Mga paglilingkod ng Tzu chi nitong 2013, walang kaparis

 

Lungsod Quezon, Pilipinas-Sa ginawang medical mission nitong nakaraang june 24 2013 kabalikat ang San Lorenzo ruiz parish sa Navotas, 336 pasyente ang nabigyang lunas sa sakit sa kanilang mga mata, 82 sa ngipin at sa pagbubukas ng klase ay 1,000 mag aaral ang sponsor ng tzu chi, halagang 40,000 pesos ang sponsor nila sa kolehiyo, 14,000 pesos sa mataas na paaralan at 6,000 pesos sa elementarya.

Nitong October 17, 2013 kung saan binayo ng lindol na intensity 7.2 ang Bohol kung saan nag iwan ng 158 kataong bangkay, 22 mga nawawala at 2,000 mga kabahayan ang nasira, nagtungo ang mga volunteer ng tzu chi foundation sa Bohol October 19 para tumulong sa disaster relief at survey.

Sa pagragasa ng super typhoon Yolanda kung saan maraming probinsya sa kabisayaan ang binagyo, na washed out ang mga kabahayan at mga nasa 10,000 agad ang nasawi, tumulong rin ang tzu chi sa relief at rescue sabay ng kanilang programang cash for work, ilang mga volunteers naman mula sa ibat ibang sector ang inanyayahan ng tzu chi na tumulong sa repacking ng mga relief goods para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Nitong nakaraang taong dec 29, 2013 9,025 pamilya ang nabigyan ng cash assistance ng tzu chi sa tacloban at karagdagan pang 110 milyong piso ang kanilang naitulong muli sa nasabing lungsod katulong ang punong bayan na si Mayor Alfred Romualdez upang gumawa ng mga temporary housing at classrooms.

Sa Tacloban operation ng Tzu chi foundation, 300,000 katao ang naisama nila para sa cash for work, 19 days na at 500 pesos per araw, 40 dumptrucks, 10 payloader at 2 backhoe ang nai facilitate ng foundation. 30,000 pamilya ang nakatanggap ng cash assisstance para sa paggawa ng kanilang mga nasirang kabahayan. 314 milyon pesos ang naidagdag sa ekonomiya ng tacloban.

ang tzu chi ay nagbigay ng 6 na  temporary classroom to sacred heart at st. scholastica catholic schools habang ang sacred heart church ay nakatanggap 450,000 pesos para sa kanilang pader at sound system para makapag misa sila, ang Tacloban delta volunteer fire brigade ay natulungan ng 410, 000 para i repair at i restore ang kanilang mga equipments, napatunayang ang mga religios organization ay maaring magtulungan. (jane balaguer)