INTERNET20, pinangunahan ng ASTI-DOST at ICTO-DOST, 1Milyong Malinis na Kubeta handog ng Pilipinas Shell at Domex UNILEVER at TAOID heritage, taunan nang ipagdiriwang ayon sa NCCA

 

 

Pasic City, Pilipinas-1994 nang unang ipakilala sa bansa ang isang pamamaraan upang maikonekta ang bawat  isa sa atin sa ibat ibang bahagi ng mundo. Ito rin ang panahon kung saan ang napakabilis na paraan ng komunikasyon ay unti unting nadarama ng bawat isang Pilipino maging mayaman o mahirap. Natatandaan ng maraming nauna nito na napakahirap tumawag sa ibayong dagat, magpadala ng mga liham o maging magsaliksik, mag aral lalo kung ang mga datos na kailangang kunin ay nasa kabilang bahagi ng mundo.

Nabigyang solusyon ang suliraning ito nang maikonekta ang bansa sa world wide web, na nuong una ay para sa research at military purposes lang talaga. Ipinakilala sa bansa ang nasabing access sa tinatawag na information superhighway ni Dr. William Torres, ang kanyang kumpanya na isa sa pinakamatatag na internet service provider ngayon ay ang sinasabing ilan sa mga nauna sa online business.

Kaya siya ang tinawag na ama ng internet sa bansa. Isang aktibong miyembro ng national academy of Science and Technology, ang itinuturing na highest advisory body ng gobyerno sa usaping agham at teknolohiya, nauna nang pinag usapan sa isang round table discussion ng NAST ang ukol sa kahihinatnan ng Information Communication Technology Infrastructure sa bansa.

Kanilang pinag usapan ang hinaharap nito given sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya, mga policy ng gobyerno at prayoridad. Dahil nga sa kagaya niyang may nakikitang magandang hinaharap ang ICT sa bansa, kamakailan ay ipinagdiwang ang wika nga ay 20 taong kaarawan ng internet sa Pilipinas na pinangunahan ng Information Communication Technology Office ng Department of Science and Technology (ICTO-DOST) Undersecretary Louis Casambre na siyang Director ng tanggapang dati ay nasa ilalim ng opisina ng Pangulo ng bansa o National Computer Center.

Kabilang rin sa naging punong abala sa nasabing aktibidad ay ang Advanced Science and technology Institute ng Department of science and Technology (ASTI-DOST). Ayon sa panayam ng www.diaryongtagalog.net kay USec Casambre sa kanyang tanggapan sa UP Diliman, positibo ang kanilang pananaw sa hinaharap ng internet connectivity sa bansa sa katunayan ay may mga programa na silang iniimplimenta kapartner ang ilan sa pribadongs ektor upang tunay na ma realize ang planong internet para sa lahat.

Ang kanilang inilunsad na teknolohiya ng TV White Space sa Bohol kung saan ginagamit ang un- used television signals maging Very High Frequency (VHF) o Ultra High Frequency (UHF) channels para maging carrier ng voice and data stream nang magamit para magkaroon ng access sa internet ang halos lahat ng barangay sa buong bansa ay nagsisimula nang maging totoo.

Dagdag pa niya, maraming lugar talaga sa bansa ang hindi naa abot ng wireless connectivity ng mga tele-communications companies. Limitado rin ang wifi at iilan lamang ang kaya nitong I accommodate kumpara sa TV White space na napakarami pang bakante.

Para lang din umanong Wireless Fidelity (WIFI) Technology ang TV White space dahil pareho silang wireless connectivity, di gaya ng fiber optic na cable at may kamahalan ang halaga. (mike Balaguer)

Samantala,

 

 

Muntinlupa City, Pilipinas-Mahalaga sa mga magbibiyahe ngayong mahal na araw ang mga malinis na comfort rooms. Sa kasamaang palad ay sa mangilan ilan na mga comfort rooms na matatagpuan sa ating mga public highways ilan lamang ang malinis.

Ito marahila ang dahilan kung bakit nagkapit bisig ang Unilever Philippines, Pilipinas Shell, Unicef, City of Manila sa programang tinaguriang “1 Million Clean Toilets, saving lives one toilet at a time”.  Isang milyong kubeta sa buong bansa ang lilinisin gamit ang domex, produkt o ng Unilever.  Hinihikayat nila na maging isa sa mga magpi pledge na maglinis ng ating mga CR at lumaban kontra poor sanitation.

Sa kanilang unang sigwada ay nasa talaan nilang linisin ang mga kubeta ng Shell stations sa South Luzon Express way (SLEX) at sa North Luzon Expressway (NLEX) ngunit pinag aaralan rin nilang ibaba ang programa sa mga kubeta sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa kinaroroonan ng mga pinakamababaho at nakasusulasok na pampublikong kubeta sa bansa.

Nabatid na marami pa rin sa bansa ang walang kubeta kaya ang suliranin sa malinis na kubeta ay isa lamang problemang madaling solusyunan ayon sa Department of Health sa isang panayam kamakailan.

Malaki ang pangangailangan sa malinis na kubeta ngayong malapit na ang mahal na araw dahil sa kabi-kabila ang mga biyahe at labas masok ang mga tao sa kamaynilaan at patungo sa mga lalawigan.

Ayon sa United Nations International Children’s Emergency Fund o UNICEF isa ang sakit na diarrhea sa mga karamdamang pumapatay sa mga bata na ang sanhi ay poor sanitation na bunsod ng kawalan ng malinis na kubeta, bukod pa sa karamihan ng kabahayan sa bansa halos 90 ay walang palikuran ayon sa datos buhat sa mga dalubhasa sa kalusugan sa ilalim ng kagawaran ng agham.

Nabanggit ng UNILEVER na pati mga pagamutan ay kanilang lilinisin ang mga CR at dahil nga concern ang mga ito sa kapakanan ng mga bata ay naiisip na nilang isama sa listahan ng kanilang mga ospital na pupuntahan ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC) ang pangunahing pagamutang dalubhasa sa pediatric care sa bansa na matatagpuan sa lungsod Quezon.(mike balaguer)

Kaugnay nito,

Manila, Pilipinas-Sa halip na sa buwan lamang ng Mayo ipagdiriwang ang taunang National Heritage Month o yaong tinaguriang “Taoid”, gagawin na itong isang buong taong pagdiriwang simula ng Mayo ngayong taon ayon sa National Commission for Culture and The Arts (NCCA).

Mayo ang deklaradong selebrasyon ng TAOID o ang heritage conservation program ng pambansang komisyon ng kultura at mga sining. Flagship program ito ng sub commission on cultural heritage na pinangungunahan ni Fr. Harold Rentoria. Ang TAOID ay isang salitang ilokano na ang ibig sabihin ay heritage.

Ang tema ngayong taon ay “Pamanang Pinoy:Taoid 2014” at magkakaroon ng mga heritage clinic na pangungunahan ng mga national committees sa archives, art galleries, historical research, libraries at information services, kasama rina ng mga monument sites at museums.

Nuong Ika 31 ng Marso sumipa ang unang katibidad sa isla ng limasawa sa timog Leyte kung saan una raw ginanap ang unang misa sa bansa 493rd commemoration ng unang misa. May mga aktibidad naman mula abril 30 hanggang may 4 sa albay Masbate at Sorsogon.

Ang mga aktibidad na dati ay sa buong buwan lamang ng Mayo ay ginawa na nilang pam buong taon upang lubos na ma appreciate ng madla an gating national heritage at maipagmalaki an gating pagka Pilipino. Layunin nitong ipakilala ang kagandahan ng ating kultura at mga sining sa ibayong dagat at sa ating mga kababayan lalo sa mga susunod na salinlahi. (mike Balaguer)