Enero 23, Layunin maging opisyal na Holiday sa bansa

barasoain1

Malolos City, Bulacan- KAUNA-unahan sa buong Asya ang Malolos Congress  na nagkaroon ng Demokrasya ang Pilipinas na ipinagdiriwang tuwing ika 23 ng Enero sa Barasoain Church. Ito rin ang naging hudyat ng magkaroon ng sariling gobyerno.

Sa pagdiriwang ng FIESTA REPUBLICA ngayong 2014. Magkakaroon ng Lakbay Kasaysayan  4 magsasagawa ng mga Historical Tour sa mga lokal na mag aaral sa buong lungsod kasunod ang isang Job Fair sa Robinsons Place, Bayaning Malolenyo: Hen. Isidoro Torres na gaganapin sa Casa Real, Kulaysay sayan: isang on the spot painting contest na gagawin sa buong lungsod, paglulunsad ng “we heart malolos” sa Robinsons Place at Cine Republica, isang short film festival at gagawin rin ito sa Robinson’s Place at ang mga aktibidad na ito ay magaganap January 17.

Hataw sa sining: Awit, sayaw at rap mula January 17 hanggang 19 at kalutong Malolos: Reinventing Heirloom Dishes na gaganapin January 18 at lahat ng ito ay ibe-venue sa  Malolos Sports Convention Center. Gawad parangal sa bayani at bituin ng Malolos 2014 o Rigodon de Honor na gaganapin sa barasoain Church ng January 19.

Sa January 20 ay may pre pageant ng ginoo at binibining Republika, timpalak awit makabayan choral competition na kapwa gaganapin sa Robinsons Place at Malolos Sports Convention Center, ang ginoo at binibining Republica Filipina coronation night na gaganapin rin sa Malolos Sports Convention Center ay sa January 21 at sa sumunod n aaraw nito na January 22 ay pasiklaban ng mga banda sa Malolos Sports Convention Center rin at 115th Araw ng Republikang Filipino 1899 sa Barasoain Plaza.

Sa January 23 ay magkakaroon ng Dulansangan: City, provincial at national Level, party republika na isang band concert and farewell party na gaganapin lahat sa Malolos Sports Convention Center at sa January 25 to 26 ay ang republika bike festival sa nasabi ring venue.

Layunin ng nasabing mga aktibidad na paigtingin ang nasyunalismo ng bawat pilipinong taga Malolos sa pakikipagtulungan ng City Information Office sa pangunguna ni Cecilia Gulla, Armando Sta. Ana na Head ng Tourism Office ng Malolos City at Hon. Atty. Christian Natividad, Malolos City Mayor. (jane balaguer)

barasoain3