ABUSED TAGBANUA RAISED THE FLAG AGAINST LAND GRABBING IWAHIG ADMINISTRATOR

The Indigenous Tagbanua at Bgy Montible Puerto Princesa City in Palawan raised the Philippine flag through the help of the RILSIUKSNB to show the Bureau of Corrections, the Administrator of the Iwahig Penal Colony that they are still in the Philippine and there is no need for them to be invaded.
Recently while the PPC and BUCOR’s ongoing demolition and invasion on the Tagbanua’s Ancestral domain persist, the Leaders of the Tagbanua approached the RILSIUKSNB through Lorena Abanes by then the Kng and Queen went to help the Tagbanua.
The Iwahig penal colony are miles away from the Tagbanua Ancestral Domain in Br. Montibe and they don’t even know their borders that’s according to their leaders like Col. Arturo Sabadisto as per statement said by both the Tagbanua Leaders and the NCIP.
Cases had been filed in court regarding the abuses both of Mayor Lucilo Bayron and BUCOR respectively while the RILSIUKSNB has plans for investment at Iwahig on rice trough the help of the Chinese.///abdul malik bin ismail

XXX

SALI(N) NA, CHITANG!

 Ang Sali(n) Na, Chitang! ay isang timpalak sa pagsasalin sa Filipino ng mahahalagang tekstong pampanitikan na naglalayong hikayatin ang mga kabataan na lumahok sa gawaing pagsasalin. Para sa taóng 2018, ang tekstong isasalin ay ang mga piling sanaysay ni Carmen Guerrero Nakpil.

Ito ay bukás sa lahat ng kabataang nása edad 12–17. Ang mga lalahok ay maaaring mag-aaral o out-of-school youth na naninirahan sa Filipinas

  1. Ang Sali(n) Na, Chitang! ay bukás sa lahat ng kabataang nasa edad 12–17 maliban sa mga kaanak ng mga empleado ng KWF. Ang akdang isasalin ay alinman sa mga sanaysay na pinili ng KWF, ang “A Question of Identity” at “Where’s the Patis?” na mada-download sa www.kwf.gov.ph. Isang sanaysay lamang ang isasalin.
  2. Mulang Ingles tungong Filipino ang gagawing pagsasalin. Ang salin ay kailangang orihinal na likha ng kalahok, at hindi pa nalalathala sa alinmang publikasyon o nagwagi sa alinmang timpalak bago ang 6 Abril 2019. Hindi patatawarin ang sinumang nahuli at napatunayang nagkasala sa pangongopya. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.
  3. Isa (1) lamang entri ng salin ang maaaring isumite. Ang bawat lahok ay kinakailangang nasa anyong PDF, gagamit ng font na Arial na may laking 12 pt, doble espasyo sa 8 ½” x 11” na bond paper na may palugit na isang (1) pulgada sa itaas at ibaba at sa magkabilang tabi.
  4. Isusumite ang sumusunod na mga dokumento na kailangang nakalagay sa isang selyadong long brown envelope: (1) tatlong hard copy ng lahok; (2) isang CD na naglalaman ng digital na kopya ng entri; (3) pormularyo sa paglahok; (4)pormularyo sa pahintulot ng magulang; at (5) sertipikasyon mula sa prinsipal ng paaralan para sa mga mag-aaral o sertipikasyon mula sa punong barangay para sa mga out of school youth. Tanging ang pamagat lamang ng lahok isusulat o ilalagay sa envelope. Ipadadala ang naturang dokumento sa:

Lupon sa Sali(n) Na, Chitang! , 2F Gusali Watson, 1610 Kalye J. P. Laurel, Malacañang Complex, San Miguel, Lungsod Maynila  Maaari ring ipadala ang mga lahok sa email ng KWF sa komisyonsawika@gmail.com.

  1. Ang mga lahok ay kinakailangang matanggap ng KWF bago o sa 6 Abril 2019, 5nh.
  2. Ang mga magwawagi ay tatanggap ng medalya mula sa KWF at ng sumusunod na gantimpalang salapi:

Unang gantimpala: PHP5,000.00

Ikalawang gantimpala: PHP3,500.00

Ikatlong gantimpala: PHP1,500.00

  1. Anumang pasiya ng Lupon ng Inampalan ay pangwakas at hindi na mababago. Ang lahat ng lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF at ng ka-tagapagtaguyod nitó ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.
  2. Para sa mga tanong, sumulat sa komisyonsawika@gmail.com o tumawag sa (02) 736-2519.

XXX

KWF PHP600,000 Grant sa Lingguwistikong Etnograpiya: Itanghal ang katutubong wika mo!

MAYNILA—Tinatawagan ang mga iskolar at mananaliksik ng mga katutubong wika na magsumite ng mga panukalang saliksik sa proyektong KWF Lingguwistikong Etnograpiya. Ang mga matatanggap na panukalang saliksik ay maaaring magawaran ng grant na hanggang anim na daang libong piso (PHP600,000).

Bukás ang grant sa indibidwal o grupo ng mananaliksik, o sa institusyon na nagnanais magsagawa ng pag-aaral sa mga katutubong wika ng Filipinas. Etnograpiya ang paraan ng pananaliksik na gagamitin sa pagdodokumento ng iba’t ibang aspekto ng wika at kultura, gaya sa relihiyon, kalusugan, kabuhayan, pamayanan, pamilya, pamamahala, edukasyon, at panitikan.

Layon ng programang KWF Lingguwistikong Etnograpiya na magtipon at maglathala ng mga komprehensibo at napapanahong saliksik ukol sa mga katutubong wika ng Filipinas. Sinimulan ang programa noong 2015 sa pakikipagtulungan sa Opisina ni Senadora Loren B. Legarda. Nakapagdokumento na ito ng 40 katutubong wika. Target naman na makapagdokumento ng 30 na katutubong wika para sa taóng 2019.

“Ito ang pinakamalaking research grant na iginagawad ng KWF,” paliwanag ni Virgilio S. Almario, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA). “Inilalaan ng KWF ang malaking porsiyento ng pondo ng ahensiya para sa mga programa sa pagpapasigla at pagdodokumento ng iba’t ibang katutubong wika ng Filipinas. Pagtupad ito ng KWF sa tungkuling pangalagaan ang lahat ng mga katutubong wika.”

Bahagi ang Lingguwistikong Etnograpiya ng malawakang programa ng KWF para sa pangangalaga ng mga katutubong wika. Ipinroklama ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) ang 2019 bilang International Year of Indigenous Languages. Pinagtibay ng KWF sa Kapasiyahan ng Kalupunan Blg. 18-31 ang pagpapaigting ng mga programa at proyekto para sa mga katutubong wika ng Filipinas.

Sa 15 Pebrero 2019 ang huling araw ng pagsusumite ng mga panukalang saliksik.

Maaaring ipadala ang mga aplikasyon sa kwf.ssg@gmail.com at/o sa Lupon sa Lingguwistikong Etnograpiya Komisyon sa Wikang Filipino 2P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel, 1005 San Miguel, Maynila.

Para sa mga form at iba pang detalye ng grant, magtungo sa www.kwf.gov.ph o makipag-ugnayan kay G. Jay-mar Luza ng Sangay ng Salita at Gramatika sa telepono blg. (02) 243-9855. ###