UNANG ARAW NG LA GALERA TAGUMPAY NG LGBTIQA

ISANG tagumpay na maituturing sa bahagi ng Lesbian Gay Bisexual Transgender (LGBT) ang pagwawagi ng kauna unahang Ms Gay White Beach sa unang La Galera sa bahagi ng ito ng munisiplaidad ng Puerto Galera lalawigan ng Oriental Mindoro.

Isang sikat na destinasyon para sa mga dayuhan at lokal na turista, tanyag ang bayang ito na rumirespeto sa mga karapatan ng mga LGBT kaya nga kung tutuusin ay hindi na bago ang mga aktibidad na ito sa bayan na ito kaya lang ang pagkakaiba ay kasabay ito ng fiesta ng patron nilang si San Isidro Labrador na siyang pangalan rin ng barangay na pinagdausan ng nasabing aktibidad.

Mga naggagandahang gay ang naglaban laban ng kanilang talino at kakayahan pati ang husay sa pagsagot ng mga tanong, ang kagandahan ng mga kandidata na halos ay katulad na ng isang babae.

masasabi nga na tagumpay ng LGBTIQA sector ang una sa tatlong araw na aktibidad at ito ay kasabay ng pagkakatatag ng barangay san Isidro Labrador, ika 50 taon na nakararaan.

Ang nasabing aktibidad ay spearheaded ni direk Mark Tan o kitz Acebuche, CEO ng Acebuche perfumery, owner ng Acebuche hotel and resort atbp.

ang mga larawan ng buong aktibidad ay nasa ibaba bilang photo stream.///Michael Balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk