99.9 radyo chinoy binuksan sa ustream at sa himpapawid para sa Islam

DSC00523DSC00520DSC00519

Maynila, Pilipinas- Inilunsad sa lungsod na ito ang radio chinoy 99.9 mzh fm, isang radio na magkakaloob ng mga programa ukol sa iba’t-ibang sector gaya ng mga chinoy o chinese Filipino, mga programang gagamit ng mga wikang regional at magkakaroon ng programa ng relihiyong Islam.

 

Kabilang sa mga naging bisita sa nasabing paglulunsad na pinangunahan ng brodkaster na si Jojo Demetilla ay ang Tzu Chi Foundation Philippines na nag ulat tungkol sa kanilang pagtulong sa Tacloban lalo ang kilalang paraan nilang cash for work, kasama rin ang Manila Muslim Consultative Council na may layuning pag isahin o magkaisa ang 21 tribo ng muslim sa bansa.

 

Isang buddhista, isang pari, kristiyanong mga lider at organisasyon maging ang Grand Imam ng Islam sa bansa ang nahandog ng pangunang panalangin sa ikapagtatagumpay ng nasabing radio. Ayon sa MMCC bibigyan nila ng suporta ang nasabing radio sa layuning malaki rin ang maitutulong nito upang mapag isa ang mga muslim sa bansa. (mike balaguer)

 

 

DSC00517DSC00516DSC00514