Bike lane at tree planting bawat barangay isinusulong ni Konsehal Capule

Malolos City, Bulacan-BIKE lane sa kahabaan ng mc Arthur highway o manila north road at kasunod na ay ang mga city roads upang maibsan ang trapiko at matuto pang mag ehersisyo ang mga taga rito para na rin sa kanilang kalusugan at sa kalikasan dahil mababawasan ang usok sapagkat bihira na ang gagamit ng sasakyan.

Marami nang nahuhumaling sa pagbibisikleta sa lungsod na ito at marami na ring mga organisasyon ukol sa pagbibisikleta. Ito ang hiling nila na kagaya ng ibang bayan at lungsod sa Kamaynilaan gaya ng Marikina ay magkaroon na rin ng Bike lanes. Nabanggit rin ni Capule sa panayam ng www.diaryongtagalog.net ang tungkol sa klima ng negosyo sa kanilang lungsod at ang kanyang mga plano upang maiangat ang kalidad ng mga produktong ibinibenta ng kanilang entreprenyur.

Nabatid na ang maraming negosyante sa lungsod na ito ay iniluluwas pa ang produkto sa kamaynilaan kaya ng mga indigenous products, bags, foods atbp. Ay di nakikilala ng mga tag rito mismo at nauuna pang makilala ng mga taga labas.

Pagtulong sa mga maliliit na negosyante sa pamamagitan ng puhunan at ng mga pag proseso ng permit ang nais ng konsehal upang maging masigla ang negosyo sa kanyang lungsod. Ang pagbibisikleta gaya ng motorsiklo ay nais niyang magkaroon ng sariling lane, layunin ay manatiling sariwa ang hihingahing hangin sa kanilang lungsod katambal ang malawakang pagtatanim ng punongkahoy. (jane balaguer)