Mga tulong ng agham at teknolohiya sa lungsod ng Malabon

 

 

Malabon City, Pilipinas-NAKAPANAYAM ng www.diaryongtagalog.net  kamakailan si Malabon City Mayor Antolin “lenlen” A. Oreta III at kanyang isinalaysay ang mga tulong na nagawa sa kanilang lungsod ng ilan sa mga proyekto ng Department of Science and Technology (DOST). Dahil nga kilalang bahain at malimit na lumubog ang maraming baranggay sa lungsod unang binanggit ni Oreta ang tungkol sa Project NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards) at ang sitwasyon sa kanilang lugar nung bago at matapos magkaroon nito.

 

 

 

Kung ang pag uusapan naman ay Disaster Risk Reduction and Management ng lungsod nabanggit ng alkalde ang tungkol sa mga bangka na kanilang gamit tuwing may sakuna o rescue sa mga barangay na malimit lumubog ng matagal at iba pang topic gaya ng pagtataas ng mga daan na lubhang naging palaisipan sa mga nagmamasid dahil tila tumataas ang mga kalsada at bumababa ang mga kabahayan.

 

 

 

 

Nabanggit kung ano ang mga naging aral na nakuha niya na maaring i-apply sa kanyang lungsod sa kanyang pagdalo sa nakaraang International Conference on Smarter Cities. Naikumpara niya ang mga lungsod sa Kamaynilaan sa mga nabanggit ng mga nagbigay ng presentasyon at naibahagi niya ang ilan na maari nilang magawa sa kanyang lungsod.

 

 

Napag usapan ang tungkol sa mga sakit na dulot ng pagbabago ng klima gaya ng Dengue atbp at kung ano ang kanilang ginagawa upang ito ay masulusyunan gamit ang agham at teknolohiya, tinanong rin kung may interbensyon ang kagawaran ng agham sa mga ito at kung ano ang mga matagumpay na programang kanilang pinagtulungan sa bahagi ng kalusugan.

 

 

Sa nasabing panayam ng www.diaryongtagalog.net sa punong lungsod ng Malabon napag alaman na tunay na maraming maipagmamalaki ang kanilang lungsod, bilang isang matandang bayan na halos buhay na nuong panahon ng Kastila, at mga tourist attraction nito na bihira ang naka aa alam. Nabanggit niya na nuon ay bantog sila sa mga mayayamang mangangalakal at pag sinabing taga-Malabon ay kilalang mga negosyante at mayaman ngunit ngayon ay iba na.

 

 

Samut-saring impresyon ang nabuksan sa naging panayam ng pahayagan sa punong lungsod ng isa sa apat na siyudad na bumubuo sa distrito ng CAMANAVA. Unang gumawa ng write up ang pahayagang ito kay Oreta nung nakatabi ng manunulat ang alkalde sa International Conference on Smarter Cities kung saan matamang nakikinig at parang estudyanteng seryoso sa klase, napag alaman na lamang na may mga interbensyon pala ang agham at teknolohiya sa kanilang lungsod.

 

 

Nabanggit rin niyang ililipat na ang kanilang pagamutang bayan sa lugar na di gaanong binabaha, malapit sa kanilang City hall sa 2015 at dahil sinabi rin niyang nag adopt sila ng city sa visayas, ito ay ang Bogo City sa Cebu. Bukod sa project Noah na naging dahilan upang maging zero casualty ang Malabon nung nakaraang Habagat nag ugat ang interes ng manunulat upang kapanayamin ang punong lungsod tungkol sa kagawaran ng agham at iba pang interbensyon nito, sa lungsod na kilala sa Pansit Malabon, mga pabrika ng patis, mga pedicab na matataas atbpa. (mary jane o balaguer)