Gen. Nakar, Quezon-NAGKASAMANG muli ang Lalawigan ng Quezon at ang Lalawigan ng Aurora sa bridge project na pinangunahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Japan International Cooperation Agency (JICA) matatagpuan sa Bgy. Umiray ng bayang ito.
Ayon kay Gen. Nakar Mayor Leovigildo R. Ruzol sa eksklusibong panayam ng www.diaryongtagalog.net malaking bagay sa kanilang bayan ang pagkakaroon ng tulay sa kanilang bahagi ng Bgy. Umiray dahil maari na nilang maitawid ang kanilang mga produkto ng maalwan at di na kailangang mag Bangka.
Pahayag ni Mayor Ruzol
Pahayag naman ni Bgy Captain Aquilino R. Junio ng Bgy. Umiray Gen. Nakar Quezon Province side, tunay na malaking kaluwagan sa kanilang mga kabaranggay ang pagkakaroon ng tulay dahil maari nang makarating sa Aurora side kahit masama ang panahon na hindi inaalintana nab aka madisgrasya sa laot. Hinahati ng ilog umiray ang barangay kung saan ang isang bahagi ay sa Dingalan, Aurora at ang kabila ay sa Gen. Nakar sa Quezon.
Panayam sa video ni Bgy Captain Junio
Nagagalak naman ang Provincial Government ng Quezon sa pagkagawa ng Umiray Bridge lalo at ang Aurora ay dating sub-province ng Quezon na humiwalay dahil sa hinahati ng natural boundaries gaya ng Umiray river at dagat. Bagaman hindi nakarating si Quezon Governor David “Jayjay” Suarez ay dumalo naman ang hepe ng kanilang GSO (General Services Office) na si Rowell Radovan. Magkasunod na pahayag ni Radovan sa www.diaryongtagalog.net ukol sa pagkagawa ng tulay (jane olvina-balaguer)