Dayaw Festval Pulong Balitaan kasama si Senator Legarda; Manila Arts 2015 tampok ang mga Obrang Sining Biswal at Dayaw Festival masayang ginanap sa Angeles Pampanga

INTRAMUROS, MAYNILA-Pinangunahan ng National Commission for Culture and the Arts ang pulong balitaan ukol sa gaganaping pagdiriwang ngayong taon ng Indigenous People’s Month o ang “Dayaw Festival”.

Ngayong oktubre ang Indigenous People’s Month at bilang paggalang sa ating mga katutubo ay muling gaganapin ang pagsa sama sama ng tinatayang animnapu’t tatlong (63) tribong etno lingguwistika ng bansa sa Angeles City, Pampanga. Ang buwan ng mga katutubo, magsasama-samang muli ang mga indigenous Tribal Communities ng bansa mula sa Luzon, Visayas at Mindanao at inaasahang muli nilang iso-showcase ang mga katangi-tangng husay nang kanilang tribo at pook na pinanggalingan.

Ang Dayaw ay ipinagdiriwang regular lalo sa tuwing sasapit ang Oktubre kung saan kasabay ang buwan ng katutubo, nagsilbing panauhing pandangal si Senador Loren Legarda na nagbalitang lalabas sa telebisyon ang isang prograamang may titulong Dayaw, isang produksyon at pagtutulungan ng kayang tanggapan bilang senador ng bansa at nang NCCA upang higit umanong maipamalas sa lahat at maipaalam ang kahalagahan ng Dayaw sa maraming Pinoy.

Kabilang sa mga opisyales ng NCCA na naging bahagi nang pulong balitaan bukod kay Senador Loren Legarda ay si Dr. Edwin V. Antonio ang Head ng National Committee on Northern Cultural Communities, Dr. Al Anwar Anzar ang Head ng National Committee on Southern Cultural Communities at ang Head ng National Committee on Central Cultural Communities Alphonsus Tesoro kasama rin si Ms. Marichu Tellano na hepe ng Plan Policy Formulation and Programming Devision.///Michael Balaguer

 

BONIFACIO GLOBAL CITY, TAGUIG-Sining biswal gaya ng potograpiya, pintura, iskultura at mix media o obrang pinturang hinaluan ng potograpiya atbp. Ang namas ng mga aficionado nang sining na nagtungo sa SM Aura kamakailan sa Taguig para saksihan ang taunang Manila Arts 2015.

Kabilang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa mga ahensya ng gobyernong nakibahagi sa nasabing taunang pagtatanghal ng mga sining biswal buhat sa ibat ibang artistang mangguguhit at pintor kabilang rin ang mga nakuhang lawaran sa peilkulang Genghis Khan ni Manuel Conde.

Bukod sa mga personalidad na nakita sa  nasabing okasyon ay ang Head ng NCCA Public Affairs na si Rene Napeñas kasama ang kanyang mga staff, si Senador Loren Legarda, sina Dr. Bahman Samadi at mga kasama sa Islamic Republic of Iran, si dating Senador Juan Miguel Zubiri at kanyang asawa, sikat na Celebrity Doctor na si Dr. Joel Mendez na isa ring Pintor at ang aktres na dating beauty queen na si Ms. Evangeline Pascual at mga alagad ng sining na kapwa datihan at baguhan sa sining biswal at iskultura.///Michael Balaguer