang nagbibigay ng karangalan sa bansa.

Sinabi niyang ang tunay na salarin sa talamak na suliranin tuwing bagong taon, kung saan maraming napuputukan ng mga iligal at malalakas na paputok ay ang ismagling (smuggling) na hindi nasusugpo at siya ring hayagang pumapatay sa lokal na industriya ng paputok at pailaw sa bansa.

Dahilan sa mura, minsan nakaw at hindi nagbabayad ng buwis, ang naturang mga smuggled na paputok ay naibebenta ng napaka mura at I ni etsapwera ang legal produktong kahanay nito sa pamilihan, nagreresulta ng pagbaba ng benta ng mga legal at maayos na produkto.

Ipinahayag rin ng mambabatas na sa lalawigan ng Bulacan kung saan tinaguriang Fireworks and Pyrotechnics capital ng Pilipinas ay may 10,000 manufacturers ng nasabing mga produkto kung saan matatagpuan sa mga bayan ng Sta. Maria, Bocaue, Pandi, San Rafael, Baliwag, San Ildefonso, Angat at Norzagaray kung saan nag e employ ng napakaraming manggagawa na siyang pumupuno sa workforce ng lalawigan.

Iginiit rin niya na ang sinasabi ng Department of Health na paputok na Picolo ay hindi ginagawa sa Bulacan o sa bansa dahil isa ito sa mga smuggled na paputok galing ng China. Ang industriya ng paputok sa Bulacan ay isang industriyang nagbibigay ng karangalan di lang sa lalawigan kundi pati sa buong bansa, dahilan sa nitong nakaraang taon ay nagwagi ang Bansa sa Pyronale world Fireworks Championship na ginanap nitong September 7, 2013 sa Berlin, Germany kung saan tinalo ng bansa ang Russia, Norway, Finland, Netherlands, France, spain at ang China na siyang nag imbento ng paputok.

Maayos na regulasyon at pagsugpo sa smuggling ang susi upang walang masaktan sa tuwing sasapit ang bagong taon, ang mga produktong local ay maayos ang pagkakaawa at sumusunod sa batas gayundin nakatutulong upang iangat ang ekonomiya at morale ng sambayanang Pilipino kaya’t hiling ng mambabatas na proteksyunan ng gobyerno at hindi I abolish ang industriya. (mike Balaguer)

 

 

Ika-15 taon ng Likhang Central Luzon ((LCL) Trade Fair, hahataw sa Megamall

CONSUMER WELFARE MONTH NG DTI IPINAGDIWANG

BIBIDA ang Pag world-class products na Likha buhat sa Central Trade Fair ng Central Luzon Region  (Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales at Bulacan) ngayong darating na Oktubre 23-27, 2013 sa Mega Trade Hall B, SM Megamall, Mandaluyong City.

Ang selebrasyon ay inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 3, PhilExport 3, Regional Development Council growth Corridor Foundation, Inc. Pangunahing layunin nito na magkaroon ng lugar para sa micro, small at medium entrepreneurs upang malinang ang kapasidad na teknikal na makagawa ng bagong produkto at disenyo.

Makisabay sa mga napapanahon pamamaraan sa merkado at export. Ang mga produkto na itatampok sa trade fair ay batay sa mga sumusunod na kategorya: Processed food, jewelry, fashion accessories, furniture at home furnishings, bag, foot wear, ceramics, gifts at holiday decors at iba’t ibang hand made na produkto.

Dagdag pa ang makabagong tuklas ng kawayan at ibang mga katutubong raw materials at environment-friendly na teknolohiya ang makikita. Humigit kumulang na 150 micro, small & medium enterprises (MCMEs) ang makikilahok sa nasabing trade event na magtataguyod ng namumukod tangi at globally competitive na produkto para sa mga buyers, exporters, major stakeholder at mga walk in na namimili. Ayon kay Provincial Director Rhine Aldana ng DTI Bulacan, 34 manufacturers mula sa probinsiya ng Bulacan ang makikiisa sa fair.

Samantala, buong buwan ng Oktubre ang selebrasyon ng  Consumer Welfare Month.  Ito rin ay regular na programa isinasagawa ng Department of Trade and Industry. Base sa presidential proclamation no. 1098 na nagbibigay oportunidad sa gobyerno at pribadong sector na makilahok sa iba’t ibang programa at polisiya na nakatuon sa kapakanan ng mga consumers.

Kabilang ang mga mamamahayag sa pagpapalaganap ng impormasyon.

Ito din magsisilbi panawagan sa mga Filipino consumers na alamin ang kanilang karapatan at pananagutan bilang mamimili. Binangit din ni PD Rhine Aldana na upang mapalaganap ang consumer welfare ngayon buwan. Ang DTI Bulacan ay may mga nakalatag na programa sa temang “ health, products, quality, efficacy, safety & transparency- everybody’s concern”.

Ang DTI ay naglalayon sa mga mamimili na maging agresibo at may alam sa pagharap sa ibat ibang hamon sa tulong ng pamahalaan at pribadong sector. (Chona Ventus)

MMDA Footbridge itatayo sa c3 road para sa kaligtasan ng mga mag aaral sa Caloocan

 ITATAYO ang isang footbridge sa c3 road papuntang navotas ngunit bahagi pa rin ng Caloocan upang matiyak ang kaligtasan ng mga batang tumatawid sa nasabing kalsada buhat sa kalapit na paaralang elementarya sa nasabing lugar.

Sa pakikipagtulungan ng Caloocan City Government sa pangunguna ni Mayor Orcar Malapitan at ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasalukuyan nang hinuhukay ang pundasyon ng nasabing istruktura na matatagpuan sa Perpetua St. Extension Bgy 18, ito ay sa pagitan lamang ng Talakitok St. at A. Mabini (isang national Road) kahabaan ng c3 road na patungong Navotas.

Ayon sa panayam ng www.diaryongtagalog.com sa mga residente sa paligid ng gagawing tulay, sila ay nasisiyahan kung magtatayo nga raw duon ng footbridge dahil nahihirapan makatawid ang mga batang papasok sa paaralan lalo yaong mga maliliit pa dahil sa mabibilis na mga nagsasalimbayang mga sasakyan.

Nabatid na malapit sa Sampalukan Elementary School ang pagtatayuan ng nasabing tulay at isa ang nasabing paaralan sa may pinakamaraming mga mag aaral sa lungsod. Bagaman hindi bantog na accident prone area ang kahabaan ng c3 road lalo sa nasabing lugar, isa sa dahilan ng kinaukulan particular ang MMDA ay ang seguridad ng mga mag aaral sa nasabing iskwelahan.

Sa bahagi naman ng mga naninirahan sa magkabilang dulo ng tulay lalo sa libis guchuico at kabulusan 1 at 2, malaking bagay ang pagtatayo ng nasabing tulay upang maiwasan ang mga aksidenteng pagkasagasa lalo sa gabi. (michael balaguer)

Enterpreneurship seminar ng DTI- Bulacan, matagumpay

Epektibo na naisagawa ang isang programa ng Department of Trade and Industry na ginanap sa Club Royale, Malolos City sa pamumuno ng masipag at mahusay na chief ng D. T.I o Provincial Director nitong si Zorina “Rhine” Aldana nitong nakaraan Hulyo 18, 2013.

Nagbigay ng libreng seminar para sa mga negosyante at bagong nagsisimulang magnegosyo. Humigit kumulang 200 Bulakenyo ang dumalo sa proyektong ito at hinati sa apat ang seminar.

Kinapapalooban ng mga paksa katulad ng: good Manufacturing Practices ( food processors), sales negotiation, accounting made easy for non- accountants at effective purchasing management

Dumating din ang ama ng Bulacan si Gobernador Willy Alvarado, ang presidente ng Bulacan Chapter ng Phillipines Chamber of Commerce Industry Gregoria “Gigi” Simbulan, ang hepe ng Department of Interior and Local Government Darwin David at chief ng cooperative si Obet Saguinsin. (Chona Ty Ventus)

 

Pagpapagawa ng Eco-parks, Hospitals at Schools sa bagong pamunuan ng Caloocan, tiniyak

KABILANG din ang creek at drainage dredging sa maraming nakalinyang programa ng bagong pamunuan sa Caloocan City dahil malimit ang pagbaha sa nasabing lungsod at ang nasabing mga istruktura ang sinisisi na dulot nito.

Bahagi rin ang pagpapagawa ng parke o ecological “eco” parks sa north at south ng lungsod ayon sa panayam ng www.diaryongtagalog.net kay Mayor Oscar Malapitan. Dagdag pa niya ay magkakaroon ng karagdagang pagamutan at ire revive ang Caloocan General Hospital na ngayon ay Diosdado Macapagal General Hospital.

Dahil malalaki ang lupa sa North, naka plano na nilang ilipat ang University of Caloocan City buhat sa campus nito sa Sangandaan patungong Biglang Awa, Congressional Road sa Norte.Isang makasaysayang lungsod ang Caloocan at isa rin ito sa mga unang lungsod ng Kamaynilaan ngunit sa paglipas ng panahon ay tila nauungusan na ito ng kanyang mga kapitbayan kaya nasa plano ng pamunuan ni Malapitan na muling mapabalik ang mga investments sa lungsod at maging isang industrial city muli ito.

Sa panayam ng pahayagang ito sa mga key agencies sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST) gaya ng Metal Industry Development Center (MIRDC) maari umano silang makatulong sa lungsod sa pamamagitan ng pagpapalakas sa industriya ng bakal nito.

Ayon sa nakapanayam namin sa tanggapan ng alkalde sinabi niyang may mga investor na steel company na nagnanais magtayo ng pabrika sa lungsod at naka plano na ito ngayong taon, LeX steel ang isa sa kumpanyang nangangailangan ng 1 ektarya na siyang gumagawa ng mga roll up steel. Bukod sa MIRDC at maari ring makatulong ang Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development (PCIEERD) na siyang tumutulong sa sektor na kinabibilangan nila.

Inaasahan ng mga taga Caloocan ang tunay na pagbabago sa kanilang lungsod at ang pagiging investor friendly ng kanilang munisipyo kaya balak rin ng pamunuan na totally I computerised ang Business Permit and Licensing Office nila dahil ito ang mga nag I invite ng mga imbestor. Isa sa mga kabilang sa roadmap ng pamunuan ng Caloocan ay ang one-stop-shop o government center sa north city hall kung saan ilalagay ang mga tanggapan ng DILG, NBI, PNP atbp. 1.2 billion ang income without IRA, 3.8 billion ang di nare realized.

Kasalukuyan ay may 4 billion ang naiwang utang ng dating administrasyon ngunit sinisikap ngayon na maging maayos ang takbo ng lungsod, marami ng pagbabago na makikita ang masa at umaasa silang magkakaroon ng magandang hinaharap ang kanilang buhay dahil sabi nga “Tao ang Una”. (michael n balaguer)

 

————————————————————————————————————————

naglalaman ng mga kuwentong ukol sa kagandahan ng Pilipinas

Leave a Reply

Your email address will not be published.