lingap sa mamamayan ng Iglesia Ni Cristo isinagawa sa QC

DSC00410 DSC00408DSC00409

Quezon City, Pilipinas- PINANGUNAHAN ng mga kapatiran sa Iglesia Ni Cristo ang isa na namang evangelical mission kasama ang kanilang programang lingap sa mamamayan kung saan bukod sa pamamahagi ng mga salita ng Diyos ay nagkaroon sila ng Medical Dental mission.

ginanap nitong ika-13 ng Disyembre sa quezon memorial circle, ang pamunuan ng Iglesia Ni Cristo at ng Felix Y. Manalo Foundation Inc. di mahulugang karayom sa dami ng mga dumalo buhat sa ibat-ibang bahagi ng Kamaynilaan. mga kaanib o mga bisita ng mga kaanib na nais makapakinig sa mga mensaheng dala ng mga mangangaral ng INC ang nagtungo sa nasabing lugar.

isa lamang ito sa maraming lingap sa mamamayang ginagawa ng pamunuan ng INC paraan na rin nila upang makahikayat ng mga bagong aanib sa kanilang pananampalataya. kapansin pansin na buhat sa iba ibang klaseng tao ang nagtungo upang makibahagi, may kaya o dukha, mga mag aaral, propesyunal o kawani ay matamang nakikinig sa mga ipinahahayag ng mga ministro na tumatalakay ng mga mensahe buhat sa biblia. (mary jane o Balaguer)