Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino hindi apektado ng kakayahan nating gumamit ng Wikang Ingles

Excellent Command of the English language does not hinder the propagation of the National Language

HINDI umano maa apektuhan ng husay ng pinoy na magsalita ng wikang ingles ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino o ang paggamit nito sa mga dokumentong dati ay wikang ingles lamang ang ginagamit gaya ng agham, matematika, batas atbp.

Ayon sa pagpapaliwanag ng Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino na si Dr. Arthur Cassanova sa kanilang pinangunahang pulong balitaan kamakailan kasabay ng pagbubukas ng taunang buwan ng wikang pambansa.

Matatandaang binanggit ni Pangulong Bongbong Marcos ang tungkol sa pagpapalaganap ng wikang pambansa o ang wikang filipino at ang intelektwalisasyon nito, sabi ni PBBM na sinegundahan naman ni Cassanova na tunay na hindi maa apektuhan ang pagpapalaganap ng paggamit sa wikang filipino ng taal na galing ng pinoy sa wikang ingles.

Maituturing din na bahagi ng intelektwalisasyon ng wikang pambansa bahgaman hindi tuwiran ay ang pagsasabi ni Senator Robinhood Padilla na siya ay makikipag talastasan sa mataas na kapulungan o sa Senado gamit ang wikang Filipino.

///michael balaguer, 09262261791, michaelbalaguer@yahoo.co.uk at konekted@diaryongtagalog.net