Magsasaka’t maningisda makakakuha ng buong subsidies sa kanilang SSS contribution mula sa DA; Computer School on Wheels: Proyekto ng Damayang Filipino Movement at larawan ng Barasoain Church dapat ibalik sa pera

 

 

 

nasa video ang namayapang kura paroko ng Our Lady Of Mt. Carmel o Barasoain Church. ito ang una at huling eksklusibong panayam namin kay Msgr. Mario Arenas, isang huwarang alagad ng Diyos, mabait na ama ng simbahan. salamat sa interview Father, paalam po, kasama na ninyo si God. (www.diaryongtagalog.net)

Malolos City, Bulacan-BARASOAIN, ang lunduyan ng himagsikan, ang pook kung saan isinagawa ang unang kongreso, ang unang republika sa Asya at ang unang konstitusyon. Napakalaki ang naging kontribusyon ng simbahang ito sa ating mayamang kasaysayan.

Pagpapasigla muli ng Barasoain ang isinusulong ni Msgr. Mario Arenas, batay sa eksklusibong panayam ng www.diaryongtagalog.net sa bagong kura paroko ng Simabahan ng Nuestra Senora Del Carmen o ang Makasaysayang simbahan ng Barasoain.

Ayon kay Msgr. Arenas, ngayon na ang panahon upang kilalanin ng bagong henerasyon ang kontribusyon ng Barasoain sa kasaysayan ng bansa lalo ng himagsikan. Aniya, nuong nasa sampung piso pa ang larawan ng Barasoain ay kilalang-kilala ito, biro pa niya, nakilala ang barasoain dahil sa “pusa” na hinahanap sap era, kayat napabiro ang pari na “kaya nga mag aalaga na ako ng pusa dito (sa simbahan)” dahil sa pagkakakilanlan ng nasabing hayop kaugnay ng makasaysayang simbahan.

Sa pagdiriwang ng Fiesta Repubica, masasabing ang kontribusyon ng simbahan di lang sa pangangalaga ng kalulwa ng mga taga Malolos o Bulacan sa pangkalahatan ay mahalaga at nararapat kilalanin ng bayan. Nais ng bagong pamunuan ng simbahan na palakasin ang awareness ng mga tao sa kahalagahan ng simbahan sa kultura at pagkamakabayan ng sambayanang Pilipino kaya nais nilang muling mailathala sa ating mga salapi ang larawan ng simbahan ng Barasoain.

Ngayon ay nakalathala sa dalawandaang piso ang simbahan ngunit ayon kay Msgr. Arenas ay lubhang napaka liit naman ng larawan at parang hindi napapansin. Halos araw-araw ay may mga nagtu tour na mga estudyante sa simbahan, maaring kabilang ito sa itinerary ng Department of Tourism sa mga magtutungo sa Malolos.

Ngayon bilang kasama sa mga pagdarausan ng Fiesta Republica ay may mga ipina a ayos ang pamunuan ng simbahan upang lalong maging presentable sa mga bisita ang makasaysayang simbahan, inaayos ito na akma sa sinauna nitong hitsura na dapat ay hindi nagbabago. (jane olvina-balaguer)

Samantala,

Quezon City, Metro Manila-Sa patuloy na kampanya upang ipaabot ang social protection sa mga mangagawa sa informal sector, ginawang pormal ng Social Security System (SSS) ang kanilang pakikipagtulungan sa Department of Agriculture (DA) para i-fully subsidize nito ang buwanang kontribusyon sa SSS ng mga magsasaka bilang mga self-employed members.

Ang kasunduan ay inaasahang makapagbibigay benepisyo sa higit 200,000 mangagawa sa sektor agricultural sa buong  bansa na makapagku qualify sa subsidy bilang miyembro ng Rural Based Organizations (RBOs) or Community Extension Workers (CEWs) na may good standing, kasama ang 100 magsasaka na nauna nang napili sa unang batch ng mga benepisyaryo.

Sa kabila ng di matatawarang papel ng mga ito sa seguridad para sa pagkain ng bansa, kadalasan ang mga magsasaka ay naghihirap dahil sa paraan ng pana-panahon nilang paraan ng kita at kapag inaabot pa ng kalamidad gaya ng baha, bagyo at ibang hagupit ng kalikasan.

Nilagdaan nina SSS President and Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr. at Agricultural Secretary Proseso Alcala ang kasunduan sa isang seremonya sa tanggapan ng DA sa lungsod na ito nitong March 14, kasama si SSS Senior Vice President Judy Frances See at DA-Agricultural Training Institute (ATI) Director Asterio Saliot bilang mga saksi.

Bukod sa mga magsasaka ay mga mangingisda rin ay kabilang sa Mga benepisyaryo sa nasabing programa. Ngayon aabot sa higit 450,000 magsasaka at mangingisda ang covered ng SSS bilang self-employed na miyembro.

ang DA-ATI, kasama ang RBOs at CEWs bilang mga partners, mag iimplimenta ng extension at training activities upang i-promote ang state-initiated food sufficiency programs at iba pang priority thrusts ng DA. ang subsidy para sa SSS contribution forms bahagi ng DA-ATI’s compensation para sa kwalipikadong miyembro ng RBOs at nakatalagang CEWs. Kabilang sa talaan ng RBOs ay ang Rural Improvement Clubs (RIC); ang youth-based 4H Clubs; Pambansang Mananalon, Mag-uuma, Magbabaul, Magsasaka (P4MP); Magsasaka Siyentista (MS); at mga katutubo.

ang subsidies ay batay sa P3,000 buwanang sahod na katumbas ang halagang P330 kada buwan. Ang tanggapan ng DA-ATI ang magrel remit ng mga kontribusyon sa SSS quarterly sa pamamagitan ng pagdedeposito sa bangko at pagsusumite ng regular payment list na ipinakikita ang mga benepisyaryo sa programa. Ang mga napiling benepisyaryo ay maaring dagdagan ang kanilang kontribusyon at ang pinakamataas ay maari ring maka avail ng mataas na loans at benepisyo sa hinaharap.

Maraming magsasaka at mangingisda ang walang social security coverage at nahihirapang magbigay ng regular na kontribusyon. Ito ang layunin ng SSS sa kanilang programa katulong ang DA. (jane balaguer)

kaugnay nito,

Patuloy na lumalawak ang mga miyembro ng Damayang Filipino Movement Inc. na itinatag ni Vice Governor Daniel Fernando. Ito ay binuo hindi pampuliktika kundi para mapalaganap at maipaabot sa mga bulakenyo ang kanilang mga magagandang proyekto na sinuportahan naman ni Governor Wilhelmino Sy-Alvarado.
Isa sa kapaki-pakinabang na proyekto ng Damayang Filipino ay ang Computer School on Wheels katuwang ang Bagong Henerasyon Partylist ni Bernadette H.Dy. Ito ay truck na may lamang 6 na computer unit na umiikot sa bawat purok ng isang barangay at ito ang magsisilbing paaralan ng mga anak o miyembro ng Damayang Filipino, at mga out of school youth.

Dito sa truck na ito ay makakapag-aral ng libre ang mga kabataang walang kakayahan ang mga magulang na sila ay mapag-aral. Bukod pa rito ay di sila mamamasahe dahil ang truck na mismo ang pupunta sa kanilang Barangay, mayroong 5 truck ang Computer School on Wheels na nagtutungo sa nakatalagang barangay.
Dalawang kurso ang tinuturo nila dito, ang Basic Computer na may apat na oras at Computer technician naman ay dalawang oras. Ang pasok dito ay limang araw sa isang linggo, at tumatagal hanggang isang buwan o higit pa. Isinasaayos na rin na magkaroon sila ng kursong welding at massage therapy.
Meron din graduation ang mga magsisipagtapos dito na ginaganap sa kanilang barangay na dinadaluhan ni Gob. Willy Alvarado, Vice Gob. Daniel Fernando. Binibigyan din sila ng sertipiko na katibayan na sila ay nagtapos sa kursong pinag-aralan.

Dalawang bayan na ang natapos na ikutan ng Computer School on Wheels, sa Guiguinto ay 728 ang estudyanteng nagtapos at kalian lang ay 800 naman ang nag-graduate sa San Jose Del Monte.
Nakakatuwa pa dito ay walang pinipiling edad ang gusting mag-enroll sa Computer School on Wheels tulad na lamang sa Guiguinto na anim na taong gulang ang pinakabatang nagtapos at pitumput limang taon naman ang pinakamatanda.
Isusunod na nila ang bayan ng Paombong at bayan ng Calumpit na kung saan nagdaos sila ng Assembly sa Barangay Caniogan na pinamunuan ni Marites Sevilla.
Ang gustong sumapi ay maaring makipag-ugnayan lamang kay Chairman Willy Santiago at Che Mag-isa na siyang umiikot at nakikipag-ugnayan sa mga pangulo at coordinators ng bawat barangay. (AIDA RUBIO)