Buddhist Tzu Chi Foundation Philippines Tea Gathering alay sa mga Binayo ng Bagyong Yolanda

DSC00708DSC00707DSC00706

Lungsod Quezon, Pilipinas- Ginanap kamakalawa ang tea gathering na pinangunahan ng Buddhist Tzu Chi Foundation Philippines kung saan ilang mga Filipino-Chinese Entrepreneurs at negosyante ang nakibahagi upang tumulong sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda na tinutulungan ng Tzu Chi, bahagi ng kanilang programang Cash for work upang maibalik ang dignidad sa sarili ng mga kababayan nating napinsala ng nasabing trahedya.

 

 

Nagsalita bilang panauhin sina Alfredo Li, ang Chief executive Officer ng Tzu Chi sa Pilipinas at si Stephen Huang ang Head ng Global Volunteers ng Tzu Chu ikol sa kanilang ginagawang pagtulong sa Tacloban City. Samantala, isang team ng Tzu Chi volunteers ang mag i install ng mga temporary classrooms, sa Dulag, Tanauan, Palo, Sta. Fe at Alang-alang.

 

 

Isang grupo naman ng Tzu Chi ang tutungo sa Bohol upang mag survey kung saan nila ilalagay ang mga temporary shelter at classroom na kailangan sa mga lugar ng Cortez, Altequera, Loon, Sagbayan at Calape. Samantala, sa ginanap na tea gathering ng Tzu Chi sa kanilang punong tanggapan sa lungsod na ito ay isinama ng www.diaryongtagalog.net ang grupo ng Manila Muslim Consultative Council ng lungsod ng maynila upang makibahagi sa kanilang Tea gathering at maaring makipag tulungan upang matulungan ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda. may mga Muslim rin na naninirahan at maaring nasalanta ng bagyong Yolanda na nakatira sa tacloban City, sa Leyte at Samar. (mike balaguer)