Skills Training at atbp Programa ng Calumpit para sa OSY; Heritage Houses sa Bustos Inaalagaan bilang Makasaysayang Kayamanan at Ampalaya production sa apat na barangay ng San Ildefonso ikinakasa

 

jessie gerard and arnel

 

PANGUNAHING prayoridad ng pamahalaang bayan ng Calumpit ang pagsasanay sa mga kasanayan ng kanilang mga kababayan upang magkaroon ito ng maayos natrabahong makakatulong upang mabuhay ang mga ito ng produktibo at kapaki pakinabang sa bayan.

Sa pangunguna ni Mayor Jessie de Jesus, iniulat ng mga kawani ng munisipyo na punong abala sa programa na may 189 enrollees na out of school youth sa kanilang mga programa at mga kursong teknikal para sa magandang hanapbuhay ng mga mamamayan.

May mga pagsasanay rin sila sa pananahi at nagkaloob ng mga sewing machines ang kumpanyang United Pulp and Paper Corporation upang magtahi ng mga basahan gamit sa kanilang mga proyektong pangkabuhayan.

Sa mga proyektong meat processing ay kabalikat nila ang Technical Education and Skills Development Authority sa pangunguna ni Region 3 Regional Director Ted Gatchalian. Bukod sa mga trabahng local ay may mga ino offer ding pagsasanay para sa mga trabahong pang ibayong dagat gaya sa Saudi Arabia tulad ng Hair Dressing, Beauty Care at Pipe Fitting.

Nabangit ni Mayor De Jesus ay di pa gawa ang kanilang ipinagagawang evacuation center, naitanong ito ng www.diaryongtagalog.net dahil masigasig ang bayan ng Calumpit sa bahagi ng Disaster Risk Reduction and Management at Mitigation  and Adaptation sapagkat kilalang binabaha ang kanilang bayan lalo kung malakas ang ulan o high tide.

Samantalang ang pagdiriwang ng 22nd National Children’s Month ito ay ayon sa batas na Presidential Decree 603 na sinusugan ng paglikha ng Council for the Welfare of Children o Presidential Proclamation 273  nabatid na maraming mga programa para sa kabataang binuo at ginawa ang pamahalaang bayan ng Calumpit lalo ang pagtiyak na di malalabag ang mga karapatan ng mga bata.///Michael Balaguer

mayor bustos

 

Sa ginawang pagpunta ng www.diaryongtagalog.net sa makasaysayang bayan ng Bustos ay nakita ang isang munisipaliad na hitik sa mayamang kasaysayan. Ang mga heritage houses nito gaya ng Mercado House sa Bonga Menor ay pinangangalagaan ng mga nagmamay ari, isang patunay ng kanilang pagkilala sa kahalagahan ng kasayayan, sining at kultura di lamang ng kanilang bayan kundi pati ng buong lalawigan ng Bulacan.

Sa pakikipagtalastasan at panayam ng pahayagan kay Mayor Arnel F. Mendoza MCD DPA napag usapan ang tungkol sa culture based governance training na isinagawa sa malolos kng saan tinalakay ang mga pagsasanay para sa pamamaala na isasa alang alang ang kultura at turismo para maging katuwang sa pagpapa usbong ng matagumpay at progresibong ekonomiya.

Sabi ng Punong bayan ay ginagawa ng pamahalaang bayan ang lahat upang maisulong ang at maipakilala ang kanilang bayan sa ibang di taga Bulacan, ebidensya nito ay ang taunang Minasa Festival na dinarayo ng mga turista, pabor din siya sa ginagawa ng mga television networks at film outfits na pag shootingan ang kanilang mga luma ngunit makasaysayang mga heritage houses at lugar.

Sa training on culture based governance ay highlighted ang Bustos kasama ang Vigan at Surigao. Lubhang napakahalaga ng turismo wika niya para sa kanilang bayan at sa ekonomiya nito kaya ng napaka agresibo ng pribadong sector na makipagtulungan sa munisipyo para mag imbita ng mga bisita.

Isang matahimik, maaliwalas at magandang bayan ang Bustos na kaya ayang pasyalan lalo at sa kanilang museo ay makikita ang ibat-ibang sining biswal buhat sa kanilang mga lokal na alagad ng sining.

Dahil sa dinaraanan ang bayan ng mga malalaking trak buhat sa mga bayan ng Angat, Norzagaray at Donya Remedios Trinidad ay na aapektuhan ang mga makikitid ngunit maa ayos nitong mga kalsada kaya ang Sangguniang bayan ay lumilikha ng resolusyon upang magkaroon ng truck ban ang bayan, malaking apekto rin sa turismo ang pangit na daan sa mga entry at exit point ng isang bayan kaya una nang bibigyang solusyon ng Bustos LGU ang suliraning ito.

Ayon sa kanilang Alkalde ay ngayong Nobyembre ng 2014 nila uumpisahan ang ban sa mga malalaki at mabibigat na trak.///Michael balaguer (writer), gani Navarro (photo and video)

 

 

san ildefonso mayor

Kaugnay nito ay nagtungo naman ang www.diaryongtagalog.net sa bayan ng San Ildefonso sa bahagi ng Bulacan na malapit na sa Nueva Ecija at nagkaroon ng panayam ang pahayagan sa Punong Bayan nito na si Mayor Gerald Galvez ukol sa pataniman ng Ampalaya.

Kaagapay ang kagawaran ng pagsasaka at binigyang p0ndo ng World Bank ang paglalatag ng 10 kilometrong farm to market road na mag uugnay sa apat na mga barangay na magtatanim ng ampalaya. Ang nasabing mga barangay ay Bohol na Mnagga, Bolusukan, Bubulung munti at Bubulun Malaki bagaman dati nang mga magtatanim ng nasabing gulay atbp ang mga magsasaka sa nasabing mga barangay ay tutulungan sila ng pamahalaang bayan na mas maparami pa ang ani at kita bunsod nga ng pagkakagawa ng nasabing daan.

Sinasabi ring magtatayo ng factory ng pagawaan ng food supplement na gawa sa mga naitanim na ampalaya ang isang kilalang brand na nagbebenta ng nasabing mga produkto at sinasabing ang supply ng mga ampalaya ay magbubuhat na lamang sa mga naitanim na ampalaya.

Dagdag pa ng Punong bayan sa panayam ng www.diaryongtagalog.net isang malaking oportunidad ang mabigyan ng nasabing proyekto ang kanilang munisipyo na itinuturing na vegetable basket ng Bulacan. Wika nito ay kung sakaling magkukulang ang supply ng gulay sa mga pamilihan ng Kamaynilaan ay kayang mapunan ng kanilang mga magsasaka at magtatanim ng gulay ang supply lalo sa mga sinasabing high value crops.

Sa Divisoria at Balintawak kadalasang nagbabagsak ng gulay ang mga taga San Ildefonso. Kaugnay nito ay marami ring mga ahensya ng gobyerno nasyunala ang kaagapay ng LGU kanilang ang Department of Agriculture, Trade and Industry, Social Welfare and Development, Interior and Local Government etc.

Sa 98 milyong halaga ng nasabing proyekto na napailalim sa I-Built, I-Reap at I-Plan masasabing matagumpay ang bayan ng San Ildefonso  at mapalad na napili sa kabila ng maraming pinag pilian sa Gitnang Luzon ayon sa panayam kina Mayor Gerald Galvez at Municipal Administrator Ruperto V. De Guzman na unang nagbigay ng paunang impormasyon ukol sa nasabing proyekto sa www.diaryongtagalog.net sa unang quarter ng 2015 sisimulan ang proyekto kabalikat rin ang DA Region 3 sa pangunguna ni Andrew Villacorta. Ang buong panayam sa punong bayan ng san ildefonso ay makikita sa video.///Michael n balaguer (writer), gani navarro (photo and video)