Banal na bundok ng San Miguel karagdagang atraksyong pan-turismo at ispiritwal sa Bulacan; Kapitan kinasuhan dahil sa curfew at anibersaryo ng BOFWA matagumpay na naidaos sa Maynila

 

 

San Miguel, Bulacan-Panahon ng pagtitika at pagninilay nilay ngayong Semana santa. Marami sa ating mga kababayan ang sa halip na magtungo sa mga lugar na kung saan kanilang naising idaos ang kanilang pagdidili-dili ay mas pinipili pa nilang malapit lamang ang puntahan. Isang lugar na tunay na rekomendado sa mga pilgrims ngayong taon ay ang Banal na Bundok na matatagpuan sa bayan na ito sakop ng makasaysayang barangay ng Biak-na-bato.

Atraksyong pinagsama ang turismo at ispiritwal dahil araw-araw mula pa nitong lunes santo ay napakarami nang bumibisita sa nasabing lugar. Bagaman di kalayuan sa kinalalagyan ng makasaysayang Biak-na-bato national park ay tila mas dinadalaw pa ngayon ng local na turista at pilgrims ang lugar na animo ay recreated life sized station of the cross.

Ayon kay San Miguel Mayor Roderick Tiongson sa panayam ng www.diaryongtagalog.net maituturing na banal na lugar ang nasabing pook dahil sapagkat ang simula kung bakit ito naitayo ay bunga ng isang pangitaing ipinahayag sa kanya ng langit habang siya ay nagtitika. Ang buong kasaysayan ng Banal na bundok ay isinalaysay niya sa video.

Makikita sa kabuuan ng banal na bundok complex ay ibat ibang life sized na istatwa ng ibat-ibang aghel na pinangungunahan nina Anghel San Miguel, Gabriel atbp. Gayundin ang kabuuan ng station of the cross, way of the cross, ang mga bantog na imahen ng nakahigang Kristo, Divine Mercy, Nazareno, ni Birheng Maria atbp.

Ang buong banal na bundok complex ay nasa 60 hectares bagaman di pa halos natatapos ang kabuuang konstruksyon nito ngunit tinyak naman ni Mayor Roderick na sa tulong ng Diyos at panalangin ay matatapos ngayon taon. (isinulat ni jane balaguer with videos and photo by mike balaguer)

 

 

Samantala,

Donya Remedios Trinidad, Bulacan-sinampahan ng kaso ang kasalukuyang nanunungkulang kapitan ng isang barangay sa bayan na ito matapos na mahigpit niyang ipatupad ang ordinansa nilang pagkakaroon ng curfew sa mga menor de edad, ginanap kamakailan sa Bgy. Camachile.

Sa panayam ng www.diaryongtagalog.net kay Bgy. Captain Rogelio Resigurado sinabi niyang kaya sila nag impose ng curfew sa mga menor de edad sa kanilang lugar ay dahil sa lumalalang mga ugali ng mga kabataan duon.

Ayon kay Resigurado, malimit mag trip ang ilang mga kabtaan sa kanilang barangay gaya ng pagbabasag ng mga lamp post, pagsira ng kisame ng mga waiting shed, pagbali ng mga street sign at ang nakaraang pagbasag ng mga kuntador ng tubig at kuryente.

Nabanggit niya na nuong araw na iyon ay buhat sila sa isang residente na nagsumbong na ginagahasa upang mag responde kasama ng ilang pulis. Gabi iyon ng maganap at halos nasasakupan na ng curfew hours na mula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga ayon sa kapitan.

Nakita umano nila mismo ang mga ginawang pagbabasag at paninira ng nasabing mga kabataan nung gabing iyon na may kasama pang pang panunuya at pagmumura sa mga naka istasyong Bgy. Tanod nila. Pagkatapos murahin ang tanod wika ni kapitan ay pahahabulin ang mga ito, natural na hindi amaabutan dahil karamihan ng kanilang mga tanod ay matatanda na kaya nang madakip ay agad na dinala sa Barangay hall upang pagsabihan.

Ang reklamo kay kapitan ng mga kabataan ay ginulpi umano sila nito, sinabing pinagmumura at pinalo ng baseball bat ngunit wala naman umanong baseball bat sa barangay hall at wala namang pag airing baseball bat si kapitan. Sabi ni kapitan ay pina iskwat lang umano niya ang mga bata at pinagsabihan kasama ang mga magulang nito na ipinatawag ng barangay.

Nasa malolosna nakasampa ang kaso laban kay kapitan at nag aantay na lamang upang sagutin niya ang mga alegasyong ipinupukol sa kanya. Dagdag pa niya ay ang nasabing mga kabataan karamihan ay umaabuso at hindi nito ka ugali ang kanilang mga magulang na taal na taga ruon.

Sa kaugnay na balita nabanggit naman ni Kap Resigurado na ang mga hinakot kalmakailan upang dalhin sa kapitolyo upang magprotesta laban kay Governor Alvarado ay mga taga kanila at sinabi niyang nuong araw na hinakot ang mga ito na binubuo ng tatlong jeepney ay agad niyang sinabi kay Governor, kinagalitan umano siya ng pinuno nitong kanyang katunggali sa pulitika ngunit ayon sa kanya ay marami naman kasing naibigay na magandang proyekto sa kanila ang gobernador kaya wala siyang dahilan upang makisali sa mga nagpapatalsik dito.

Habang ang mga nagprotesta naman laban kay Mayor Ronald T. Flores ilang araw rin mula ng ganapin ang panayam ayon kay Resigurado ay mga dayuhang mang uuling na kapag naubos ng I uling ang kabundukan ay lilipat na muli ng lugar, sila na ang bagsakan ng sisi ng mga taga ibaba dahil kung babagyo at babaha ay diretso sa kapatagan ang tubig. (mike balaguer)

 

 

Kaugnay nito,

City of Manila, Pilipinas-Matagumpay na natapos kamakailan ang anibersaryo ng Bangsamoro Overseas Filipino Workers Association na ngayon ay isa na ring Foundation kung saan naging bisita ang ibat-ibang personalidad na muslim buhat sa Kamaynilaan.

Pinanunahan ni Guro Nasra Onsok ang kanyang mga miyembro nang kanilang ipagdiwang ang kanilang ika apat na taong pagkakatatag. Binigyang sigla ng mga mananayaw ng tradisyunal na dayang-dayang ang kanilang aktibidad na kasama ang mga taga Manila Muslim Affairs Coordinating Council sa pangunguna ni Chairman Jupakar Joe Arabani at mga kasama nito kabilang rin ang www.diaryongtagalog.net administrator bilang panauhing nagbigay ng mensahe.

Sa kanilang apat na taong pamamayagpag ay nagkaroon ng mga proyekto at programa so Onsok na may layuning makatulong sa Bangsamoro na mga OFW at mga kaanak nito na naiwan sa bansa. Makikita sa video at mga larawan ang kanilang mga aktibidad na eksklusibong kinober ng pahayagan. (abdul malik ismail)